Part 18

1.1K 27 1
                                    

“HE WAS a vampire, Scylla. Get away from him.” Mariing babala ni Theron sa kanya.
Sinadya pa siya ni Theron sa opisina niya kinabukasan. Tumawag ito kagabi para kamustahin siya at sinabi na kailangan nilang mag-usap. Ngunit dahil windang na windang pa siya ay di niya nagawang lumabas para kitain ito. Kaya minabuti niyang ipagpabukas nalang ang lahat. At hayun nga, maaga pa lamang ay naroroon na sa opisina niya si Theron, giving her the biggest news of her life.
“Vampire?”
Anong sinasabi nito? Oo nga at aware naman siyang kakaibang nilalang si Lathan pero hindi naman niya ito nakitaan na natakam sa dugo ng mga tao sa paligid nila. At sa tagal nilang magkasama ni Lathan kagabi, sana man lang ay nag-attempt iyon na sipsipin ang dugo niya.
But he loves you. Of course he won’t do that in you…
“Yes. He was an astral vampire. Naalala ko na. Kaya pala ganoon nalang naging alerto ang senses ko sa kanya. Dahil ilang beses ko na siyang nakita na sumalakay sa mga astral planes na napuntahan ko. Matagal na rin kasi noong huli kaya halos nakalimutan ko na. But last night, ang mukhang iyon na paulit-ulit kong iniisip kung saan ko nakita, bigla kong naalala.” Pagpapatuloy ni Theron. “Sabi mo, kaibigan mo siya. Paano nangyaring naging kaibigan mo ang isang astral vampire na tulad niya.”
Naipilig niya ang ulo dahil nalilito siya sa mga sinasabi ni Theron. “I don’t get it. Anong astral vampire?”
Ipinaliwanag ni Theron sa kanya ang pakahulugan nito sa astral vampire. Nangilabot siya sa mga narinig at halos ayaw niyang paniwalaan subalit ilang bagay ang pumasok sa isip niya para mabuksan ang kanyang kukote sa mga katotoohanang inilalatag ni Theron sa harapan niya.
That pale complexion of his. That gothic style of fashion. And that really cold body of him. Nasa human form nga ito ngunit wala ang aura ng buhay mula rito. Hindi niya iyon pinapansin habang magkausap sila kagabi ni Lathan dahil walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang sagutin nito ang mga tanong niya at ang punan ang pagkasabik na makita at makasama si Lathan. Sa dalawang beses na nagsanga ang mga landas nila, parati iyong gabi o madilim. Hindi pa ba sapat ang bagay na iyon? Isa pa, nakilala ito ni Theron. Ayun pa nga kay Theron ay tuwing nasa astral form lang ito nakakakain at madalas ay sa mga astral planes kung nasaan ang mga astral travelers.
Iyon ba ang dahilan kung bakit pinapahinto na siya ni Lathan na pasukin ang mundo nito? Dahil ayaw nitong malaman niya kung ano talaga ito?

Pero kung ganoon nga, nang mahalin ba niya si Lathan, hindi pa niya alam kung anong uri ng nilalang ito?

Hindi. Imposible. Dahil kahit ngayon na alam na niya, hindi naman nabawasan ang damdamin niya para kay Lathan. Katunayan, nasasabik pa din siyang makita muli ang lalaki. Gusto niyang makita ulit si Lathan at balak niyang mag-astral travel mamayang gabi para makita ito. Maski binawalan na siya nito.

Dahil may pakiramdam siya na tototohanin ni Lathan ang sinabi na hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya, hindi na siya mapakali. Kung kinakailangang ipahamak niya ang sarili para lang makita at makasama itong muli, gagawin niya. Hindi siya papayag na matapos nitong ipaalala ang damdamin niya para rito ay basta nalang siya nitong bibitawan.

“Theron…” untag niya sa mahabang pagpapaliwanag ni Theron. Bumaling ito sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. “Si Lathan, siya ang nilalang na hinahanap ko sa other world.” Pag-amin niya rito.

“Ha?” Tila nagulat si Theron pero hindi na niya iyon pinansin. Nagpatuloy siya.

