Part 2

4K 147 29
                                    

Naghihihiyaw si Scylla subalit wala namang nakakarinig sa kanya. Patuloy pa din sa pagkakagulo ang mga tao sa loob ng emergency room. Sandali pa at naririnig niya ang boses ng kanyang Kuya Timothy sa labas.

Sumilip siya sa glass panel upang alamin kung ang kapatid nga ang nasa labas. Pahangos itong sumusugod sa emergency room subalit hindi ito pinayagang makapasok. Pinakiusapan rin ito ng mga hospital staffs na kumalma.

Subalit sino ang magagawang kumalma sa ganoong sitwasyon. Napahagulhol nalang siya habang ang kapatid ay dalawang kamay na nakahawak sa rectangular glass panel window at humahagulhol habang sinisilip ang katawan niya na nasa loob ng emergency room. Gusto niya itong payapain pero paano?

Tarantang nilapitan niya ang doctor. "Doc, tulungan niyo po ako. Buhayin niyo ako, parang awa niyo na."

Alam niyang hindi siya naririnig nito pero gusto pa din niyang magbakasakaling maramdaman nito ang presensiya niya.

Patuloy sa ginagawa ang doctor. Pawisan na ito pero hindi pa din tumitigil. Sa isang bahagi ng ospital ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang krus na may imahe ni Jesus na nakapako roon. Taimtim na nanalangin siya. Alam niyang walang imposible para sa diyos.

"Diosko, gusto kong itanong kung bakit ako?" Lumuluhang sambit niya habang matamang nakatingin sa krus. "Pero hindi na po mahalaga iyon. Ayoko na pong magtanong ng bakit. Alam ko naman po kasing may dahilan. Gusto ko nalang pong gawin ay humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Lahat-lahat po. Nakikiusap ako, isa pa pong pagkakataon na mabuhay ako. Isa pa po at magiging mas mabuting tao na po ako. Kung kinakailangan kong mag-charity work buong buhay ko, gagawin ko po, wag Niyo lang po muna akong kunin. Kailangan pa po ako ni Kuya. Ayoko siyang iwan na mag-isa. Hindi pa ngayon. Huwag po muna ngayon."

Muli siyang bumaling sa glass panel. Nilapitan niya ang kapatid na hilam pa din ang mga mata sa luha. Umakma siyang hahawakan ang glass panel subalit tumagos ang kamay niya roon. Kaluluwa na nga pala siya. Tuluyan na siyang tumagos sa pader upang mas malapitan ang kapatid.

"Kuya..." Umiiyak na sambit niya.

"Huwag mo akong iwan, Scylla. Ikaw nalang ang meron ako. Wala na sina Mom at Dad, pati ba naman ikaw, iiwan ako?" puno ng paghihinagpis na sambit nito sa sarili. "Kasalanan ko ito. Hindi nalang sana kita binilhan ng kotse. Sana, pinagpatuloy ko nalang ang paglalaan ng oras para sunduin at ihatid ka. Sa pagpopokus ko ng oras ko sa trabaho, pinabayaan kita. Wala ka sana sa ganitong sitwasyon kung inalagaan kita ng maayos."

Dagling umiling si Scylla. Awang-awa siya sa kapatid.

"No, kuya! Hindi totoo iyan. Wag mong sisihin aang sarili mo. You were the best kuya in the world. Hindi ka nagkulang sa akin."

Isinuntok nito ang kamao sa konkretong dingding ng emergency room ng maraming ulit, hanggang sa dumugo na ang mga bukung-bukung noon. Sinubukan niyang pigilan ang kapatid subalit tumagos lang siya rito. Hindi niya ito mahawakan. Napaiyak na naman siya. Hindi niya mahawakan ang kapatid at ma-comfort sa pagdadalamhati nito. Hindi niya maiparamdam rito ang simpatya niya. Hindi niya masabing hindi nito dapat sisihin ang sarili dahil sa nangyari.

"Sir?" Isang tinig mula sa kanyang likuran.

Dagling bumaling roon si Kuya Timothy. Ito ang doctor na umiistima sa kanya.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Si..." Tumingin ito sa record na hawak ng nurse na nasa tabi nito. "Ms. Scylla Aeka Montealto?"

"Yes Doc." Padaluhong na lumapit rito ang kuya niya. "Kapatid ko po siya. Kuya niya ako."

Huminga ng malalim ang doctor bago muling bumaling kay Kuya Timothy.

"The patient was in coma..."

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now