Part 1-Revised

8.5K 155 10
                                    

ISANG nakakasilaw na liwanag ang nabungaran ni Scylla sa pagmulat ng kanyang mga mata, dahilan para bigla siyang mapabangon. Iniharang niya ang isang kamay sa bandang noo para maski paano ay masanggahan ang nakakasilaw na liwanag. Pulos puti ang paligid. Iyon ang nakikita niya. Marahil dahil na din sa liwanag na nakakalat sa buong paligid. Pero nasaang lugar nga ba siya? Bakit masyadong maliwanag? Kaninong kama ang kinauupuan niya ngayon. Bakit hindi iyon kasinlambot ng kanyang kama?

Nang bigla siyang matigilan! Napaurong siyang bahagya matapos mapagsino ang katawang nakahimlay sa kama na nasa kalagitnaan ng walang hanggang liwanag. Dumudugo ang noo at ilong nito at may malaking sugat sa pisngi. Palagay niya, may malaking sugat rin ang noo nito na pinanggagalingan ng umaagos na dugo na nagmamantsa na sa cover ng puting-puting kama. May mga pasa sa mukha at braso, mga galos at sugat.

Nakaramdam siya ng matinding panic. Sa kabila ng mga galos, sugat at pasa, nakilala niya ang katawang nakahimlay, siya ang nakahiga sa kama! Pero bakit? Bakit nakikita niya ang sarili? Kung siya ang nakahiga sa kama, sino siya na nakaupo naman roon?

Bigla niyang naalala ang huling kaganapan. Malalim na ang gabi. Nagmamaneho siya ng kanyang sasakyang iniregalo ng kanyang kuya Timothy nang nakaraang birthday niya. Dapat daw ay sa graduation nalang niya iyon ibibigay sa kanya pero dahil halos magahol na rin ito sa oras sa paghatid-sundo sa kanya sa kanilang unibersidad, minabuti nitong maski nasa ikatlong taon pa lang siya sa kolehiyo ay ipagkaloob na sa kanya ang minimithi niyang sasakyan. Tutal ay disinueve anyos na naman siya, awtorisado na siyang magmaneho. Isa pa, noon pa mang disasais siya ay tinuruan na siya ng kapatid na magmaneho kaya ngayon, masasabi na niyang magaling na magaling na siya sa larangang iyon.

Bilang graduating student sa kursong business management, napakaraming tinatapos na requirements ang mga tulad niya. Ewan ba kung anong bitamina sa utak ang ginagamit ng mga professors nila sa unibersidad at kung kailan last minute na ay saka pa sila tinatambakan ng maraming requirements. Tuloy, parati na siyang ginagabi sa pag-uwi. Parati rin tuloy nag-aalala ang kuya niya.

Sila nalang magkapatid ang magkasama sa buhay. Sabay na namatay sa isang vehicular accident ang mga magulang nila noong nasa ikatlong taon sa high school pa lang siya. Maigi nalang at graduating na ang kuya Timothy niya.

Sa mga panahon nito sa kolehiyo ay panaka-naka rin itong itini-train ng kanilang ama sa kompanya kaya't nang iwan sila ng mga magulang ay nakapag-adjust ito sa pag-take over ng business nila.

Naging spoiled siya sa kapatid pero at the same time ay protective din ito sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa kapatid. When their parents leave them, he used to keep an eye on her. Nangako raw kasi ito sa puntod ng mga magulang nila na aalagaan at poprotektahan siya sa abot ng makakaya nito.

At tinutupad naman iyon ng kanyang kapatid. Sa katunayan, labis sa kanyang kailangan ang ibinibigay nito. Tinutumbasan niya rin iyon ng pagmamahal at hangga't maaari ay ayaw niya itong pag-alalahanin. Ipinangako niya sa sarili na aalagaan rin niya ang kapatid. Tutumbasan niya ang lahat ng kabutihan nito sa kanya. Bukod roon ay sila nalang ang pamilya kaya wala na talagang mag-aalaga sa isa't-isa kundi sila rin lang.

Alas onse y medya na nang tingnan niya ang kanyang wrist watch. Malalim na ang gabi pero sikip pa rin ang kalsada. Minabuti ni Scylla na mag-short cut. May iskinita siyang dinadaanan na kayang lumusot ang kanyang kotse. Kapag ganoong naiipit siya sa traffic ay doon siya dumadaan. Yun nga lang, hindi siya parating dumadaan roon dahil delikado. Pugad raw iyon ng mga drug addict at iba pang masasamang tao. Pero gusto na niyang makauwi. Hindi lang para makapagpahinga kundi para na rin makapagpakita sa kapatid. Nakailang tawag na ito sa kanya kanina at itinatanong kung nasaan na siya. Malamang na naunahan na naman siya nito sa pag-uwi.

Napabuntong-hininga nalang si Scylla. Malapit na siyang makalabas ng eskinita. Sa dulo noon ay ang public highway. Napangiti siya. Paglabas kasi niya roon, siguradong hindi na gaanong crowded ang lansangan. Malapit na din iyon sa kanilang subdivision.

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon