BOOK 2- Chapter 43

Magsimula sa umpisa
                                    

Lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Kinwelyuhan niya ako at naka-amba na ang kanyang kamao. "Alam ko nandiyan siya. Ganyan ka ba talaga lumaban? Bakit? Gagamitin mo ang pagkakataon na 'to para makuha siya sakin? Tandaan mo, ako ang mahal niya."

Ngumisi ako. "Dahil sa pagmamahal niya sayo, lalo siyang nasasaktan."

Lumapat na ang kanyang kamao sa mukha ko. Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Muli niya akong sinuntok pero hindi ako lalaban. Nagagalit siya dahil totoo ang mga sinabi ko. At nagkakamali siya, hindi ko gagamitin ang pagkakataong ito para makuha si Gibrielle dahil alam kong hindi siya kailanman mapapasaakin. Ayoko lang siyang iwan ngayon at masaktan.

"Wala kang alam!" Aniya.

"Oo, wala akong alam!" Sigaw ko rin. "Ang tanging alam ko lang ay sobra sobrang nasasaktan si Gibrielle ngayon. Kung ako lang ang masusunod, sana nga nandito siya at hinding hindi ko siya ibabalik sayo!"

Alam ko katangahan ang ginagawa ko. Alam ko magagalit si Gibrielle sa akin. Pero hangga't nasasaktan siya, masasaktan rin ako. At hinding hindi ko hahayaan na makita siyang masaktan nang dahil kay Damon. Nagparaya ako dahil alam kong sasaya siya sa kanya. Pero ngayong nakita kong sinaktan niya ang babaeng mahal ko, hindi ko palalagpasin iyon.

"Huwag mo akong pinaglololoko, Reige. Alam ko nandiyan siya. Ilabas mo siya! Lumaban ka ng patas!" Sigaw pa rin niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang kumukwelyo sa akin at tinulak siya. "Wala siya rito! At ito ang tatandaan mo, Damon, hindi ako lumaban sayo noon dahil alam kong talo ako. Ikaw ang mahal niya. Pero ngayong sinasaktan mo siya, lalaban na ako. Patas man o hindi."

Sinara ko na ang gate at iniwan siya doon. Nakita ko si mama na nasa hagdanan. Nagkatitigan kami. Alam ko na ang sasabihin niya pero hindi ko siya susundin ngayon. Hindi ko hahayaan na masaktan ang babaeng mahal ko.

Nilagpasan ko na si mama at bumalik sa kwarto ni Gibrielle. Sinalat ko muli ang kanyang noo. Mainit pa rin siya. Wala na akong magagawa kundi ang gisingin siya.

"Gibrielle..." Hinaplos ko ang kanyang noo. "Gibrielle, wake up. Kailangan mo uminom ng gamot."

Nanginginig pa rin siya. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lumapit ako sa bintana at sinilip kung nandun pa si Damon. Nakaupo siya sa tapat ng gate at sinusuntok ang bato. Kasalanan mo 'yan, Damon.

Binalikan ko si Gibrielle at sinubukang gisingin ulit. Luckily, nagmulat na siya. Inabot ko agad ang gamot sa kanya para inumin iyon. Pero hindi gamot ang pinansin niya. Dahan dahan niyang inabot ang mukha ko. Kahit pala lampshade lang ang ilaw namin ay napansin pa niya.

"Si Damon ba?" Nanghihina niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. "Inumin mo 'to, Gibrielle. Ang taas ng lagnat mo."

"Tama ako, diba?" Tanong niya ulit.

Nilingon ko na siya. "Don't mind me."

"I'm sorry..."

Ngumiti ako. "Tatanggapin ko ang sorry mo basta inumin mo na 'to. Nag-aalala ako sayo."

Dahan dahan siyang tumango. Inalalayan ko siyang makaupo. Ininom na niya ang gamot at inabot ko ang tubig. Nakatitig lang ako sa hinang-hina niyang mukha. I've never seen her like this. Hindi lang sakit sa pakiramdam ang nararamdaman niya kundi pati sakit sa puso. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Muli ko siyang hiniga at umupo sa kanyang tabi. "Nasa labas si Damon," sabi ko. Napalingon siya sakin pagkasabi ko nun. "But I didn't tell him you're here... I'm sorry."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon