Part 3

2.7K 102 15
                                    

"Huwag ka nang umiyak. Makakahanap ka din ng solusyon. Makakabalik ka din sa katawan mo. Sa ngayon, bumalik ka muna sa kung nasaan ang katawan mo at bantayan iyon. Protektahan mo laban sa mga masasamang elemento."

Huminto sa pag-iyak si Scylla.

"You mean, demon?" takang tanong nito.

Tumango siya. "Alam mo naman siguro na dahil kaluluwa ka ngayon, ibigsabihin ay nakatawid ka sa kabilang dimensyon ng mundo. At ang mundo na kinatatawidan mo ngayon ay binubuo ng mga mapanganib na elemento. May mabuti, subalit mas marami ang masasama."

"Pero mabuti ka naman, di ba?" Tila pagkukumpirma nito.

Mabuti nga ba siya? Mabuti bang maituturing ang nabubuhay sa pakikihati sa enerhiya ng mga tulad ni Scylla? Siguro, mabuti rin silang maituturing dahil inililigtas nila ang mga tao sa higit na mas masama kesa sa kanila. Pero, hindi niya masabi kung mabuti nga ba siya. Dahil bali-baligtarin man ang mundo, inaagawan pa din nila ng enerhiya ang mga taong dapat ay tahimik na namumuhay sa mundo.

Nagkibit-balikat nalang siya. "I was called a demon too, you know?"

Nakita niya ang iba't-ibang damdamin sa mga mata nito. Takot, pangangamba, pagtataka. Ngunit mas nangingibabaw ang huli. Tila ayaw pa nitong maniwala.

"I'm Lathan. I'm a vampire."

The lady's jaw dropped down. "No?" mahinang sambit nito sa namimilog na mga mata. Tila ayaw maniwala.

Hindi niya alam kung ituturing na mabuting bagay iyon. Kung hindi ito naniniwala, hindi ito matatakot sa kanya. Ayaw niya sa ideyang matatakot ito sa kanya dahil...

Dahil ano nga ba?

Dahil gusto niya itong makilala pa ng lubos. Gusto niya itong makasama at makausap. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tinagal-tagal na nila sa mundo bilang mga astral vampires, na sa totoo lang ay may anim na daang taon na din, hindi siya nakaramdam ng ganoong klase ng paghahangad na makasama ang isang astral body.

Hindi, kailanman.

At nakakapagtaka talaga ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Gusto niyang tanungin ang sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya subalit wala rin naman siyang mahagilap na sagot sa tanong na iyon. Basta isa lang ang sigurado niya, gusto niya ang pakiramdam na kaharap, kausap at kasama si Scylla at ayaw niya ang pakiramdam na natatakot ito sa kanya.

Pero hindi naman niya maililihim rito ang katotohanan sa kung anong uri ng nilalang siya. Matatakot ito, oo. Pero mas mabuting alam nito ang totoo. Na ang kaharap nito ay isang parasite, isang bampira.

"Yes... I'm a dreamscape vampire, also known as the Astral Vampire." Pilit pagtatapat niya.

Bahala na kung ano ang iisipin nito, ang mahalaga, alam nito ang totoo. Besides, malilimutan rin naman nito ang natuklasan kapag bumalik na ito sa katawan nito.

Bigla siyang nahimasmasan. Ngayon lang yata siya naging tanga sa buong panahon ng existence niya. Bakit hindi niya naisip agad ang bagay na iyon? Malilimutan rin siya nito sa pagbabalik nito sa katawan nito, kaya big deal pa ba kung magsabi siya ng totoo o magsinungaling?

"No!" giit pa din nito sa nahihindik na reaksyon.

Naalarma siya. Iyon na nga ba ang ayaw niya. Ang makaramdam ito ng takot sa kanya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na natatakot ito sa kanya.

Bakit nga ba?

Nagkibit-balikat siya. Kailangan niyang ipakita na wala lang sa kanya ang reaksyon nito. Maybe, it will lessen the panic and fright brought by the thought that she was facing a beast right now.

"Go back to your body and protect it. I need to eat."

Kumilos na siya upang iwan ang nagugulantang na kaluluwa. Hindi niya kayang tingnan ng matagal sa ganoong reaksyon si Scylla. Parang biglang bumaba ang kanyang self-esteem.

Nah! Kulang lang siya sa pagkain. Maiging kumain muna siya. Nakakagutom rin ang makipaglaban sa isang Soul Sucker na higit ang lakas laban sa mga tulad nila. Sa dinami-rami ng grupo ng mga Soul Sucker, bakit ang mga Avergou pa ang lumitaw sa bansang iyon at nakikiagaw sa kanilang pagkain? Ang mga Avergou na siyang pinakamalakas na angkan sa lahat ng mga Soul Sucker sa mundo! Hindi tuloy sila makakain ng sapat dahil malalakas ang mga kalaban nila.

Kumain?

Hindi ba't pagkain na nga ang nasa kanyang harapan kanina? Bakit pa niya iyon pinakawalan?

Nah! Bakit nawala sa isip niya na pagkain rin si Scylla?

'Because you weren't on your astral form, idiot!' pagbibigay katwiran niya sa iniakto.

Kaya lang, ngayong matutulog na siya para kumain, bakit hindi naman niya maramdaman na gusto niyang kumain kay Scylla?

Dahil nanganganib ang buhay nito sa mga pagkakataong iyon. Kung kakainin pa niya ang enerhiya at sisipsipin ang dugo nito, baka mamatay na ito.

Tama. Iyon nga. Naaawa siya kay Scylla. Iyon ang pinakasolidong dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon sa magandang dalaga. Awa ang nararamdaman niya rito. Awa lang...

Awa lang...

Kahit paano ay may konsiderasyon rin naman ang mga tulad niya. Hindi sila pumapatay. Parasite sila pero hindi naman to the extent na papatayin na nila ang biktima. Dahil kapag nangyari iyon, mawawalan sila ng manufacturer ng pagkain. Hindi sila tulad ng mga Sanguines o mga Soul Suckers na walang pakialam kung mamatay ang biktima basta't nakakain.

Subalit, sa kanyang kaibuturan, parang hindi niya talaga kayang ikonsidera na pagkain si Scylla. Hindi niya kayang kumain ng enerhiya nito gaano man nakakatakam ang amoy ng enerhiya ng dugo ng dalaga.

Hindi madaling magpigil na tumikim man lang ng enerhiya ni Scylla, pero nakapagtatakang nagawa niya. Nagawa niyang pigilan ang pagkatakam roon.

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now