Part 22

1.1K 23 1
                                    


“MASYADO na ba akong madaldal?”
Napabaling bigla si Scylla sa kasamang si Theron. Nasa isang restaurant sila sa loob ng mall. Weekend. Nag-aya ang binata na lumabas sila. Pinaunlakan na rin niya ito tutal ay parang mababaliw na siya sa pag-iisa.
Tinotoo ni Lathan ang sinabi nito na hindi na ito magpapakita sa kanya. Kahit anong tawag niya rito, kahit parati siyang mag-OBE na halos tuwing bakanteng oras niya ay ginagawa niya, mahanap lang si Lathan, hindi niya ito mahagilap. Naiinis na siya sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya. Pero kahit ganoon, hindi naubos ang determinasyon niyang hanapin si Lathan.
Totoo nga pala na pinakamahirap hanapin iyong walang balak magpakita. Para na siyang tanga na naghahanap ng karayom sa gabundok na dayami. O di kaya, bulag napilit naghahanap ng liwanag.
Gusto na niyang mawalan ng pag-asa. Magmula nang hindi na magpakita si Lathan sa kanya, pakiwari niya ay hindi na rin sumikat ang araw sa kanya. Para siyang parating nasa dilim. Malungkot. Nakakalungkot at hindi niya alam kung hanggang kailan niya dadanasin ang kalungkutan ng pag-iisa.
Alam niya, hindi naman siya literal na mag-isa. Narito pa ang kuya niya. As a matter of fact, madadagdagan na nga ng miyembro ang pamilya nilang magkapatid sa sandaling ikasal si Kuya Timothy. Marami rin siyang kaibigan. Isa na nga itong si Theron na tila inaaliw siya sa kung anu-anong kwento na halos hindi naman niya maunawaan. Naririnig niya ito subalit hindi naman inia-absorb ng isip niya ang mga pinagsasasabi ni Theron.
Ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Iyong parang wala na siyang dahilan para bumangon pa sa tuwing sasapit ang umaga. Minsan nga, iniisip niya, bakit pa siya babangon kung wala naman siyang paglalaanan ng buong maghapon?
Noon, sabik siyang matapos ang buong araw dahil alam niyang sa pagsapit ng gabi, hinihintay na siya ni Lathan sa kanilang tagpuan. Excited siyang babangon sa umaga dahil nakasama niya ang lalaking mahal niya. Naging masaya ang gabi niya at inspired siyang magtrabaho kinabukasan. Pero ngayon...
“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” naitanong nalang niya kay Theron.
Bumuntong-hininga ito. Kung nadismaya man si Theron na hindi pala niya ito pinakikinggan sa mga pinagsasasabi nito, hindi na nito ipinahalata pa sa kanya. Isang bagay na maganda mula sa binata.
“Kinukwento ko lang naman sayo ‘yung college life ko. Hindi ka kasi nagsasalita kaya ako nalang ang nagkwento. Pero dahil wala ka namang reaksyon sa mga sinasabi ko, naisip ko na baka naiimbyerna ka na. Kaya sige, ikaw naman ang magkwento.”
“Ano namang ikukwento ko?” Binalingan ni Scylla ang orange juice na halos hindi niya nagalaw at nawalan na ng lamig. Walang ganang pinaglaruan niya ang straw noon.
“Kahit ano. Kahit anong gusto mong pagkwentuhan.”
Bumaling siya muli kay Theron. Ngumiti naman ito. Gwapo naman talaga si Theron. In fact, boyfriend material ito. Pero hindi niya makita ang sarili na kasama si Theron sa hinaharap. Hindi niya kayang gawin ang mungkahi ng kapatid.
Theron seems like a nice guy.’
Panimula ni Kuya Timothy, isang umaga habang nag-aalmusal sila. Napaigkas ang kilay niya. Iba kasi ang tono nito. Para bang may ipinahihiwatig rin ang sulyap ng kanyang kapatid sa kanya.
Ngayon lang ito nagkomento ng patungkol sa lalaking nakakasama niya. Dati naman, wala itong pakialam. Ah hindi, mas tamang sabihin na hindi ito nakikialam kapag patungkol na sa mga personal na bagay. Pero ngayon, tila ba iba ang nahihinuha niya sa tono nito.
Yeah. And?’
‘Nanliligaw ba siya sayo?’
‘Kuya? We were just friends.’
‘Yeah. Pero okay lang sa akin kung ligawan ka niya.’ Pinandilatan niya ang kapatid. Sinasabi na nga ba at tama ang naiisip niya. ‘I mean, nasa right age ka na. Mas mapapanatag nga ako kung may isang Theron na mag-aalaga sayo.’
‘I can take good care of myself. Thank you very much, kuya.’ And she rolled her eyes.
Hindi na nga maganda ang umaga niya at nagpapanggap nalang sa harap ng kapatid na wala namang kakaiba sa kanya at okay lang siya, tapos heto ito ngayon na gusto pa siyang bigyan ng sakit ng ulo?
Hindi ba nito alam kung gaano kahirap na magpanggap na okay tapos ay ipe-pressure pa siya sa ibang bagay?
Isang malalim na buntong-hininga muli ang pinakawalan niya. Kapag naaalala niya ang umaga na iyon ay nais niyang mainis sa kapatid. Magmula kasi noon, parati na itong nagtatanong ng patungkol kay Theron at kung kailan raw sila lalabas ulit. Para bang ipinagduduldulan na siya ng kapatid kay Theron. Kaya nga nitong nag-aya ang huli ay nagpaunlak na siya dahil napupundi na rin naman siya sa pangungulit sa kanya ng kapatid.
“Mga bagay na sa palagay mo, pwede mong i-share sa akin. Bagay na sa palagay mo, ako lang ang makakaunawa. Ikwento mo, makikinig ako.” dagdag pa ni Theron.
Napailing siya. “Napansin mo pala.” nasabi nalang ni Scylla. “Masyado ba akong obvious na namomroblema sa bagay na para sa karaniwang nilalang ay isang katatawanan lamang? Isang imagination?”
Masyadong matalas ang isip at masyadong observative si Theron. Iyon siguro ang dahilan kung bakit alam niyang napansin nito kung ano ang kanyang pinoproblema.
“Hindi katatawanan iyon. Hindi lang nila tayo naiintindihan dahil hindi nila nararanasan ang nararanasan natin. Hindi nila napupuntahan ang napupuntahan natin.” Inabot ni Theron ang isang kamay ni Scylla na nasa ibabaw ng mesa at masuyong pinisil iyon.
Noon niya naramdaman na kailangan talaga niya ng kausap, nang karamay. At dahil nauunawaan siya ni Theron, kailangan niya ito. Dumulas ang ilang butil ng luha sa mga pisngi ni Scylla. Hindi na niya napigilan. Masyado na kasing mabigat. Mahirap na siya lang mag-isa ang nag-iingat ng mabibigat na damdamin na iyon. Hindi niya masabi sa iba. Hindi niya maihinga sa mga kaibigan niya dahil posibleng pagtawanan lang siya ng mga iyon. Or worst, isipin pang may problema siya sa pag-iisip.
Sino nga ba naman kasi ang basta maniniwala na may kabilang mundo. Na na-inlove siya sa nilalang mula sa kabilang dimensyon ng mundo, nilalang na hindi niya kauri. At ngayon, basta nalang siya iniwan.
“Wala na siya, Theron. Iniwan na niya ako.” Lumuluhang sabi niya. Isinalaysay niya rito ang huli nilang pag-uusap ni Lathan. At aaminin niyang maski paano ay gumaan ang pakiramdam niya habang inaalos siya nito.
“Sabi niya, mahal niya ako. Bakit ganoon nalang kadali sa kanya na iwan ako?” mahinang nguyngoy pa rin ni Scylla.
Lumipat na sa tabi niya si Theron para marahil mas madali siya nitong maalo mula sa pag-iyak. Inihilig ni Scylla ang ulo sa dibdib ni Theron na panay naman ang hagpos sa likod niya.
“Baka naman, natauhan na siya. Na-realize niya na hindi talaga kayo para sa isa’-isa.” Bigla siyang umagwat kay Theron. Akala pa naman niya, kakampi niya ito. Na nauunawaan siya nito. Bakit parang sinasabi pa nito na tama ang ginawaa ni Lathan na pag-iwan sa kanya? “Hey, look!” awat nito sa nag-iiba na niyang ekspresyon. “What I was trying to say is, wake up Scylla! Magkaiba kayo ng mundo. Magkaibang nilalang rin kayo. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa’t-isa para mag-work ang mga bagay-bagay. Kung nagkataon siguro na pareho kayong normal na tao, love was enough. But in your case, I’m so sorry to tell you this but things between the two of you are hopeless. Mas maiging tanggapin mo na iyon ngayon palang, Scylla.”
“No!” awat niya sa mga sinasabi ni Theron. Bahagyang dumistansya rin siya rito. Pakiwari niya, sa isang iglap, ang isang kakampi ay naging kaaway na rin niya. Wala na ba talagang makakaunawa sa kanya? “I can’t just give up on him just like that. Marami namang paraan para magkasama kami.”
“Yeah. And live your life in misery. Hindi kayo magkakaroon ng normal na buhay dahil nasa magkaibang mundo kayo.”
“Hindi ko kailangan ng normal na buhay kung hindi rin lang siya ang kasama ko!”
Yamot na tumayo na siya at hinagilap ang bag. Dumeretso siya sa exit ng restaurant. Humabol naman si Theron sa kanya. Wala na sana siyang balak na pansinin ito pero narinig niya mula sa kanyang likuran ang isang malakas na ingay kasunod ang pagdaing ni Theron. Nang lingunin niya ang pinaggalingan ay nakita niyang nabunggo ng grocery cart si Theron. Napabalik tuloy siya roon. Malamang na dahil sa paghabol sa kanya ay hindi nito napansin ang cart.
“Are you okay?” Pahangos na tanong niya.
“It is nice to know that you were still concerned about the people around you. Hindi yung puro Lathan nalang ang laman ng isip mo.”
She could feel the heavy feeling he had in his lines. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin. Hanggang sa nakaalis na ang nakabunggo rito matapos mag-apologize ay wala siyang maisip sabihin. Puro nalang daw siya Lathan? Oo, totoo naman. Ano bang mali roon? Mahal niya si Lathan, normal lang naman siguro kung ito lang ang parating laman ng kanyang isip. Mag-a-agree din siya kung sasabihin ni Theron na si Lathan na ang sentro ng kanyang mundo.
“Back to what I am saying.” Lumingon siya kay Theron na ngayon ay iginigiya na siya palayo. “Sana magawa mong makita ang iba pang tao na kayang tumbasan ang pagmamahal na meron ka para sa Lathan na iyon.”
“Ha?”
Tumingin ng deretso sa kanya si Theron.
“Sana makita mo ako, Scylla. Hindi lang bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki na pwedeng mahalin. O kung hindi mo man ako kayang mahalin, hayaan mo nalang akong mahalin ka. Hayaan mo nalang akong protektahan ka. At poprotektahan kita laban sa lalaking mahal mo pero dinudurog lang ang damdamin mo. Lalaking magiging dahilan ng kapahamakan mo.”
And Scylla became speechless.

NAGTAGISAN ang mga bagang ni Lathan matapos marinig ang mga pahayag ni Theron. Sinasabi na nga ba at may hidden agenda rin ito kay Scylla. Well, pareho silang lalaki. Natunugan na niya ang damdamin na iyon ni Theron patungkol kay Scylla. Ang ipinagtataka lang niya ay bakit ngayon lang nito naisip magtapat ssa dalaga. Hindi niya alam kung dapat niyang ipagpasalamat iyon. Dahil matapos niyang tikisin si Scylla, meron pa ring tao na handang alagaan ito.
Hindi niya plinano ang lahat. Biglaan nalang ang kanyang desisyon. Ilang beses na nga ba na nagpaurong-sulong si Lathan patungkol sa pakikipagrelasyon kay Scylla?
Oo na. Kasalanan niya ang lahat. Kung kailan maayos na si Scylla, na kinaya nila ang tatlong taon na hindi magkasama matapos niyang isuko ito at itaboy pabalik sa tunay na mundo nito, hayun siya at bumalik na naman sa buhay nito. Nagparamdam na naman siya. Ginulo na naman niya ang nananahimik na dalaga. At kung kailan masaya na sila, heto at pinili niyang layuan na naman si Scylla.
Oh well, hindi naman talaga siya lumayo. Palagi siyang nasa paligid, nagbabantay. Subalit hindi siya nagpaparamdam. Alam niya ang nangyayari kay Scylla, sa bawat araw at segundo ng buhay nito, ngunit hindi nito alam na naroroon lang siya at nagmamasid.
Alam niya ang kawalan ng gana ng dalaga na mabuhay. Na nagpapanggap lang itong maayos pero hindi naman. Mahirap iyon, dahil ganoon ang ginawa niya saa loob ng tatlong taon. Nagpapanggap siya sa harap ng kanyang pamilya na okay siya, pero deep inside, patuloy siyang namamatay.
At ngayon, heto na naman siya, bumalik sa phase na iyon ng kanyang buhay. Ngunit ano ba ang kanyang magagawa? Ito na ang pinakamabuting gawin niya. Para na rin iyon sa kabutihan ng dalaga. Para sa kabutihan nilang dalawa. Mahirap, masakit, pero iyon ang pinakatamang gawin.
