Part 7

1.6K 44 5
                                    

"Kaya kung natatakot ka, mas maiging huwag ka nalang bumalik sa katawan mo. Dito ka nalang. Hindi kita pakikialaman kung mananatili kang ganyan."

Napatango-tango nalang siya. "Madami ba kayong mga astral vampires?"
"Dito sa bahaging ito ng Pilipinas, kami lang mga Monfort. Hindi ko sigurado kung may nag-migrate na iba pang pamilya ng mga astral vampires dito sa bansa niyo. Wala namang pakialamanan ang bawat pamilya, pwera kung ang pakikialam ay magaganap sa loob mismo ng isang pamilya, mga miyembro ng pamilya. Pagdating naman sa mga Soul Suckers, wala pa kaming nabalita na ibang Soul Suckers maliban sa mga Avergou."
"Ah, yun naman pala. Nasaan ang pamilya mo pala? Pwede mo ba akong ipakilala sa kanila?"
Kumunot ang noo ni Lathan. "Bakit kita ipapakilala?"
"Wala lang." kibit-balikat niya. "Kasi di ba, minarkahan mo na ako bilang pagkain mo. Para incase makita ako ng mga kapamilya mo, hindi nila ako pagtangkaang kainan kasi kilala na nila ako."
"Nah. I'll just leave it to Lori. Siguradong nasabi na niya ang nangyari ngayon sa pamilya ko."
Nawalan na ng sasabihin si Scylla. Hindi na siya makaisip ng dahilan para mapilit itong ipakilala siya sa pamilya nito. Bigla kasi siyang na-curious nang malaman na may pamilya si Lathan. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pagnanais niyang makilala ang pamilya ng mga bampira pero matindi ang pagnanais niyang makaharap ang mga iyon.
"Mababait din ba sila tulad mo?" naitanong nalang niya.
"Hindi ako mabait."
"Mabait ka kaya. Ikaw na ang pinakamabait na bampira na nakilala ko." Malambing na sambit niya. Para naman medyo bumait-bait na ito sa kanya. Masyado kasi itong seryoso. Magsasalita lang ito kapag may sasaguting tanong niya.
"Para namang napakadami mo nang bampira na nakilala?"
"Wala pa nga e. Ikaw pa lang at si Lori. Parang ayoko pa ngang maniwala na bampira kayo. Pero sa mga naranasan ko nitong nakaraan―"
"Save your breath, Scylla." He hissed.
At sa kabila ng paraan nito ng pananalita ay hindi niya maunawaan kung bakit nakakaramdam pa din siya ng kakaibang tuwa. She loves the way he uttered her name.
Hays!
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya naiisip ang mga bagay na iyon?
Tss!
"You know what? Sa halip na sayangin mo ang oras at enerhiya mo sa pagtatanong ng mga bagay-bagay na makakalimutan mo rin lang naman kapag nagising ka na, bakit hindi mo nalang igugol ang oras mo sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na makakatulong sa pagbabalik mo sa katawan mo?"
"Makakalimutan? Makakalimutan ko ang Out of the Body Experience na ito? At... pati na din ikaw?"
"Oo."
Napanganga siya. Ayaw niya sa ideya na iyon.
Makakalimutan niya si Lathan!
Ayaw niya yatang makalimutan na minsan sa kanyang pagiging kaluluwa ay nakakilala siya ng napakagwapong astral vampire na maski masungit at distant ay naging saviour naman niya.
'Gaga! Pagkain ang tingin niya sayo kaya ka niya pinoprotektahan. Kung sa karne, pinatataba muna niya ang baboy bago ipakatay.'
Binalewala ni Scylla ang nakakainis na bahaging iyon ng kanyang isip.
"Pero sabi mo na magkakaroon ako ng kakayahan na mag-OBE. Mas mai-establish iyon sa akin dahil nangyari na ito habang coma ako?"
"Oo nga. At sa tuwing gagawin mo iyon, makakakain naman ako."
Gusto na yata niyang mainis rito. Puro pagkain ang nasa isip nito.
"Pwede bang magseryoso ka?!" sigaw niya rito.
"Seryoso ako." Kalmado pa ding saad ni Lathan. "Gusto mong makita kung paano kami kumain?"
Hindi siya nakapagsalita. Gusto ba niya? O gusto niya lang na makita ng harapan at mapatunayan sa sarili na totoong bampira ito? Na totoong astral vampire ito at kumakain ng blood energy ng mga kaluluwa ng mga tao na tulad niya.
"Halika."
Sa isang sandali ay nakabig siya ni Lathan at lumipad sila sa kung saan. Kung paglipad man nga ang tawag roon. Masyado kasing naging mabilis ang pagkilos nito. Ni hindi niya matandaan kung saan-saan sila nagpupunta ni Lathan.

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now