Part 16

749 24 1
                                    

PABABA na si Scylla mula underpass. May sasakyan naman siya. Hindi niya ugaling mag-commute. Pero nang araw na iyon, pakiwari niya, kailangan niya ng oras para sa sarili kaya naglakad siya ng naglakad. Sumakay ng bus na walang tiyak na destinasyon.
Iniwan niya ang sasakyan sa private parking area niya sa vicinity ng Montealto Limited, ang business building ng kanilang kompanya. Nang makabalik siya sa opisina matapos nilang mag-lunch ni Theron ay wala nang ibang laman ang isip niya kundi ang estranghero. Ni hindi na rin niya naunawaan ang iba pang mga pinagsasabi ni Theron. Hindi niya maunawaan o talagang ayaw i-absorb ng utak niya dahil abala sa pag-iisip ng ibang bagay, o nilalang.
Hays! Sumasakit na ang ulo niya. No matter how hard she try, the stranger can’t find his way out of her mind. Kailangan niya itong makita ulit.At makausap. Pero saan niya ito hahanapin?
Nakakita ng isang café si Scylla pagkababa niya ng underpass. Ipinasya niyang pumasok roon. Nagugutom na rin naman siya. Banana loaf slice at machiatto ang ini-order niya. Papadilim na, pero nasa lansangan pa rin siya. Siguradong mag-aalala ang kuya niya kapag nalaman na wala na siya sa opisina pero wala pa din siya sa bahay.
Ah, tatawagan nalang niya ito mamaya. Kailangan niya ng kaunti pang panahon para sa sarili. Para mag-isip.

Pakiwari niya ay isa siyang musmos na naliligaw at di malaman kung paano uuwi. Iyon ang pakiramdam niya ngayon habang mag-isang nagliliwaliw sa lansangan.
'Umuwi ka na, Scylla. The sun already set, it was too dangerous here.'
Bigla ang pagbaling ni Scylla. Hayun na naman ang tinig na bumubulong sa kanya. Matagal-tagal na din na hindi niya naririnig iyon. At aaminin niyang nami-miss na niya ng husto na marinig ang pabulong na tinig na iyon. Nagpalinga-linga pa ang dalaga sa paligid.
Wala.
Walang kahit na sino sa loob ng café ang posibleng pinagmulan ng tinig. Nasa isang mesa sa isang kubling sulok ng café siya at malayo sa marami. Imposibleng may nakalapit sa kanya na di niya namamalayan. Kaya sigurado siyang iyon na naman ang misteryosong tinig. Gusto niya itong kausapin. Tanungin ng maraming bagay. Subalit magmumukha lang siyang baliw kung gagawin niya iyon.
"Machiatto for Ms. Scylla."
Tumayo si Scylla para kunin ang kanyang order. Hindi rin siya nagmadaling ubusin ang pagkain. Gusto lang niyang subukan ang misteryosong tinig kung tama ang kanyang hinala na pinapanood siya nito ngayon. Gusto niyang malaman kung maririnig muli ang tinig.
'Fuck! Get yourself out of here. Now!'
Hindi nga siya nabigo dahil iyon na naman ang gwapong tinig na bumubulong sa kanya.
Ramdam na ramdam niya ang malamig na aura nito. May pakiwari pa nga siya na mas lumamig ang paligid. Bukod sa malakas ang buga ng aircon sa loob ng café, kakaiba pa din ang pakiramdam niya. Siya lang ba ang nakakaramdam noon? Bakit parang normal lang ang kilos ng lahat?
'Bakit ba napakatigas ng ulo ninyong mga babae?'
Napasimangot siya sa narinig. "So, Spirit. Hindi lang pala ako ang babaeng ginugulo mo para masabi mo ang bagay na iyan." Pabulong na wika niya.
Wala namang makakapansin sa kanya dahil nasa tagong bahagi siya ng café.
"You were as stubborn just like my sister. That's what I'm trying to say."
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Nakakapagtaka na hindi siya makaramdam ng takot sa katotohanang nagagawa niyang makipag-usap sa hindi nakikitang nilalang. It was unusual but then, it seems like it was a natural thing, that it was right and just.
Kunsabagay, magmula nang makilala niya si Theron, namulat na siya sa mga unusual na bagay at mga nilalang. Ano pa ngayon ang ikakatakot at ikakabahala niya? Naniniwala siya at alam niya na hindi lang imahinasyon ang naririnig at kinakausap niya. Wala siyang dapat ipag-alala.
'Finish your snack and go home. Malayo na din ang narating mo, baka mapahamak ka pa. Gusto mo bang mag-alala na naman ang kuya mo sayo?'
Pagkaalala sa kapatid ay nakonsensiya siya. Hindi pa nga pala siya nakakatawag o nakakapagtext man lang para ipaalam kung nasaan siya. Baka nag-aalala na nga iyon sa kanya. Nagmadali na siya sa pag-ubos ng pagkain niya nang maisip na magtanong muli.
"Who are you? Why did you know a lot about me? And why are you here again after a month of leaving me?"
Wala siyang narinig na tugon. Nawala na rin bigla ang kakaibang aura na nararamdaman niya kanina. Umalis na ba ang misteryosong nilalang?
Nadismaya si Scylla. May palagay siya na kaya nawala ang misteryosong nilalang ay dahil ayaw nitong sagutin ang tanong niya. Pero hindi siya titigil. Gagawa at gagawa siya ng paraan para malaman ang pakay nito sa kanya.
Tumayo na si Scylla at nagpasyang umuwi na. She had to go to the other dimension of the world again. Nagkaroon na naman siya ng matinding drive para mag-astral travel ulit.
'I need to find you. I need to see you and find the answer to all of my questions.'

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now