Gayong ni rason kung bakit nya kailangan umalis ay walang iniwan si Elmo.

"Julie will push through. She's a strong woman."

"Sa ngayon. Sa ngayon, Maxene. Paano pag nalaman nya na kailangan nyang i abort ang baby para makapagpagamot sya?"

Natahimik si Maxene. Galit na galit sya kay Elmo sa ginawa nito pero wala syang magawa.

"Dadalhin ko si Julie sa U.S Maxene." Biglaang desisyon ni Justine.

"A..ano? Paano kung bumalik si Moe?"

"Hindi na sya babalik. Wala ng babalik, Maxene. He left my sister hanging. Hindi ko sya mapapatawad pag may nangyaring masama kay Julie."

Hinagod nalang ni Maxene ang likod ni Justine.

--

"Naipaliwanag nyo na po ba?" Tanong ni Justine sa daddy nya.

"Ayaw nya ipa abort ang bata. Titiisin na raw muna nyang maipanganak ang baby bago sya magpagamot." Paliwanag ni Jonathan sa anak na lalaki.

"Pwede ba yon dad? Oras ang kalaban natin dito!" Justine said hysterically.

"Alam ko. Alam ko. Pero ano ang magagawa ko? Hindi ko kayang nakikitang iyak ng iyak ang anak ko. Sobrang sakit para sakin ang masaksihan ang pinagdadanaan nya." Umiiyak na sabi ni Jonathan 

"Dad. Kailangan maiabort ang baby. Daddy stage three na si Jules. Three dad. Traydor ang sakit nya. In any day, in any minute. Pwede..pwede nya tayong iwan."

"May naisip ka na bang paraan?" Tanong ni Jonathan.

"Ba..bakit hindi tayo pumunta ng U.S para sa medication ni Jules? Siguradong kayang kaya nyang gumaling don."

"E kung bumalik si Elmo? Paano nya mahahanap ang kapatid mo?"

"Iniwan na nya ang kapatid ko, Dad. Tingin mo babalik pa sya?"

"Hindi ko alam, anak. Basta ang alam ko lang, natatakot ako para sa sitwasyon ng kapatid mo."

--

"MA!!! SOBRANG SAKIT!" Iyak ni Julie. Parang tinutusok sya ng napakaraming karayom sa sobrang sakit ng nararamdaman nya.

Naluluhang lumapit si Marivic sakanya at hinagod ang likod nya. "Anak. Andito ang mama. Saan masakit anak?" Tanong pa nito.

Niyakap lang nya si Julie at sinuklay ang buhok nito. Nagulat nalang si Marivic nang makita ang hibla ng buhok ni Julie na nasa kamay nya.

Napaiyak na sya ng tuluyan. "Anak. Kaya mo 'yan. Okay. Konti nalang anak." Sabi ni Marivic.

"Ma. Hindi ko na kaya. Napapagod na ko." Pagod na sambit ni Julie.

Apat na buwan na syang lumalaban. Oo, hindi nya pinaabort ang anak nya. Nandito sila sa U.S. Si Elmo? Wala pa rin silang balita. Hindi na rin umaasa si Julie na babalik pa ito. Kung babalik man sya, ay ipapamukha sakanya ni Julie na kaya nya. Kaya na nyang wala sya.

"Pero anak.."

"Ma kung mamatay man ako, kasama ko ang anak ko."

"Shhh. Don't say that. Walang mamamatay. Walang mamamatay." Sambit ni Marivic.

"Ma.."

"Lalaban tayo, Julie. Ipangako mo sakin na lalaban ka anak. Kasi di kakayanin ni Mommy na wala ka. Hindi kakayanin ni Dad at ni Kuya."

Umiyak si Julie sa sinabi ng mama nya. Ang hirap pala na gusto mo ng sumuko pero ang mga tao sa paligid mo ay lumalaban para sa'yo.

"Sabay pa tayo pupunta ng mall para bilhan ng gamit ang apo ko. Ang baby mo. Mag popost pa tayo sa FB ng evolution of beauty. Anak please fight. Lumaban ka, please." Iyak ni Marivic sa anak.

Law of LoveWhere stories live. Discover now