Part 17

1K 30 1
                                    

NAGULANTANG si Scylla matapos mabuksan ang lampshade at wala naman roon ang kuya niya. Walang kahit sino sa harapan niya. Kinapa niya sa ilalim ng unan ang remote control ng ilaw sa buong silid at nang sumaboy na ang liwanag ay talagang walang kahit na sino roon. Wala ang demonyong halos magpayanig sa katinuan niya kanina. Maayos ang damit pantulog niya na buong akala niya ay nahubad na sa katawan niya.
Panaginip.
Oo, panaginip nga lang marahil ang naranasan niya kanina. Halos fifteen minutes pa nga lang magmula nang mahiga siya sa kama. Inihahanda niya ang sarili para sa gagawing Out of the Body Experience. Matapos niyang ma-relax ang sarili ay nakatulog siya. Subalit bago pa man magawang humiwalay ng kaluluwa niya sa katawan ay nakaramdam siya ng kakaibang presensiya sa kanyang silid.
Nakakapangilabot!
Sinubukan niyang kumilos. She tried to roll over but she couldn’t. Para siyang napako sa pagkakahiga sa kanyang kama. Sandali pa at naramdaman niyang may humihila sa kumot niya. At sa isang iglap, isang nakakapangilabot na nilalang ang nakadagan sa ibabaw niya. Pigura ng isang lalaki na may pakilong pares ng mga sungay. Mapulang maitim ang kulay ng mga sungay. Kumakawag sa may hita niya ang buntot nito. May pangil rin ito na hindi man kahabaan subalit nakakahindik tingnan. Wala itong saplot maliban sa isang maliit na telang nakatakip sa kaselanan nito.
Nagpapalahaw siya, subalit tila walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Pinilit niyang kumilos pero hindi siya makagalaw. She knew she was suffering from sleeping paralysis. Subalit iba nang mga sandaling iyon. May demonyo sa ibabaw niya!
At sa pagkakataong iyon ay sinimulan nitong hawakan ang mga maseselang parte ng kanyang katawan. Naramdaman niya ang mainit na dila nitong humahagod sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nahintakutan siya ng husto na parang gusto nalang niyang mawalan ng ulirat. Hindi pwede iyon! Hindi siya nito pwedeng pakialaman!
Nagpatuloy siya sa pagpalahaw pero mukhang walang nakakarinig sa kanya. Hanggang sa simulan nang buksan ng demonyo ang kanyang damit pantulog. May palagay pa siya na balak nitong punitin iyon. Ngunit hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla itong naglaho. Nagising rin siyang bigla.
May gumising sa kanya. Akala niya ay ang kanyang kapatid na narinig ang kanyang pagpalahaw. Dagli siyang yumakap rito habang nanginginig sa takot. Nang kumalma na siya ay saka lang niya na-realize ang mga bagay-bagay. Kakaiba ang aura at malamig ang lalaking niyayakap niya. Iba rin ang pakiramdam na ibinibigay ng mga hagod nito sa kanyang likuran. Hindi ganoon yumakap ang kuya niya. Oo nga’t may kalakip parating pagmamahal ang yakap ng kapatid. Pero iba. Ibang-iba sa yakap na ibinibigay ng lalaking niyayakap niya.
Ang aura nito… pamilyar ngunit kakaiba iyon!
At tama nga siya. Hindi ang kapatid niya ang kayakap niya dahil ngayon ay naririnig niya ang boses ng kapatid na tumatawag sa labas ng kanyang silid.
Tumayo siya at pinagbuksan ito.
“Anong nangyari? Nananaginip ka ba? Narinig kita na umiiyak na parang may kausap?” nag-aalalang bungad ng kanyang kuya Timothy pagkabukas niya ng pinto ng silid.
“Ah…” Pinilit ni Scylla na kalmahin ang sarili. “Such a bad dream, but I am fine now, Kuya. Matulog ka na ulit.” Sabi nalang niya rito at nginitian ito.
Mataman siyang minasdan ng kapatid na tila binabasa siya. “Sure?”
Tumango at ngumiti ulit siya rito.
“Katukin mo lang ako kapag—”
“Okay na ako. Sure na sure. Sige na, matulog ka na.” Sandali pa itong nanatiling minamasdan siya bago nagpasyang umalis na sa harap ng kanyang silid.
Matapos maisara ang pinto ay bumalik siya sa kama.
It was just a dream. A nightmare. Ang demonyo na iyon ay isang bangungot, pero ang lalaking niyakap niya kanina, alam niya at nararamdaman niyang totoo iyon. Pero bakit dagli itong nawala matapos magkaroon ng liwanag sa loob ng kanyang silid? Hindi kaya, inimbento lang iyon ng kanyang imahinasyon dahil sa labis na takot niya kanina?
Lumipad ang mga paningin niya sa panel door ng kanyang veranda. At sa panggigilalas niya ay nakabukas iyon. Dagli siyang lumapit roon, lumabas at nagmasid sa kadiliman ng gabi. Nothing was unsual. Tahimik ang buong paligid na para bang wala namang nangyaring kakaiba. Pero sigurado siyang isinarado niya ang panel door na iyon bago matulog. Sa pagkakaalala pa nga niya ay hindi lang niya nai-lock pero sigurado siyang ini-slide niya iyon pasara bago matulog.
