"Love you too!" Julie said the  hang up her phone.

She immediately smile. Maayos na lahat. Okay na sila ni Maqui, okay na ang pamilya nila ni Elmo at okay na sila JL at Nash. Ang hindi nalang okay na hanggang ngayon ay iniisip nya..si Dana.

"Hindi naman siguro."  Bulong nya sa sarili nya.

Kung ano ano kasi pumapasok sa isip nya nang malaman nyang bumalik ito. Iniwan nya si Elmo at base sa mga kwento ni Elmo ay talagang minahal nya ito at umabot pa sa puntong kaya ni Elmo isuko ang lahat kahit ang pamilya nya mismo para sa babae.

Move on na ba talaga sya kay Dana?

Ay tanga, Julie. Yayayain ka ba non magpakasal kung hindi pa sya move on? Para nyang tinali ang sarili nya sa bagay na ayaw nya kung hindi.

Napailing nalang si Julie sa mga iniisip nya. Hindi nya kailangan bumase sa nakaraan ni Elmo at ni Dana dahil kahit minsan naman ay hindi sakanya pinaramdam ni Elmo na hindi pa sya move on sa babae. Hindi ito pumapalya ipakita at iparamdam sakanya kung gaano sya nito kamahal. Saksi halos ang lahat ng tao sa mga ginawa ni Elmo para sakanya.

Calling Babe 💙

Napangiti agad sya nang lumabas sa screen nya ang caller id ni Elmo.

Agad nya itong sinagot.

"Nagtext ako di ka nagreply." Bungad nito.

"Wala man lang hi?"

"Hi."

Napairap nalang si Julie. O.a talaga kahit kailan ang boyfriend nya.

"I was talking to Maqui. Sorry di ko nabasa agad."

"Talaga? Okay na kayo?"

"Yes. Pupunta nga sya dito mamaya eh. Napatawag ka?"

"Hindi na ko makatagal sa condo ko, babe. Please take me back!" Pag iinarte nito.

"Maarte. Hello. Apat na araw nalang ikakasal na tayo at lilipat na tayo sa Woodville. Kahit ikadena mo pa ko sa'yo don. Ayos lang. Konting tiis nalang."

"Babe. Mamamatay ako dito. You're my oxygen." Banat pa nito.

"Mga banat mo rin, uy! Bahala ka nga. Sige pumunta ka dito, pag nakita ka ni Daddy. Call off ang wedding natin." Pananakot nya at umayos pa ng upo.

Nanonood kasi sya ng UAAP Women's volleyball.

"E di itatanan kita."

"At tingin mo papayag ako? Uror."

"E di bubuntisin nalang kita!" Namula naman ang mukha ni Julie sa mga sinasabi ng boyfriend nya.

"Ang landi mo talaga. Siguro noong bata ka, noong nagpasabog ng kalandian, isang drum hawak mo no?" Sabi nya na natatawa.

"Alam ko naman na gusto mo na nilalandi kita. Kunwari ka pa!"

"Ay ewan! Sige na. Nanonood ako ng UAAP. Naiistorbo mo ang date ko with Ara Galang my loves so sweet."

"Baaaabe!"

"Aish, Elmo. Subukan mo pumunta dito, puputulin ko kinabukasan mo!"

"Paano kita paliligayahin kung puputulin mo? Utak, Julie Anne please."

"Ang bastos mo, Attorney!"

"Just the way you like it, Attorney." Pang aasar pa ni Elmo.

"Just the way I like it? Seryoso ka ba?"

"Hahaha. Sige na. Naiinis ka na ata. Natuturn on pa naman ako pag naiinis ka."

"Elmo isa." Saway nya dito.

"Oo nga. Totoo. Bahala ka, pag nagsungit ka makipag date ako kay Magic Hands." Sabi nito.

"Puro kalibugan nalang ba sasabihin mo? Sige na. Babye na! Utak mo nga please, de lumot!"

"I love you, Magalona." Sabi nito. Napangiti naman si Julie.

"Magalona? Ako?" Tanong ni Julie.

"Oo ikaw. Mrs Magalona."

"I love you too, Magalona. Wag pasaway, kumain ka sa oras okay?"

"Yeah yeah. Fine." Sabi nito kaya pinatay na ni Julie ang tawag.

--

Napagpasyahan ni Julie na pumunta muna ng mall para bumili ng mga gamit nya na pang personal hygiene.

Habang kumakain sya sa Shakey's ay naisipan nyang pumunta sa FMCC. Kilala naman na sya ng branch head dito.

"Hi." Bati nya kay Ellen.

"Hi Mam Julie. May kailangan po sila?"

"Ah wala naman. Naisipan ko lang dumaan dito. Kumusta?" Tanong nya.

"Ayos lang po, Maam. Kayo po. Naku binalita po samin ni Sir Frank na ang possesive at higpit daw po ng asawa nyo." Napangiti nalang si Julie.

Naagaw ng pansin nya ang babaeng kanina pa tingin ng tingin sakanya.

Naka dress ito ng dirty white at nakaflat shoes. Nakatali din ang buhok at hindi naman katangkaran.

"Kilala nyo po?" Tanong ni Ellen.

"Ah hindi." Sabi naman nya at pinagmasdan pa ang babae na kasalukuyang nagtitingin ng dogtags.

"Kumusta naman po, Ma'am ang buhay may asawa?"

"Naku Ellen. Napakatigas ng ulo ni Elmo. Kung alam mo lang." Sabi nya at napahawak pa sa noo.

Napatawa naman si Ellen. "Talaga po?Ayos din pala si Sir Elmo hahaha. Akala ko po dati masungit yon eh."

"Hmm hindi naman. Kasi mas masungit ako sakanya. Pero sakanya lang ha. Hahahaha." Sabi ni Julie.

"By the way, I bought you some food for your lunch. Ang dami kasi ata ng customers ngayon sa FMCC." Sabi ni Julie at nilapag sa lamesa ang pagkain.

"Salamat, Maam. Ang swerte po talaga ni Sir Elmo sainyo."

"Mas maswerte ko sa asawa ko, 'len."

Ngumiti lang naman si Ellen.

"Customer, Len oh. Assist mo sya. May hinahanap ata sya eh." Sabi ni Julie.

Nilapitan naman ni Ellen ang babae. "Excuse me, Ma'am. Ano po hanap nila?"

"A..ah ano. Naghahanap k..kasi ako ng.. ng dogtag.."

"Eto po Maam. Man from Manila dogtag. Maganda po ito."

"Ah.. s..sige." sabi nito at kinuha yon. Dumiretso din ito sa counter kung saan nakatayo si Julie.

Tinignan naman ito ni Julie dahil pasimple itong sumusulyap sakanya.

"Ahmm. Excuse me? Nagkakilala na ba tayo?"

Napayuko naman ang babae. "H..hindi."

"Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sakin. Akala ko kilala mo ko. By the way, I'm Julie Anne. Asawa ako ng anak ng may ari nito."

"A..asawa?" Namumutlang tanong nito.

Sumingit naman si Ellen. "Asawa po sya ni Sir Elmo Magalona." Sabi nito na nakangiti.

Parang binuhusan naman ng mainit ng tubig ang babae. "Ikaw, ano pangalan mo?" Tanong ni Julie.

"D..dana.."

--

To be continued...

Law of LoveWhere stories live. Discover now