Kumikilos na naman kasi ang mga Avergou. Nito lang nakaraan ay umaaligid na naman si Lach kay Scylla. Pero bago pa ito makalapit sa dalaga ay sumusugod na siya. Hinding-hindi na niya muling hahayaang gayahin nito ang kanyang anyo at makapagpakita kay Scylla. At mas lalong hindi niya ito hahayaang malapitan ang babaeng mahal niya.
Nagulat pa nga siya na naging katuwang niya si Helios sa pakikipaglaban kay Lach at sa iba pang Avergou na nagtatangkang guluhin si Scylla.

Bakit? Bakit mo ako tinutulungan?”
Walang emosyong humarap si Helios sa kanya matapos ang pakikipagsagupaan nila kay Lach. “Nasa phase ka na naman ng buhay mo na sinukuan ang babaeng mahal mo. Na siyang dahilan kung bakit mahina ka. At sa lakas ni Lach ngayon, hindi mo siya kayang mag-isa.” Bumuntong-hininga ito. “Tama ka. Naging duwag ako noon na marinig mula kay Chloris ang totoo. And I admire you for fighting for your love, bro. Kaya lang, bakit parang sumusuko ka na naman?”
Nag iwas siya ng tingin. “Dahil tama rin kayo. Iyon ang tamang gawin. Para kay Scylla rin ang ginawa kong pagsuko sa kanya.”
Inlove ka nga, Lathan.” At tinapik-tapik siya ni Helios sa kanyang balikat.
Pinakawalan na niya si Scylla. He had no hold on her anymore. Pero nasasaktan siyang malaman na posibleng may ibang magmay-ari kay Scylla.Hindi niya gusto. Hindi niya matanggap. Hindi niya kaya.
What the heck!?’
Hindi siya tao. At naiinis siya minsan sa mga tao dahil ang hirap unawain ng mga ito lalo na kung patungkol sa usaping pampuso. Pero ngayon, isa na rin yata siya sa sandamakmak na mortal na mahirap unawain.
Mahirap kasi talagang unawain ang mga paurong-sulong niyang desisyon. Ngayon, sino ang mas pinahihirapan niya?
Kung pwede niya lang alisan na naman ng memorya patungkol sa kanya si Scylla para mabawasan ang nararamdaman nito. Kaya lang ay wala siyang ganoong kakayahan. Isa pa, may paraan naman para makalimutan siya ng dalaga. Si Theron. Iyon nga lang, ayaw niya sa ideyang iyon. Ayaw niyang mapunta si Scylla kay Theron.
“Pag-isipan mo lang ang mga sinabi ko, Scylla. Hindi naman kita pinipilit. All I want was a chance. A chance to be with you. A chance to care and protect you. And a chance to let me love you with all of me.”
Tumango lang si Scylla. Wala siyang ibang narinig na tugon mula rito. Ibigsabihin ba noon na pumapayag na ito na tanggapin si Theron? Ganoon nalang kadali para rito na tanggapin si Theron kapalit niya? Bakit ganoon?
Kinapa ni Lathan ang kaliwang dibdib. Tila ba may isanlibo at isang karayom na tumuturok roon. Tama naman ang desisyon ni Scylla. Iyon ang tama at iyon ang purpose niya sa paglayo rito, ang mabuhay ito ng naayon sa kapalaran nito bilang isang mortal. Pero bakit ganito? Bakit hindi pa rin siya masaya? Bakit hindi pa rin siya mapanatag?
At bakit ang sakit-sakit na?
Iginiya ni Theron si Scylla patungo sa kung saan. At bilang astral, malaya niyang nasusundan ang bawat kilos at galaw ng dalawa. Umakbay si Theron sa dalaga. Ngali-ngali tuloy niyang isalya ito palayo kay Scylla. Pero di niya magawa. At hindi niya pwedeng gawin.
Kahit para na siyang tangang masokista ay nagpatuloy siya sa pagsunod sa dalawa. Kahit masakit ang bawat eksena, nagpatuloy siya.
Dapat ay lumalayo na siya ngayon tutal naman ay nakikita niyang magiging maayos na ang susunod na kabanata ng buhay ni Scylla maski wala siya sa bawat pahina noon. Pero heto siya, parang tanga na patuloy na sumusubaybay rito. Parang tanga na tinitikis ang sariling pagkairita habang may kasama itong iba.

***

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now