Hindi kaya…
Hindi kaya doon dumaan ang lalaki? Pero bakit kay bilis naman nitong nakalabas mula roon?
‘Please stop doing that, Scylla. Stop connecting to the other world, to our world. You were making me hell worried about you by doing that.’
Bumalikwas sa kanyang kaliwa si Scylla. There was that handsome voice again. Nararamdaman niya ang malamig na hininga na tumatama sa kaliwang parte ng kanyang leeg. May nilalang sa tabi niya. Iyon ang bumubulong sa kanya. Puno ng frustration at pag-aalala. Tila may humaplos na mainit sa kanyang puso sa narinig. Hindi man niya ito nakikita, ngunit naririnig niya at ng kanyang puso ang damdamin ng misteryosong nilalang. Tila pamilyar din ang pagpintig ng kanyang damdamin bilang reaksyon sa kakaibang presensiya na iyon. Pero bakit wala naman siyang maaalala na konektado siya sa kahit na sinong unusual na nilalang?
Why it felt like they were connected but her mind knew they were not?
“Who are you? Please tell me who are you.” mahina at puno ng pagmamakaawa na tanong niya sa kawalan. “Gulong-gulo na ako. Please… enlighten me…”
Ngunit isang malamig na bagay na lamang ang naramdaman niya sa kanyang mga labi. Isang haplos ng malamig na bagay na hindi niya alam kung bakit pakiwari niya, may kung sinong humahalik sa kanya.
‘I miss you so much, Scylla. Hindi ko na kayang tiisin na hindi ka lapitan. And I’m sorry, I’m really sorry kung dahil sa ginawa ko, inakay lang kita sa kapahamakan. But please, stop finding me. And I will stop seeing you too. Para na din ito sa kabutihan mo—’
“No!” dagling awat niya sa tinig. “Hindi ka pwedeng lumayo. Huwag kang umalis. Marami akong gustong malaman. Marami akong gustong itanong sayo. Please, huwag kang umalis!”
Isang malamig na kung ano ang naramdaman niyang humahaplos sa kanyang pisngi.
Hangga’t kumokonekta ako sayo, manganganib ang buhay mo. Hindi pwedeng parati kang tumatawid sa mundo ko. Mapanganib. Hindi ka kabilang roon at kung ipipilit mo ang sarili mo, mapapahamak ka lang. Mas hindi ko kayang tanggapin na mapahamak ka dahil lang sa pagpipilit mong masundan at mahanap ako.’
“Bakit may pakiramdam ako na napakahalaga mo sa akin? Na maski alam kong mali at hindi ko dapat ginagawa, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin ka. Sino ka bang talaga?”
Matagal na wala siyang narinig na tinig. Pero alam niyang naroroon pa ito sa tabi niya, nararamdaman niya.
“If you were an Earth bound spirit, dapat ay nakikita kita maski paano. Pero hindi, nararamdaman at naririnig lang kita. Bakit? Sino ka? Bakit ganito nalang ang nararamdaman kong urge na makita ka?”
If mind can forget then the heart cannot.’ the voice says. ‘I believe that you love me, that’s why. Pero sana ay mali nalang ako. Sana ay hindi nalang.’
“Bakit…?”
Gustong sumama ng loob ni Scylla. Sinasabi nito na naniniwala itong mahal niya ito pero sana ay hindi nalang? Hindi niya maintindihan. At paanong nagmahal siya ng nilalang na di naman niya nakikita? May nabura ba sa mga alaala niya?
“If mind can forget then the heart cannot.” Ulit niya sa sinabi nito. Then she realized what’s that mean. “Gusto kitang maalala. Gusto kitang makita. Please. Paano ko gagawin iyon?”
Mas maigi pang huwag nalang.’
“No, kailangan kitang maalala. Sino ka!” pagpipilit niya.
‘Lathan, the one who love you from the other world. And the one who will protect you wherever you are.’
Napasinghap siya.
Lathan!
The name was familiar. She could feel from her heart she knew the guy. Pero kung mahal niya ito, bakit niya ito nakalimutan? Bakit nakalimutan niya kung paano sila nagkakilala at kung paano niya ito minahal? Bakit nang magising siya, hindi naman niya naramdaman na kulang ang kanyang alaala? Katunayan, updated pa nga siya dahil alam niya at naririnig niya ang tinig ng kapatid at ang mga sinasabi nito sa kanya habang comatose siya. Alam din at naririnig niya ang nangyayari sa paligid niya habang nasa ganoon siyang state. Kaya paanong hindi niya maalala si Lathan? Kailan at saang parte o panahon ng buhay niya ito nag-exist? Bakit hindi niya maalala?

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon