Part 23

1.1K 19 4
                                    

IT’S BEEN weeks. Two weeks, to be precise. Walang masabi si Scylla sa sobrang effort at pagiging maalaga ni Theron sa kanya. Sa tuwing bakanteng oras nito, dumadalaw ito sa opisina o kung nasaan man siya. Hindi rin nakakalimutan ng binata na ipaalala ang oras ng pagkain na parati niyang nakakalimutan. Sinisigurado nito na nakakain siya sa oras. Napaka-thoughtful. Malambing at masuyo rin si Theron. Dapat ay sapat na iyon. Pero bakit mas hinahanap niya ang mga nakaw at mapanganib na sandali na nakakasama niya si Lathan?
Oo, maski pumayag siyang bigyan ng pagkakataon si Theron ay hindi pa rin siya huminto sa pag-o-OBE. Kung may pagkakataon rin lang naman ay nag-a-astral travel siya. Patuloy na umaasang isang araw ay lilitaw muli si Lathan sa astral plane kung saan sila nagkikita. Alam niyang mali na dahil tinanggap niya si Theron. Pero ito kasing puso niya na sampung libong beses ang kakulitan ang hindi niya mapahindian. Besides, hindi naman naghihintay ng kapalit si Theron sa damdamin nito para sa kanya. Malinaw nitong sinabi iyon sa kanya. Wala rin siyang sinabi na umasa ito. Pinagbigyan lang niya ang kahilingan nitong bigyan ito ng pagkakataon na patunayan ang damdamin nito sa kanya.
Hindi rin ito nabigo sa pakay nito dahil naa-appreciate niya lahat ng effort nito. Kaya lang, kahit naman pilitin niya ang sarili na ibaling rito ang damdamin na meron siya para kay Lathan ay hindi niya magawa.

And now, they were here, somewhere in Batangas. Sa beach house nina Theron. Niyaya siya ng binata roon. Birthday ng ina nito at doon ginanap. Napilitan lang siyang sumama dahil halos ipagtulakan na siya ng kapatid na sumama kay Theron maski ayaw niya. Kailangan din raw niyang malibang maski ayaw niya.
Kaya lang, hindi naman niya magawang maglibang ngayon. Masaya ang lahat, kabilang si Theron, maliban lang sa kanya. Gabi na naman kasi. Dapat, natutulog na siya ngayon para makapag-astral travel. Pero hindi niya magawa dahil sa over night celebration.

“O, san ka pupunta?”
Nagkakasiyahan sa videoke sina Theron nang magpasya na siyang tumayo. Gusto muna niyang maglakad-lakad. Ayaw niyang maging kill joy kaya nagdahilan nalang siya kay Theron.
“Mag-c-CR lang ako.” tugon niya sa binata.

Tumango naman ito.
“Samahan na kita?”
Inirapan nga niya si Theron.
“Baka lang kasi hindi mo alam ang daan.” nangingiting amyenda nito.
“I know the way, hmp! Thank you, anyway.”
“Ito naman, pikon agad.”
May tama na din kasi ng alak si Theron. At hindi na niya nagugustuhan ang pahimas-himas nito sa braso niya.
Tumayo nalang siya at dumeretso ng alis habang naririnig ang tumatawang boses ni Theron.
Subalit sa halip na sa comfort room ay sa dalampasigan siya dumeretso. Way to escape lang naman ang ibinigay niyang dahilan kay Theron para makawala na rito. Kinikilabutan na kasi siya sa bawat himas na ginagawa ni Theron sa kanya.
Mas nakakakakilabot pa sa presensiya ng bampirang sinasabi nitong delikado raw para sa kanya. Kung tutuusin, mas na nararamdaman niyang dapat siyang mangilag kay Theron kapag ganoong lasing ito kesa iwasan ang lalaking wala namang ginawa kundi protektahan siya.
Malayo-layo na ang naaabot ng mga paa ni Scylla nang may mapansing tila pamilyar na bulto. Napabilis ang mga hakbang niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit sa malayo ay makikilala niya ang bulto na iyon ng lalaki. Patuloy lang iyon sa paglalakad. Nagpatuloy rin siya sa paghabol. At habang tumatagal ay parang mas bumibilis ito. Mas bumibilis ang paglayo. Ni hindi na niya namalayan na tumatakbo na pala siya sa paghabol sa pamilyar na bulto na iyon ng lalaki.
