Part 26

4.5K 64 11
                                    

Nasa ganoon silang posisyon nang marinig ang boses ng kapatid niya na kumakatok sa labas ng kanyang silid. Umakto si Lathan na lalabas ng balcony ngunit agad niya itong pinigilan.
“Ayoko nang itago ka sa kapatid ko. It’s either he likes it or not, ipapakilala kita. At kailangan ka rin niyang tanggapin.”
“Pero Scylla, hindi pa siguro ngayon.” Tutol ni Lathan.
“Ngayon ang pinakatamang pagkakataon.”
Nang hindi na tumutol at determinadong tumango si Lathan sa kanya ay hinila niya ito para sabay nilang buksan ang pinto ng silid. Mahirap nang magbago na naman ang isip nito.
Ganoon nalang ang pag-awang ng bibig ni Kuya Timothy pagkakita sa kanila.
“What were you doing here?!” paangil na asik ni Kuya Timothy kay Lathan. Pagkuway bumaling sa kanya. “Hindi ko natatandaan na ibinigay ko na ang basbas ko sa inyong dalawa. Sa pagkakaalala ko, kaya ako kumatok ngayon ay para sabihing hindi na ako tumututol.”
Si Scylla naman ang nalaglag ang panga dahil sa narinig.
“Is that true?” naluluha niyang tanong sa kapatid.
Nang tumango ito ay niyakap niya itong bigla.
“Hindi madali sa akin ang desisyon kong ito. Pero hindi ko na kayang makitang mesirable ang kapatid ko. I know that you were crying inside. Napaka-unfair ko kung ako ay masaya sa married life ko samantalang yung kapatid ko, araw-araw na umiiyak dahil hindi niya makasama ang lalaking mahal niya.”
Patuloy sa pagluha si Scylla habang hinahayaan ang kapatid na magsalita.
“Salamat, Timothy.” Narinig niyang sambit ni Lathan.
Noon nabaling rito ang atensyon ng kanyang kapatid.
“Not so fast.” Anito. “Dahil may kondisyon pa ako.”
“What?!” gulantang na bulalas ni Scylla.
Ano bang inaasahan niya? Na ganoon sila kadaling tatanggapin ng kapatid.
“Patunayan mo sa akin na mahal mo ang kapatid ko. Hindi mo na siya hahayaang mag-astral travel at sa ganitong pisikal na anyo kayo magsasama.”
“Pero kuya, mahirap ang gusto mo. Alam mo namang masusunog si Lathan sa liwanag.” Pagtutol bigla ni Scylla.
“Then it is not my problem, anymore. Iyon ang kondisyon ko. So, Lathan―”
“Kuya―”
“Okay deal.” At iniabot ni Lathan ang malamig na kamay nito kay Timothy.
Namamanghang binalingan niya si Lathan. He can’t be serious! Sa gabi lang ba sila magkikita? Hindi sila magkakasama sa araw? Ikakapahamak nito ang masinagan ng araw.
Nang tanggapin ni Kuya Timothy ang kamay ni Lathan, pakiwari niya ay sinentensiyahan na ng huli ang sarili. Kailan ba matatapos ang problema nila?
Ngunit maya-maya ay bumulong si Lathan sa kanya matapos silang iwan roon ni Kuya Timothy at bigyan ng privacy.
“Sabi ko naman sayo, maraming paraan para magkasama tayo, di ba? And I promise you, we will live this life time, to the fullest.”
And her heart believes in that. Once a vampire promised a lifetime, she knew that promise won’t be broken. Saan man sila dalhin ng pag-ibig nila, basta magkasama sila, wala nang magiging problema.

UMANGAT ang astral body ni Theron palayo, palabas sa silid ni Scylla. Gabi-gabi, mula nang ibigay niya kay Scylla ang notepad ay parati niya itong dinadalaw sa silid nito sa astral form. Umaasa siya na isang gabi ay makikita niyang isinasagawa nito ang ritwal.
Ngunit ang gabing iyon ang tuluyang nagpalusaw sa kanyang pagpupursigeng mapa-ibig si Scylla. Ang kaalamang sinunog nito ang notepad ay isa nang matibay na ebidensiya na buong-buo na ang desisyon ng dalaga. Na kahit anong mangyari, kahit sino pa ang tumutol, kahit kalabanin nito ang buong mundo, si Lathan at si Lathan pa din ang pipiliin nito. Walang kaso rito kung ilang beses itong saktan, paasahin at iwan ng bampira.
Siguro nga, walang kapantay ang pag-ibig nito kay Lathan. At hindi niya kayang agawin ang malaking pwesto ng bampira sa puso ni Scylla. Dahil pagbali-baligtarin man niya ang mundo, si Lathan lang ang mananatiling mahal nito.
Dapat na nga siguro siyang sumuko at hayaang maging maligaya ang babeng mahal niya. Wala namang mahalaga sa kanya kundi ang siguraduhing ligtas si Scylla. Sa kondisyon palang ni Timothy, sigurado na ang kaligtasan nito. At tutal ay natauhan na rin si Lathan, sigurado siyang ang mapahamak si Scylla ang pinakahuling bagay na hahayaan ni Lathan na mangyari.
"Ito yung sagabal sa lovelife ng kapatid natin, di ba?"
"Ah, oo nga Azriel. Siya yung Theron na pinagseselosan ni Lathan."
"Aba, ayos ito. May malalapa tayo."
Bumaling si Theron sa mga narinig niyang nagsalita. Mula sa malaking puno sa kabilang kalsada sa tapat ng bahay nina Scylla ay nakita ni Theron ang dalawang lalaki na hindi nalalayo ang hitsura kay Lathan. At sigurado siyang mga bampira rin ang mga ito dahil ilang beses na niyang nakita ang mga iyon sa mga astral planes na pinupuntahan niya.
"O, Helios, bumaba ka na diyan. Saluhan mo kami sa isang ito."
Mula sa itaas ng malaking puno ay nakita niya ang isa pa. Mas matured ang hitsura nito sa dalawa pa. Tumalon iyon paibaba ng puno.
"Nah! Inyo nalang iyan. I was just here to do what our parents instruct us to do."
"Ah, oo. Yung siguraduhing magkakasundo na ang dalawa nina Lathan at Scylla."
"Buti nga natauhan na sina Dad at hindi na kumontra pa."
"Napatunayan naman raw nung dalawang timang kung gaano nila kamahal ang isa't-isa."
"Yuck! Nakakarumi naman yang pagmamahal na sinasabi mo, Ailister."
"Bitter ka lang, Azriel."
"Hay naku, bahala na kayo diyan."
At umalis na ang tinawag na Helios. Ang dalawa naman ay nagpatuloy sa naudlot na paglapit sa kanya. Naghanda na siya sa paglipad nang dagli ay madaklot siya ng dalawa. Ngunit bago pa man siya malapa ng mga kapatid ni Lathan ay isang babaeng nasa astral form rin ang bumaklas sa mga ito palayo sa kanya.
"Pwede ba? Huwag nga kayong nang-aagaw? Akin ang pagkain na ito." Asik ng babae sa mga ito.
Kung hindi siya nagkakamali, kauri ito ng dalawa. Napakagandang kauri. At dahil masyado siyang fascinated sa magandang babaeng nagligtas sa kanya laban sa magkapatid na sabik sa blood energy ay hindi niya nagawang magsalita. Nakatanga lang siya rito habang nakikipagpalitan ito ng salita sa dalawa.
"Ha? Kelan pa?"
"Ayan ka na naman sa pang-aagaw mo, Lori. Dun ka na nga sa pwesto mo."
"Akin nga siya e. Ang kulit niyo!"
Bago pa muling makahirit ang dalawa ay inilipad na siya ng magandang babaeng tinawag na Lori.
"Hi. I'm Theron."
Nakuha pa niyang magpakilala habang lumilipad ang mga astral bodies nila.
"I know you."
"Ha?"
Nagbuntong hininga ito.
"Once upon a time, I met an astral traveler who was so genius about rituals, spells and chants. At ikaw iyon. May malaki ka pang atraso sa akin at ngayon na kita sisingilin."

WAKAS

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon