Part 6

1.4K 49 7
                                    

"You felt it right because you were such a good creature."

"ANONG ginagawa natin dito?"
Palinga-linga si Scylla sa buong paligid roon sa rooftop ng ospital. Madilim na ang paligid. Lumubog na ang araw kanina pang pagpasok nila sa ICU. Kaya naman malaya nang naibilad ni Lathan ang kagwapuhan nito sa kadiliman ng gabi. At dahil sa magandang liwanag ng buwan ay lalo pang tumingkad ang kakisigan ni Lathan. Napakagwapo talaga nito sa suot na itim na leather hooded jacket at maong pants. Wala siyang makitang senyales sa hitsura nito na magsasabing isa itong bampira pwera sa maputlang kutis. Pero marami na namang normal na tao ang maputlang-maputla ang balat.
Ah, malamig ang katawan nito. Malamig ang kamay nitong humahawak sa kanya. Maski kaluluwa siya, ramdam pa rin niya ang kalamigan ng kamay nito at nang katawan nitong nadidikit sa kanya kapag basta nalang siyang ililipad sa kung saan. Vampires in human form are like corpses. Malamig na bangkay. Kaya anong nakakapagtaka kung malamig man ang katawan nito?
"Wala naman. Dito muna tayo." Narinig niyang tugon ni Lathan.
"Bakit?"
"Basta." Anito. "Dito ako tumatambay sa mga ganitong oras."
Tumalungko si Lathan sa railings roon sa rooftop at nagmasid sa paligid.
"Salamat nga pala sa ginawa mo. Maski paano, mababawasan ang alalahanin ko. Alam ko, maski paano, napatibay mo ang loob ni Kuya. You are such a blessing in disguise."
Thankful na bigla niya itong niyakap. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil hindi ito kaagad nakakilos. Pero kung nagulat ito ay mas lalo naman siya. Hindi naman niya ugali na basta yumayakap sa kung kanino.
Maybe, she was overwhelmed with what Lathan did for her. It was surprising, unexpected indeed.
"Nah! Give it a break, Scylla. I'm not even a good creature." Pabaklas na inalis nito ang kanyang mga brasong yumakap sa leeg ng bampira.
Napahiya rin siya sa kanyang ikinilos kaya dagli siyang lumayo rito.
"But you were nice to me. You help me." Giit niya. "Bakit mo gagawin iyon kung hindi ka mabuti?"
Sandali itong natigilan. "Because I felt it was the right thing to do."
"You felt it right because you were such a good creature." Lumabi pa siya.
Magaan na naman ang pakiramdam niya. Ewan nga ba kung bakit kahit galing siya sa mabigat na sitwasyon, dagling gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag kasama niya si Lathan. Being with him, talking to him gave her a nice feeling.
"Nah. I just did that para mapigilan ka sa pambabawas sa mga sorce of food namin ng pamilya ko." Biglang banat nito.
Sinimangutan niya si Lathan. Pakibit-balikat na nagmasid nalang ito sa madilim na paligid. Kaasar din talaga ang isang ito. Nagpapakasasa na siya sa magandang ideya sa kanyang isip nang sirain nito iyon. Bakit ba ipinipilit nito na hindi ito mabuti samantalang nakikita naman niya ang kabutihan mula rito? Parang nais tuloy niya itong batukan.
Kung hindi ka lang talaga gwapo...
Nangalumbaba nalang siya habang matamang minamasdan ang kagwapuhan sa kanyang harapan. Mukhang wala naman itong pakialam dahil abala ito sa pakikiramdam sa paligid. Ano na naman kaya ang nasa isip nito ngayon? Ano na naman kaya ang binabalak nitong gawin? Huwag sabihing papanisin lang siya nito roon sa rooftop?
Ah, di bale. Hindi naman ito nakakasawang panoorin...
Magpapakasasa pa sana siya sa panonood sa napakagwapong tanawin sa kanyang harapan ngunit naputol iyon nang tila maalerto na ito. Umalis ito sa pagkakatalungko sa railings at bumaling sa kanya.
"Huwag kang aalis dito." Anito sa kanya.
May awtoridad ang tinig at hindi niya mawari kung bakit tila sa paraan ng pananalita nito ay may nagbabadyang panganib. Kasabay ng pagtango niya ang mabilis na paglalaho nito sa kanyang mga paningin. Sa isang kisap-mata ay nasa ibaba na ito, sa madilim na likurang bahagi ng ospital at nakikipagbuno sa kung sinong nilalang.
Mabibilis ang kilos ng mga ito habang nagpapambuno at tuluyang nawala sa kanyang mga paningin. Kinabahan tuloy siya. Anong nangyayari? Sino ang sinugod ni Lathan? Bakit ito basta sumugod nalang? Paano kung mapahamak ito sa ginawa nitong iyon?
Pilit inaninag ni Scylla si Lathan at ang nilalang na kapambuno nito subalit wala na siyang mahagip maski ano sa madilim na likurang bahagi na iyon ng ospital. Ano ba talagang nangyayari? Nasaan na si Lathan?
"Lathan..." mahinang saad niya.
"Hi!"
Biglang napabaling si Scylla sa kung sinong nagsalita sa kanyang likuran. Babae, na may maputlang complexion. Strikta ang dating ng magandang mukha nito ngunit palakaibigan naman kung ngumiti.
Oo, ngumiti ito sa kanya. Gusto niyang magtaka. Kilala ba siya nito? Paano itong nakarating doon ng di niya namamalayan? At higit sa lahat, paanong nakikita siya nito?
"S-Sino ka?"

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now