Kailangan niyang bilisan. Hindi siya makakapayag na mawala ito sa mga paningin niya. Hindi siya makakapayag na makalayo muli si Lathan!
Huwag kang sumunod sa kanya!” nahinto sa pahagibis na pagtakbo si Scylla.
Ang boses na iyon. Pamilyar ang boses na iyon. Si Lathan!
“Lathan!”
Subalit wala na ang tinig. Hindi na rin niya maramdaman ang presensiya nito. Halusinasyon lang ba niya iyon? Ah, baka nga. Masyado na niyang nami-miss si Lathan kaya kung anu-ano nalang ang naririnig niya. Pero ang bulto ng lalaking sinusundan niya, halusinasyon din ba?
Ipinilig ni Scylla ang sariling ulo. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niya na totoo ang nakita niya.
Nagpatuloy siya sa pagtakbo. Malayo na ang bulto ni Lathan na sinusundan niya. Pumasok iyon sa tila kakahuyang bahagi ng lugar. Sumunod si Scylla. Kahit saan pa iyon, susundan niya ito.
“Lathan, wait!” sigaw niya.
Hindi na kasi niya alam kung saan patungo ang lugar na tinutumbok niya. Madilim. Maraming nagtatayugang mga puno ng kung anu-ano. Kung napabayaang farm man iyon o gubat na walang nagmimintina ay hindi niya sigurado. Basta isa lang ang alam niya, masyadong malamig. Sobra kumpara sa totoong temperatura ng gabi.
Utang na loob, umalis ka rito, Scylla! Bumalik ka na!”
Ayun na naman ang tinig ni Lathan.
“Nasaan ka, Lathan!” sigaw niya sa madilim na kakahuyan.
“Nasaan ka! Magpakita ka sa akin!”
Sa isang sandali ay naramdaman niyang may nakatayo sa kanyang likuran. Bigla ang ginawa niyang pagbaling. At hindi nga siya nagkamali. May nilalang roon. Kaharap niya si Lathan, subalit bakit nakakaramdam siya ng pagkaalaarma?
Ngumiti ito. Ngiting halos magpabaliw sa kanya noon ngunit ngayon ay kakaibang kilabot ang dulot sa kanya.
“L-Lathan?” usal niya.
Lumapit ito sa kanya. Titig na titig sa kanya.
Iwasan mo ang mga mata niya!”
By instinct ay hindi nga siya tumingin ng deretso kay Lathan. Mukhang nauunawaan na niya. Ang boses ang totoong Lathan. At ang kaharap niya ngayon, isa itong impostor o kung anuman ang tawag sa nilalang na ito.
“Titigan mo ako, Scylla.”
Kuhang-kuha rin nito ang tinig ni Lathan ngunit takot ang hatid ng boses nito sa kanya sa halip na kapanatagan.
Magpanggap kang hindi mo alam na hindi siya ako. Kausapin mo siya. Libangin mo siya.”
“Bakit hindi mo ako hinintay kanina? Pinahabol mo pa ako.” sabi niya sa impostor habang di pa rin tumitingin rito.
Huwag mo siyang bibigyan ng hint na wala ka na sa pangangalaga ko. Mas delikado.”
“Gusto ko lang magpahabol sayo.”
Lumapit ang impostor na Lathan sa kanya at inabot ang kanyang mukha. Masining na hinaplos nito ang kanyang pisngi. Kinikilabutan naman siya sa bawat paghaplos nito. Nagiging uneasy na rin ang mga nerves niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya maitatago ang pangangatog ng kanyang mga tuhod.
Lathan, please save me. Get me out of here!’ piping pakiusap niya.
Alam niyang kahit hindi niya iyon hilingin ay gagawin iyon ni Lathan. Pero bakit wala itong ginagawang aksyon? Alam niyang nasa paligid niya ito dahil naririnig niya ang tinig nito.
Hindi kaya, nasa malayo naman talaga si Lathan? Na astral lang nito ang naririnig niya kaya hindi ito makagawa ng paraan para iligtas siya sa impostor na ito?
