Part 13

231 11 5
                                    

“Alam mo, medyo napapagod na din kasi akong parati kang bantayan. Mas maigi pa siguro kung bumalik ka nalang sa katawan mo. Pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng panahon sayo samantalang ano lang ba ang makakain ko mula sayo? Hindi ganoon kalaki ang katawan mo para mabusog ako. Hindi naman kita maaaring patayin sa pagkuha ng lahat ng blood energy mo. Isang kasalanan iyon para sa amin. Nah!” Marahas na pumalatak siya. “Ngayon ko lang na-realize, bakit ba ako naawa sayo at tinutulungan at pinoprotektahan pa kita samantalang malulugi pa yata ako sayo.”
“Awa? Naaawa ka lang?”
Tila ayaw pa din nitong tanggapin ang narinig.
Umagos ang luha ni Scylla at parang nais nalang niyang bigwasan ang sarili. It tear him apart seeing her crying in pain he had given her. What an asshole he is?!
But he had to do that. He had to save her. Kung ang saktan ang damdamin nito ang tanging paraan para maligtas ito, wala siyang ibang pagpipilian kundi gawin iyon. Hindi ito safe sa dimensyon ng mundo na ginagalawan niya. Hindi niya alam kung hanggang saan niya ito mapoprotektahan. Isa pa, may sarili itong buhay na dapat nitong hinaharap ngayon.
“Oo. Awa. Naaawa ako sayo kaya kita tinulungan. It made me feel bad seeing a human crying. Kapag ganoon kasi, hindi magandang blood energy ang nakakain namin sa tao―”
“Tama na!” sigaw nito sa kanya. “Puro ka nalang pagkain! Blood energy! Iyon nalang ba talaga ang mahalaga sayo? Ang pagkain ng blood energy naming mga tao?”
“At ano pa bang mas hahalaga sa bagay na iyon ha?”
Hindi ito nakapagsalita. Puno ng hinanakit ang mga mata nitong patuloy sa pagluha.
Damn it, Lathan! Damn you!
“Much better if you would get some of my energy para makabalik ka na sa katawan mo. Nahihirapan na din kasi ako na protektahan ka.”
“What..? Hindi ko naman hiniling sayo na gawin mo iyon.” Masamang-masama ang loob nito sa kanya.
“Yeah, pero obligasyon ko iyon sa mga source of food namin. Obligasyon naming protekatahan kayong mga pagkain namin.” Pinagkadiin-diinan niya ang salitang pagkain.
Maybe he was really getting harsh to her. Pero iyon ang naiisip niyang pinakatamang gawin sa pagkakataong ito.
“Really huh? Utang na loob ko pa ba sayo iyon? Hindi ba dapat lang na ibigay mo sa akin ang enerhiya na kakailanganin ko para makabalik sa katawan ko para makakain ka na sa pamamagitan ko?” sarkastiko at puno ng pait na hayag naman ni Scylla.
Sa pagkakataong iyon ay bumaba na din siya sa pagkakaupo sa railings at nilapitan ito.
“Right… it’s about time.”
Sa isang mabilis at siguradong kilos ay nahaklit niya sa bewang ang nabiglang si Scylla. Dagli niyang inilapat ang mga labi sa mga labi ng dalaga. He felt her froze on her tracks. Hindi marahil nito inaasahan ang gagawin niya.
Ang pagsasalin ng enerhiya ay sa pamamagitan ng bibig. But it wasn’t an ordinary transferring of his energy but also an intimate part of it. He intentionally kissed her. It would be their last moment together. Mali na kung mali, at sabihin na ring nagte-take advantage siya pero gusto niya na kahit sa huling sandali, magawa niya ang isang bagay na labis niyang pinananabikang gawin, ang halikan ito. Maramdaman at maiparamdam niya rito ang totoong damdamin na mayroon siya para rito. Makakalimutan man siya nito sa pagbabalik nito sa dati nitong buhay pero wala na siyang pakialam.
Ang mahalaga, nagawa niyang iparamdam rito ang damdamin niya maski sa huling sandali.
Wala siyang pagsisisihan…
Mali man sa batas ng daigdig, pero sa pagkakaunawa niya, walang mali pagdating sa pag-ibig. Walang mali… Ang mali lang ay katotohanang hindi sila mabibigyan ng kalayaan na ipagpatuloy ang pag-ibig nila.
“Lathan…” sambit ni Scylla sa pangalan niya matapos itong unti-unting pakawalan. “Nagsisinungaling ka… bakit nagsisinungaling ka?” Lumuluhang tanong nito.
Lumilinaw ang silver cord nito sa kanyang paningin, senyales na dumadaloy na kay Scylla ang sapat na enerhiya na kailangan nito para makabalik.
“You love me… I can feel that. But why? Why did you lie?” nalilitong tanong nito.
Bago pa man siya makasagot ay tuluyan na itong hinila ng silver cord nito. Nakabalik na ito. Nararamdaman niyang nakabalik na ito. Dapat ay maging masaya na siya dahil alam niyang babalik na sa normal ang buhay nito. Mae-enjoy na nito ang totoong buhay na dapat ay ini-enjoy nito. Ang buhay na dapat lang para rito, buhay na hindi niya maibibigay rito kung ikukulong niya ito sa mundong ginagalawan niya. Subalit bakit hindi siya masaya? Bakit parang pinupunit siya? Parang nadudurog siya.
“Because I love you, Scylla. And loving means, letting go…”
Bumaba si Lathan mula sa rooftop para panoorin ang magiging eksena sa silid kung nasaan ang katawan ni Scylla. Nagtatakbuhan ang mga nurse at maging ang mga doctor on duty patungo roon. And he knew why…
“Welcome back to your life, sweety… and good bye…”

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now