"Susubukan ko ma. Hangga't kaya ko. Pero ma, kung mawawala ako.."

"Walang mawawala."

"Gusto kong walang iiyak sa burol o libing ko. Kasi ma, kung mamatay man ako. Magiging masaya na ko kasi di na ko maghihirap." Sabi ni Julie.

Hindi na sumagot si Marivic. Niyakap lang nya si Julie at tumabi dito sa higaan.

"Julie.." Tawag ni Justine sa kapatid. Iniwan nya ang career nya sa Pilipinas para sa kapatid nya.

"K..kuya." Hinang hinang sabi ni Julie at pilit na ngumiti.

Umalis si Marivic sa tabi ni Julie at pumalit naman si Justine.

"How'd you feel?" Tanong ni Justine sa kapatid.

Nag thumbs up si Julie. "Ayos lang. Ayos na ayos."

Ngumiti naman si Justine. "That's my girl." Sabi ni Justine at humiga sa tabi nito.

"Kuya.."

"Hmm?"

"Galit ka ba sakin?" Malungkot na tanong ni Julie.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Kasi hindi kita sinunod. Hindi ko inabort ang baby."

"Of course, hindi. Anak mo yan eh, pamangkin ko yan. Natakot lang talaga si Kuya. Takot kasi ako bunso na mawala ka sakin. Saamin nila Dad. Ikaw ang prinsesa namin eh."

Yumakap dito si Julie. "I love you Kuya. Thanks for staying with me here."

"Even if everyone left. I will stay with you. Because I am your Kuya. I am your protector and I am your forever partner slash bestfriend." Sabi ni Justine.

"And by just thinking na mawawala ka sakin. Pakiramdam ko para na kong pinapatay. That's how much I love you, baby. Kaya lumaban ka ha. Lalaban tayo. Aawayin ko lahat ng cancer cells mo. Papagalitan ko silang lahat para matakot na at umalis na sa katawan mo." Sabi ni Justine.

Naiiyak sya pero pinipigilan nya. Kailangan nya maging malakas para sa kapatid nya. Dahil wala si Elmo. Wala na si Elmo sa buhay nila.

At kung mabubuhay man si Julie at ang bata. Sisiguraduhin ni Justine na hinding hindi na ito makakabalik pa sa buhay ni Julie anuman ang rason nito.

Pinutol ni Justine lahat ng koneksyon ni Julie kay Elmo. Hindi nya kagustuhan pero kagustuhan din ni Julie.

Pagkarating nila ng U.S ay ilang gabi, araw o maging buwan na naririnig ni Justine ang mga hikbi ng nakababatang kapatid. Doon nya lubos na naintindihan kung ano ang pinagdadaanan nito.

Kung gaano kasakit ang iniwan ni Elmo sa puso nya.

"I'll try, Kuya. I'll fight. San Jose ko eh." Nakangiting sabi ni Julie.

"Yeah. San Jose ka. That's why you can do it."

Hinintay muna ni Justine makatulog si Julie bago ito lumabas.

Pagkarinig ni Julie ng sara sa pinto ay agad itong nagmulat ng mata.

Sobrang sakit ng katawan nya. Madampian lang sya ng kung ano sa balat ay sobrang hapdi na.

Kinagat nya ang unan at impit na sumigaw sa sobrang sakit.

Pagod na ko..

Naalala nanaman nya ang pinagdaanan nya nang umalis sila ng Pilipinas.

Flashback  :

Nasa airport sila non, ilang araw bago sya na diagnosed na may Leukemia.

Law of LoveWhere stories live. Discover now