Talk, Scylla! Talk to him, damn it! Mahahalata ka niya! Galingan mo ang pag-arte!”
She could sense the panic in his voice. Kung ganoon, mukhang mapanganib na nilalang nga ang kaharap niya ngayon. Ito ba ang sinasabi ni Lathan na isa sa mga Avergou?
Oh God! She was really in trouble!
“Yeah, I did. So...” Ibinuka niya ang mga kamay at luminga-linga sa paligid para hindi nito mahalatang sadya niyang iniiwasan ang mga mata nito. “What are we doing here?”
“Hmmm.” Umangat muli ang isang kamay ng impostor at sa pagkakataong iyon ay hinawakan na siya nito sa baba. Pinilit nitong magsalubong ang mga mata nila. Pipikit sana siya para hindi nito mahuli ang mga paningin niya, pero mas mahahalata siya nito na iyon ang bagay na iniiwasan niya.
“Kahanga-hanga.” Binitiwan siya nito sa kanyang baba saka gumilid paikot sa kanya. “Ano ang meron sayo at hindi tumatalab ang hipnotismo ko?”
“Uh!?” Tila relieve ang tinig ni Lathan.
Napasinghap siya. Hindi niya iyon inaasahan.
Talk to him more.”
“Come on, Lathan. Nandito ba tayo para sa hipnotism game?”
Ngumisi ang impostor. “Tsk! Mukhang protektado ka nga talaga ng mga Monfort.”
“Ha?” Pagkukunwari niyang hindi ito nauunawaan. Pero ang totoo ay naaalarma na talaga siya.
“Useless ang pagpapanggap mo. Alam ko na alam mong hindi ako si Lathan.”
Kinabahan na ng husto si Scylla. Hindi na ito nagpapanggap ngayon. Inilantad na nito ang totoong ito dahil nagbago ang anyo nito. Anyong tao subalit namumula ng husto ang mga malalalim nitong mga mata. Nagbabaga. Nakakakatakot ang aura nito na animo isang maling kilos niya ay lalapain siya nito.
“Listen to me, Scylla. He is Lach Avergou and you had to get rid of him. Malaki ang galit niya sa akin at ikaw ang binabalingan niya bilang ganti sa akin.”  Tinig ni Lathan. May pagmamadali. “Run! Run as fast as you could. Humanap ka ng maliwanag at crowded na lugar.”
Isang maingat na hakbang patalikod ang ginawa niya para makabwelo habang tinatanggap ang mga titig nito. At pagkuway mabilis siyang kumaripas ng takbo.
“Run, Scylla! Run!” dinig niya ang pagsigaw ni Lathan.
Lumingon siya sa kung saan-saan para hanapin ito.
Run! And don’t look back!”
Pakiramdam siya ay nasa loob siya ng pinakanakakatakot na horror movie at siya na ang susunod na biktima ng halimaw na kalaban ng mga bida. Takot na takot siya. Gusto niyang makita si Lathan at magpaloob sa mga bisig nito. Alam niyang ang mga iyon lang ang magbibigay ng kapanatagan sa kanya. Ang tanging may kakayahang mag-alis ng takot niya.
At ang sandaling ito, ito na yata ang takot na kailanman ay di pa niya naranasan. Mas nakakatakot pa iyon kesa noong mga panahon na comatose siya at nabubuhay sa dilim. Mas nakakatakot na tumatakbo siya ng mabilis para mabuhay. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning tumakbo lalo pa’t alam niya na ang humahabol sa kanya ay may higit na kakayahan kumpara sa kanya.
“L-Lathan...” nanginginig na tawag niya sa kawalan.
Oh, please, sweety. Run! Run and live! Hindi ko piniling maging miserable para lang mapahamak ka!”
Kamuntik nang mapasubsob si Scylla nang matalisod sa animo malaking ugat ng tila higanteng puno na nadaanan niya. At bago pa man siya makatayo ay may kung sino nang dumaklot mula sa kanyang likuran.
“Wala ka nang kawala...” Nakakatakot ang paghingasing ni Lach.
Inabot nito ang baba niya at sapilitang iniharap rito. Pilit rin nitong ibinubuka ang bibig niya subalit kontodo iling at tikom ng bibig si Scylla.
No!!!”
Sumasakit na ang mga panga niya sa paglaban sa malakas na enerhiyang nagpapabuka sa mga bibig niya. Ayaw man niya ngunit umaawang na ang mga labi niya. May maberdeng enerhiya na lumalabas mula sa bibig ni Lach at tila nais noong higupin ang kung anuman mula sa kanya.
“No!!!”
Nakakaramdam na siya ng panghihina. Unti-unti at tila ba ninanakaw noon ang buong katauhan niya.
Hanggang sa bigla iyong mahinto at lumuwag ang pagkakahawak ng kamay nito sa baba niya. Nakawala siya rito at ang sumunod niyang nakita ay humagis si Lach sa malaking puno malayo sa kanya. Naputol sa kalahati ang malaking puno dahil marahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng katawan ng Soul Sucker roon.
Nawalan na siya ng panahong isipin kung sino ang gumawa noon dahil sa isang kisapmata ay nasa tabi na ng Soul Sucker ang isang matangkad na lalaki at walang sabi-sabing binanatan iyon. Halos hindi makasabay ang mga mata niya sa mabilis na paggalaw ng matangkad na lalaki. Hindi nito tinigilan si Lach hanggang sa mahagip nito ang ulo noon at walang pangingiming pinilipit hanggang sa maputol.
Napatili siyang bigla. Hilakbot na hilakbot siya sa nakita. Bumaling sa kanya ang lalaki na ikinatakot rin niya. Baka siya naman ang pagbalingan nito. Anong klaseng nilalang ba ito?
“Huwag! Huwag ako!”  nahihintakutang sigaw niya. Pagapang na napaurong siya dahil nakasalampak pa rin siya sa lupa. “Ni hindi ko pa nakakausap ng maayos si Lathan. Hayaan mo muna akong makaharap siya at malaman kung bakit bigla niya akong iniwan. Pagkatapos noon, pwede mo na akong patayin.” naiiyak na pakiusap niya rito.
Takot na takot siya. Nanginginig na siya sa takot at parang nais na niyang mapaihi sa sobrang takot. Hindi pa siya pwedeng mamatay ngayon dahil siguradong hindi rin naman siya matatahimik sa kabilang buhay hangga’t di niya nalilinaw mula kay Lathan ang dahilan ng pagtalikod nito sa kanya.
Maglilitanya pa sana si Scylla ng mga huling habilin niya bago siya patayin ng nilalang na ito nang marinig niya ang malakas na pagtawa na iyon. Umangat ang ulo niya para siguraduhing tama ang narinig. At oo, tama nga na ang lalaking ito ang tumatawa.
“Nasa kalagitnaan ka na nga ng kapahamakan, kapatid ko pa rin ang iniisip mo?”
Umawang ang bibig ni Scylla sa pagkagulat. Dahil sa tama ng liwanag ng buwan ay napansin na rin niya sa wakas ang malaking pagkakahawig nito at ng kaisa-isang lalaking kanyang minamahal. In fact, mas matangkad lang ito at mas matured ang tabas ng mukha kay Lathan pero maliban roon ay wala na siyang makitang pagkakaiba ng dalawa.
“K-Kapatid mo si Lathan?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Inilahad ng lalaki ang kamay sa harapan niya para tulungan siyang tumayo. Tinanggap naman niya iyon.
“Ako si Helios.” Anito. Umawang ang bibig niya para magsalita. Subalit naunahan siya nito. “At ikaw si Scylla. Oo, alam ko. Hindi mo na kailangang magsalita.”
“Si Lori lang ang nakilala ko sa mga kapatid ni Lathan. Pero may palagay ako na kilala na ako ng buo ninyong angkan.”
“Tama ka.” nangingiting sang-ayon nito.
“Salamat nga pala sa pagligtas sa akin.”
“Don’t mention it.” sabi naman ni Helios. “Anyway, wala ako rito kung hindi ko narinig ang paghuhurumentado ni Lathan sa kabilang daigdig. Alam kong wala siyang magawa kaya gaanoon nalang ang paghuhurumentado niya.”
Napaigkas ang kanyang kilay. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito. Kailan pa nawalan ng kakayahan si Lathan na makipaglaban?
“He was in astral form right now. Kaya hindi niya magagawang labanan si Lach. Magagahol din siya ng oras kung babalik siya sa katawan niya ng mga sandaling iyon. And besides, siguradong nagpapanic siya ng husto kanina kaya hindi siya makapagpasya kung iiwan ka para balikan ang katawan niya o patuloy na magfe-freaak out habang nakaantabay sayo... Oh, Lathan please don’t tell me to shut up. May utang ka pa sa akin.”
“He was here?” Bigla ang pagbaling niya sa kanyang likuran. Bakit hindi niya ito maramdaman? Boses lang nito ang naririnig niya kanina.
“Yes. He was here. He was always there with you, in astral form. But he was preventing you to feel his presence.” Tumawa si Helios. And tapped her right shoulder. “Please take good care of your self. And stop making my younger brother freak out like that. Mauuna pa siyang mamaalam sa mundo kapag ganoon na napapahamak ka.”
Hindi niya alam kung kikiligin ba o maiinis. Naroroon lang si Lathan parati sa tabi niya pero hindi nagpapakita at nagpaparamdam. Kung hindi pa siya manganganib ay hindi pa niya ito mararamdaman? That was so unfair! Nakikita siya nito pero ito ay hindi niya makita!
“Nakakainis ka, Lathan! Alam mo ba iyon?!” sigaw niya sa kawalan.
Tumawa lang ulit si Helios.
“Nakaalis na siya.”
Bigla siyang inabot ni Helios. At ang higit na ikinagulat niya ay nang ilipad siya nito paalis sa kagubatang iyon. Ang landing nila ay sa tabing dagat na, malapit sa beach house nina Theron.
“Don’t worry. Makakarating ang mensahe mo sa kanya. For now, magpahinga ka na. And take care of yourself.” Anito matapos siyang ibaba. “Siya nga pala, hindi porke nagkaisa kaming mga Monfort na protektahan ka, sang-ayon na kami sa inyo ng kapatid ko. Hindi pa kami sang-ayon, pero hindi na rin kami tumututol sa anumang maging desisyon niya. At dahil pinupuntirya ka na ng mga Avergou, hindi pwedeng may mangyaring masama sayo. Kapag nangyari iyon, walang duda na magpakamatay din si Lathan. At hindi namin kayang mawala si Lathan.”
“Ibigsabihin, pinoprotektahan ako ng mga Monfort?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Kaya naman pala kahit parati siyang nag-o-OBE at inilalagay ang sarili sa kapahamakan ay hindi siya napapahamak. Dahil binabantayan siya ng pamilya ni Lathan. Malinaw na sinabi ni Helios na hindi siya gusto ng mga ito para kay Lathan. Hindi siya gusto, pero hindi na rin tumututol sa desisyon ni Lathan. Ang kaso, ano nga ba ang desisyon ni Lathan? Ang iwan siya habang pinoprotektahan siya ng pamilya nito?
Totoo nga. Isang katibayan ang pagliligtas sa kanya ni Helios ngayon. At maski may pagkapormal ang huling pakikipag-usap nito sa kanya, nararamdaman niya ang soft side nito. Somehow, nauunawaan naman siguro nito ang sitwasyon nila ni Lathan. Pero ang hindi niya maunawaan ay kung bakit nagdesisyon na naman itong iwan siya kung ganitong, hindi naman natatapos ang pag-aalala at pagmamahal nito sa kanya?
“Bumalik ka na sa mga kasama mo.”
Mapapasalamat pa sana siya kay Helios ngunit nawala na ito. Napabuntong-hininga nalang siya at piniling maglakad pabalik sa beach house.
“Scylla!” pasigaw na tawag sa kanya ni Theron. Tumakbo ito palapit sa kanya. “Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap. I am so worried of you. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.”
Kung kanina ay tila may tama na ito ng ispiritu ng alak, ngayon ay parang hulas na hulas na ito. Siguro nga ay naghanap ito sa kanya at nahulasan dahil doon.
“Sorry, naaliw lang ako sa paglalakad.” paumanhin niya.
“Halika na nga.” Pabuntong-hiningang anyaya nito sa kanya. “Magpahinga na tayo. Nagpapahinga na silang lahat.”

***

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang