Dumiretso sila sa sink para linisin ang laylayan ng dress ni Julie nang magsalita ang dalaga.

"Moe?"

"Hmm?" Sabi nito.

"Ano yung napag usapan nyo ni Kuya? Alam ko nag usap kayo eh. Is it about the girl at FMCC? Is it Dana?"

Agad napatigil si Elmo at tinignan ang dalaga. "Babe.."

"Sya ba yon?"

Umiling si Elmo. "Hindi daw. Akala ko nga din sya eh. Yung babae daw ata, naka one night stand ni Kuya. E feeling ata girlfriend na sya." Natatawang sabi pa nito.

Marahang tumango naman si Julie. "S..sorry." Paghingi nya ng paumanhin.

"Okay lang. Pero promise ko sayo, attorney. Hindi naman manggugulo yung si Dana eh. Puputi muna ang uwak bago mangyari yon ha? Wag ka na mag isip." Sabi ni Elmo at hinalikan pa sya sa noo.

"Promise we're gonna be transparent to each other?" Tanong ni Julie.

"Yes, attorney. Only the truth and nothing but the truth." Sabi pa ni Elmo na ikinatawa ni Julie.

"I hereby declare, Elmo Moses Magalona, not guilty." Natatawang sabi naman ni Julie at yumakap dito.

"I love you babe." Dagdag pa nya.

"I love you more, love."

Mariing napapikit naman si Elmo. Abogado talaga ang misis nya, alam na alam sya nito basahin. Psychology has something to do with Law.

--

"Maq." Julie muttered when Maqui picked up her phone.

"Jules?"

"Yeah. Maq, I just want to say Im sorry for how I reacted days ago. Honestly, I wasn't thinking that time. Hindi ko talaga alam ano ang pumasok sa isip ko why I decided to go to Spain. Maq believ--" She tried to explain but Maqui cutted her off.

"It's alright now, Julie. Wag ka na mag explain. Nagtampo lang talaga ako kasi pabigla bigla ka."

"Sure ka ha? Baka kasi may tampo ka pa. Ayoko naman na pilitin ka agad--"

"Japs. It's alright..really. By the way, invited ba ako sa kasal mo?"

Napakunot naman ang noo ni Julie. Does she know?

"What?"

"Sabi ko, invited ba ako sa kasal nyo ni Elmo?"

"Paano mo alam?"

"Sinabi saakin ng jowa mo noong nagkita kami after the incident between you and Leah sa OSA."

Napangiti naman si Julie. Elmo never fails to amaze her every single day. "Yeah of course, invited ka. Kaya nga ako tumawag sayo kasi gusto ko na magkaayos na tayo para naman makapunta ka sa kasal namin."

"Awww. Ang sweet. Ang mortal enemy mo, ngayon magiging hubby mo na."

"Oo nga eh." Sang ayon naman nya.

"Sige na. Natatae ako eh. Punta nalang ako sa condo mo mamaya. Ay teka. Nandyan ba si Mokong?"

"Ha? Wala. Pinauwi ko muna kasi baka dumaan si Dad dito. E sabi non, wag muna kami magsama ni Elmo hangga't hindi pa kami kasal." Paliwanag ni Julie 

"Ah. Tama naman. Sige ah. Punta ko dyan later."

"Dala ka ng Pizza please?"

"Okay sige. Yun lang?"

"Dagdagan mo na ng ice cream tsaka konting bilis."

"Langya ka. Ikaw nalang magpapalibre, nangungundisyon ka pa."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon