Part 20

1K 23 1
                                    

“Napakatigas ng ulo mo, Lathan! Kung ayaw mong matulad sa akin, sundin mo kami. Hindi kami kailanman maghahangad ng ikapapahamak mo.” Si Helios ang nagsalita.
Napabaling siya sa nakakatandang kapatid. “Bakit hindi mo ako maintindihan? Nagmahal ka din ng hindi natin kauri. Higit kanino man rito sa atin, ikaw ang dapat na nakakaunawa sa akin!”
Hindi nagsalita si Helios. Sigurado siyang maski paano ay umayon ito sa sinabi niya. Subalit para mas lalo itong i-provoke ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“O baka naman, hindi mo talaga minahal si Chloris kaya ganoon ka nalang kadaling sumuko? Ni hindi mo inalam kung ano ba ang totoong dahilan ng biglaan niyang pagtalikod sayo noon. Nag-settle ka nalang sa sarili mong conclusion.”
Nagtagis ang mga bagang ni Helios.
Sa isang iglap ay naroon ito sa harapan niya at madilim ang mukhang kinukwelyuhan siya. Ngumisi siya. Nakakaasar. Wala siyang pakialam kung ano ang gawin nito sa kanya ngayon. Hindi siya natatakot na matikman ang galit nito dahil sa pagkakasundot niya sa malaki nitong ego. Ang gusto lang niya, malinawan ito at makuha ang pinupunto niya.
“Well, hindi ako katulad mo, Helios. Hindi ako kasing duwag mo. At hindi rin ako matatahimik na hindi ko naririnig ang panig ni Scylla. Mahal ko siya. Nagtitiwala ako sa kanya. Susuko lang ako kung sa kanya mismo manggagaling na dapat ko na siyang sukuan. Pero hangga’t alam ko at nararamdaman ko na mahal niya ako, hinding-hindi ako hihinto sa pagmamahal at pagtitiwala sa kanya.”
Unti-unti, lumuwag ang pagkakahawak ni Helios sa kuwelyo ng kanyang damit hanggang sa tuluyan na siya nitong pakawalan. Wala ring sali-salitang tumalikod ito sa kanya at bumalik sa silid nito.
Naging marahas nga siguro siya sa pananalita sa nakatatandang kapatid. Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin nito. Pero gusto niya lang itong maimulat sa kung anuman ang kanyang ipinaglalaban. At sigurado siya, sa naging kilos ni Helios, nalinawan at nakuha nito ang kanyang punto.
“Masyado yata kaming naging maluwag sayo, Lathan.” Sabi ng kanyang ama, pagkuwan.
“Yun din ang naiisip ko.” Sang-ayon ni Lori.
“Nagmamahal lang daw siya.” Tila nakakaluko pang kantyaw ni Ailister.
“Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal?” Pumapalatak namang saad ni Azriel.
Napalingon tuloy siya sa nakababatang kapatid. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasama.
“Hindi niyo siguro ako mauunawaan ngayon. Pero kapag nagmahal kayo, maiintindihan niyo rin ako.”
Sa lahat ng naroroon, tanging ang kanilang ina lamang ang lumambot ang ekspresyon. Siguro, dahil maski paano, nauunawaan nito ang nararamdaman niya. Noong mga panahon na halos ayaw na niyang kumilos para mabuhay ay ito ang parating nagbibigay sa kanya ng motivation. Parating umaalo sa kanya. Siguro, nakaya niya ang tatlong taon na wala si Scylla dahil na rin sa panunuyo ng kanyang ina.
Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang mukha niya.
“Bumalik ka na sa silid mo. Mag-hunt at magpalakas. Pagkatapos noon, papayagan ka na naming makita si Scylla. Pero pakiusap, huwag ngayon. Huwag mong ipagsapalaran ang kaligtasan mo. Dahil kung gagawin mo iyon, siguradong mas hindi matutuwa si Scylla kung malalaman na nagpapabaya ka sa sarili dahil sa kanya.”
Maski paano ay natauhan si Lathan sa sinabi ng ina. Tama ito. Hindi nga magugustuhan ni Scylla na ipahamak niya ang kanyang sarili. Pero nais na niya itong makita at makausap. Kailangan na niya itong makausap. Hindi siya matatahimik na hindi nalilinawan ang tanong sa kanyang isip.
Paano nito nagawang gumamit ng ganoon kalakas na pwersa para ipahamak siya? Saan nito nakuha iyon? At ang Theron na iyon, bakit magkasama na naman ang dalawa samantalang alam naman ng dalaga na naiinis siyang makita na malapit ang mga ito sa isa’t-isa? Pinili pa talaga ni Scylla na iwan siya at sumama sa Theron na iyon.
Ah! Magtutuos sila ng lalaking iyon!
Walang salitang tinalikuran niya ang lahat at bumalik sa silid niya. Kailangan niyang mag-hunt. Kailangan niya ng sapat na lakas at enerhiya para sa sandaling magharap sila ni Theron ay kaya na niyang pantayan ang anumang ritwal na ginagamit nito para protektahan ang sarili laban sa mga tulad niya. At ang ritwal na sigurado niyang siya ring gamit ni Scylla.

“OH, hi Theron! Wala si Scylla. Kaaalis lang niya.”

Nagtaka pa si Timothy na makita si Theron sa ibaba. Nakilala na niya ang binatang businessman noon sa isang business conference na dinaluhan niya. Nagulat nga siya na malaman na magkakilala pala ito at si Scylla. May hinala siya na kung hindi man nanliligaw ang binata sa kanyang kapatid ay posibleng may relasyon na ang mga ito dahil parati na ding magkasama. Hindi naman siya nagtatanong kay Scylla. Ayaw niyang pakialaman ang personal na bagay patungkol sa kapatid. Pwera nalang kung ito mismo ang mag-open sa kanya. And besides, he had nothing against Theron. Medyo weird nga ang tingin niya sa binata. But he was sure he is a good person. Suits well for his dearly sister.

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now