“Yes. Siya yun. Hindi ko maalala ang lahat ng patungkol sa kanya. Pero magmula nang magising ako mula sa pagka-coma, maski sa isip ko ay kompleto ang alaala ko, alam ko sa puso ko na may nakalimutan akong bahagi ng buhay ko. At ngayong nakita ko na si Lathan, nararamdaman ko na nasagot na ang bahagi ng damdamin ko na dati, pulos katanungan.”
“But that was crazy! Why would you look for that dangerous astral vampire? Hihigupin lang niya ang energy mo. He might be seeing you as one of his source of food. Ganun naman ang tingin ng mga astral vampires sa mga astral travelers na tulad natin.”
“Pero hindi naman nila tayo pinapatay. Nakiki-share lang sila sa energy natin.” Pagdepensa niya kay Lathan.
“But he was still a parasite.”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Theron pero hindi magbabago ang isip ko patungkol sa kanya. Ngayong nahanap ko na siya, alam ko na kung saan ko siya pupuntahan.”
Nahampas ni Theron ang ibabaw ng mesa sa pagitan nila. “Are you out of your mind? Hindi natin siya kauri. Mapapahamak ka kung susundan at lalapitan mo siya parati. Much better if you stop doing an OBE.”
Sumama ang timplada niya. Pati ba naman si Theron ay ipagbabawal na din sa kanya ang bagay na iyon.
“No! Hindi mo ako mapipigilan, Theron. Ngayon pa na alam ko na kung sino o ano ang hinahanap ko at natapos na ang mahaba kong paghahanap?”
Malalim na bumuntong-hininga si Theron. “Tell me, mahal mo ba ang bampirang iyon kaya ganyan ka nalang kabaliw sa paghahanap sa kanya?”
“His name is Lathan and yes, I love him. I love him so dearly.” Mabilis na sagot niya.
Kahit kailan ay hindi pa siya naging ganoon kasigurado sa buong buhay niya. Pero ang katanungang iyon patungkol kay Lathan na mabilis niyang nasagot, walang duda sa nararamdaman niya. Kesehadong mag-away sila ni Theron o awayin siya ng buong mundo dahil sa damdamin niya para kay Lathan ay wala siyang pakialam.
Malungkot na hinarap siya nito. Nakipagtagisan ng titig sa kanya. “Pero hindi kayo magkauri. Gagawin ka lang niyang pagkain niya.”
“Wala akong pakialam. At alam ko na hindi niya gagawin sa akin iyon!” giit naman niya.
“How could you say so?”
“Nararamdaman ko.” Buong katapatang sabi niya.
Alam niya at nararamdaman niya na hindi siya sasaktan ni Lathan. Nagtitiwala siya rito. At nakikita naman niya iyon. Kahit noong hindi pa ito nagpapakita sa kanya, noong hindi pa sila nagkakaharap at nagkakausap, wala itong ibang ginawa kundi protektahan siya. Kaya imposible ang sinasabi ni Theron.
“Magkaiba kayo ng mundo. Hindi ka kabilang sa mundo niya.”
Napabuntong-hininga nalang siya. Hindi talaga paaawat si Theron. Nauunawaan naman niya ito. Nag-aalala lang ito sa kanya. Maski naman kailan lang sila nagkakilala, naging magaan na ang loob nila sa isa’t-isa. Nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan nito. Kaibigang hindi siya pagtatawanan o huhusgahan dahil sa kakaibang takbo ng isip niya.
“Kung minsan, sa mundong di tayo kabilang, doon natin mahahanap ang tunay na kaligayahan.”
Wala nang ibang sinabi si Theron. Alam niya na naunawaan na siya nito maski paano. Nauunawaan na nito kung bakit ganoon nalang siya ka-desperada na tahakin ang kabilang mundo. Dahil ang kaligayahang hinahanap niya ay di niya mahanap sa mundong ginagalawan niya ngayon. At hindi siya matatahimik na hindi makamit ang kaligayahang hinahanap, maski ano pa ang kapalit.

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now