Part 14

1.3K 30 1
                                    

“OUCH!”
Asar na nahimas ni Scylla ang brasong nasaktan nang kung sinong hindi nag-iingat at nasanggi siya. Galing siya sa comfort room ng bar na kinaroroonan nila ng mga kaibigan nang mabunggo ng kung sino sa madilim na hallway na iyon. Panaka-nakang tumatama sa kanila ang mapanglaw na liwanag ng led lights mula sa dalawang lounge.
Dahil halos wala na siyang oras para sa sarili sa dami ng iniintinding trabaho ay sapilitan na siyang dinala roon ng mga kaibigan. Naisip niyang maganda na rin iyon. Kung maglilibang siya maski paano, mababawasan ang stress niya, therefore, baka mabawasan na din ang nararanasan niyang sleeping paralysis. Maybe, she just need a break.
“Sorry.”
Bigla ang pag-angat ng mukha ni Scylla pagkarinig sa pamilyar na gwapong tinig. Halos mandilat ang mga mata niya nang makita kung sino ang nagsalita. Nakasuot ang hood ng itim nitong jacket, marahil upang takpan ang gwapong mukha nito. Pero maski anong gawin nitong pagtatago roon, hindi pwedeng hindi niya makikita, lalong-lalo na ang pamilyar na bughaw na mga mata nito.
Ganoon nalang ang pagkagulantang niya.
“You!” bulalas niya.
“Excuse me.” Dagling lumayo ang lalaki sa kanya.
Maski crowded, maingay at napakagulo ng paligid, hinding-hindi makakaligtas sa pandinig niya ang tinig ng lalaki. Hindi siya maaaring magkamali, ito ang lalaki sa panaginip niya. Ito rin ang may-ari ng boses na bumulong sa kanya nang nakaraang gabi.
Siya yun! Alam kong siya iyon!
Patakbong hinabol niya ang lalaki subalit kay bilis nitong nawala. Pulos kadiliman ng gabi ang natatanaw niya sa paligid. Kung may liwanag man, malamlam lang iyon dahil nagmumula sa malalalamlam na liwanag ng iba pang bar na kahelera ng kinaroroonan niya. Nagpasya siyang maglakad-lakad pa. Baka sakaling makita niya ang lalaking hinahanap. Kailangan niyang makita at makausap ang lalaki. Ang dami niyang tanong. Mga mahihiwagang tanong na kung sa normal na tao niya isisiwalat, malamang na pagtawanan lang siya ng mga iyon.
Subalit ang lalaking iyon…
Sigurado siyang alam nito ang sagot sa lahat ng tanong na mayroon siya. Siguradong-sigurado siya. She could feel it.
Pero sino nga ba ang lalaking iyon? Bakit kaybilis nitong kumilos? Bakit bigla itong umalis at tila iniiwasan pa siya? At higit sa lahat, bakit ito nasa panaginip niya? Bakit naririnig niya ang boses nito maski di naman niya ito nakikita? Sino ito?!
Nakarating si Scylla sa madilim na iskinita di kalayuan sa bar na pinanggalingan niya. Babalik na sana siya dahil mukhang wala rin naman siyang patutunguhan sa paghahanap nang may mamataan na bulto ng isang lalaki. Napalingon siya roon. At ganoon nalang ang pagkagulat niya! Iyon ang lalaking hinahanap niya. Anong ginagawa nito sa madilim na iskinita? At bakit nakatitig lang ito sa kanya?
Ang mga titig nito, kakaibang kilabot ang hatid noon sa kaibuturan niya. Kaiba sa damdamin na nadama niya kaninang tingalain niya ang gwapong mukha nito. At bakit ganoon? Nag-aapoy na pula na naman ang mga mata nito. Hindi kaya, dahil lang sa repleksyon ng ilaw sa paligid?
Subalit wala namang ilaw sa paligid. Ang malamlam na liwanag ng buwan lamang ang tanging dahilan kung bakit nakikita niya ang gwapong mukhang iyon.
Napatitig nalang siya rito. Itong-ito ang lalaki sa panaginip niya. Ngunit bakit may mali sa pakiramdam niya. Nakakapagtaka, nakakalito at higit sa lahat, nakakapangilabot ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Ganoon pa man, pinili niyang lapitan ito. Kailangan niya itong makausap.

"Hey, you! What are you doing there?” bati at tanong niya.
Nanatili itong nakatitig sa kanya. Di niya magawang salubungin ang mga mata nito. Natatakot siya na hindi niya mawari. Nagpatuloy siya sa paglapit rito nang may kung sinong dumaklot sa kanya. Napatili nalang si Scylla sa pagkagulat.
Sa isang sandali ay bumalik siya sa gilid na bahagi ng bar na pinanggalingan niya kanina. At ganoon nalang ang panggigilalas niya nang mapagsino ang lalaking mahigpit na nakahawak sa bewang niya at maingat na ibinababa siya.
Pero paano? Paanong nabitbit siya nito pabalik roon? Paanong sa isang iglap ay nailayo siya nito sa eskinita samantalang malinaw ang pag-iisip niya nang nilalapitan niya ito. Ni hindi nga ito kumikilos sa kinaroroonan nito. Kaya nakapagtataka talaga na dagli siya nitong nahablot at nailayo roon. At ang mga mata nito, bughaw na muli ang kulay ng mga iyon.
“How the hell—”
“Get inside the bar.” Mariing utos nito sa kanya.
“W-What?” Litong tanong niya. Anong nangyayari?
“Get inside the bar!” mataas na ang boses nito. “O kaya pumunta ka sa lugar na maliwanag. Go to such safe place. Go!”
Nang hindi siya kumilos ay hinila siya nito palayo roon. Nakasaklob na naman rito ang hood ng jacket nito samantalang kanina naman nung nasa madilim na iskinita ito ay hindi. Nakabuyangyang sa mga paningin niya ang kagwapuhan ng estranghero. Kaya talagang nalilito siya. Ano ba talaga ang nangyayari.
“Get yourself out of danger, Scylla. Go!”
“How did you—”
“Just go, okay? Go ahead!”
Nang malapit na siya sa maliwanag na bahagi ay dagling lumayo na ang estranghero sa kanya. Gilalas niyang pinagmasdan ang papalayong estranghero. Napakabilis ng kilos nito. Sa sobrang bilis ay halos hindi niya namalayan kung paano itong nakalayo sa mga paningin niya. Ni hindi niya alam kung saan direksyon ito nagpunta.
Gusto niyang pagdudahan ang sarili kung talaga bang nakaharap niya ang lalaki. Pero nararamdaman niya mula sa kanyang balat ang malamig na kamay na iyon. Ramdam na ramdam niya ang braso nitong nakahawak sa kanya. Imposibleng pinaglalaruan siya ng kanyang diwa dahil maliwanag na maliwanag sa kanyang alaala at pandinig na narinig niya itong nagsalita. Inuutusan siyang lumayo sa panganib.
At ano bang panganib ang tinutukoy nito? Naalala niya ang eksena na nasa madilim na eskinita ang estranghero at nakatitig lang sa kanya. Hindi kaya, magkaibang nilalang ang dalawa? Bakit paiba-iba ang aura na nadarama niya kapag nakakaharap ito?
“Scylla? What are you doing there?”
Nilingon ni Scylla si Gaia, isa sa mga kaibigan niya. Sa likuran nito mula sa entrance ng club ang dalawa pang sina Alfiona at Sophie.
“Akala ko ba, mag-C-CR ka lang?” si Alfiona na lumabas pa at sinalubong siya.
Napalingon na naman siya. Wala na maski anino ng estranghero.
“Ano? Dun ka nag-CR sa gilid?” natatawang pang-aasar pa ni Alfiona sa kanya.
“May ano kasi…”
Paano niya ba sasabihin ang mga nakita niya na hindi siya pagtatawanan ng mga kaibigan?
“Ano? May gwapo?” Gagad naman ni Sophie.
“Loka! Gwapo nalang lagi ang inaabangan mo.” Buska naman ni Alfiona pagkalapit nila sa dalawa pa. Umirap lang si Sophie.
“Dun na nga tayo sa loob. Ang daming fafalicious roon.”
Hindi na niya naunawaan kung anu-ano pa ang pinagdidiskusyunan ng mga kaibigan habang papasok sila sa loob ng bar. Nasa malayo ang kanyang diwa. Sa malayo na di niya alam kung saan. It was as if she felt like she was lost looking for something she doesn’t knew what or who.
That guy. That mysterious guy. Why it seems he was kind of familiar to her? Wala naman siyang maalala na nakilala niya ito, pwera nalang na nagpakita ito sa panaginip niya. At bakit ba ito nasa panaginip niya? Paano niya napapanaginipan ang nilalang na di naman niya kilala? At bakit kilala siya nito samantalang ito ay di naman niya kilala?
‘Who are you? Who the hell are you?!’

NAGISING si Scylla sa kalaliman ng gabi. Maliwanag ang isip niya, pero bakit parang may kakaiba sa silid niya? Ang totoo, ikatlong gabi na iyon magmula nang manggaling sila ng mga kaibigan sa bar at makasalamuha ang misteryosong lalaki. Magmula nang gabing iyon, hindi na siya mapakali. Hindi niya makalimutan ang gwapong lalaki at ang maigsi nilang pag-uusap. Para na din siyang praning na pinakikiramdaman ang paligid maski roon sa mismong loob ng kanyang silid. Tulad ngayon. Tila ba kakaiba ang pakiramdam niya.
Sandali pa at pakiwari niya ay lumulutang siya. Isang malakas na enerhiya ang tila humila sa kanya patagilid, patayo. Oo, nakatayo na siya ngayon. Nakatayo siya sa ibabaw ng kama niya habang nakikita ang sariling katawan na payapang nakahimlay sa kama habang may tila elastic cable na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang ka-double na natutulog sa kama.
Pakiwari niya ay nanlalaki ang ulo niya. Paano nangyari iyon?! Bakit nakikita niya ang sarili na natutulog? Nananaginip na naman ba siya? Or was it a Lucid dreaming? Pero kung Lucid Dreaming iyon, bakit nakikita niya ang kanyang sarili? Dapat ay aware lang siyang tulog siya pero nakikita, naririnig at nararamdaman niya ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Pero hindi! Nakatayo siya ngayon sa ibabaw ng kama niya habang pinagmamasdan ang sarili!
No!!!
What is happening to me?!
At bakit may pakiramdam siya na nangyari na ang ganito noon?
Panic, she hurriedly run to find for help. Pumunta siya sa silid ng kapatid at tinangka itong gisingin. Only to find out that she passed through her brother’s body, and even realized that she passed through with the walls and doors.
Pahurumentadong napahakbang siya patalikod palayo sa natutulog na kapatid. Magsisimula na sana siyang pumalahaw ng iyak sa labis na takot at panggigilalas nang tila hatakin siya ng kung anong bagay na nakadikit sa kanya. Sandali pa at naroroon na siya sa kama, bumabangon, hingal na hingal at uhaw na uhaw. Para siyang isang buong araw na tumakbo ng pagkalayo-layo ng walang pahi-pahinga.
Kinapa niya ang sariling katawan. Nadadama niya iyon. Tiningnan niya ang buong paligid. Nasa loob siya ng kanyang silid. Ganoon ang hitsura noon bago siya matulog, parang walang nangyaring kakaiba.
Bumaba si Scylla ng kama at bumaba sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig sa refrigerator. Matapos ma-satisfy ang kanyang uhaw ay pabagsak na naupo siya sa isa sa mga silya roon sa komedor. Natutop niya ang kanyang sintido. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit niya nararanasan ang ganito?
‘Magtatagpo tayong muli, Scylla…’
Nanlamig ang pakiramdam ni Scylla matapos tila may bumulong sa kanyang kanang tenga. Kinikilabutan na siya at palagay nga niya ay nagtatayuan na ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Mag-isa lang siya sa kusina. Pero bakit ganoon? Parang may kasama siya. Nagpalinga-linga siya. Wala.
Walang ibang naroroon kundi siya lamang. Subalit malakas ang pakiramdam niya na hindi guni-guni ang kanyang narinig. Totoong may bumulong sa kanyang tenga.
Ang pamilyar na tinig na iyon.
“Sino ka? Nasaan ka!” Lakas-loob na tanong niya sa kawalan.
Ngunit katahimikan ang naging tugon sa kanya. Wala. Walang maski katiting na ingay. Lalo siyang kinilabutan. Gusto na niyang katakutan ang kanyang sarili. Hindi kaya, nababaliw na siya?

***

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon