"Sorry, babe. Dapat di ka nalang uminom kagabi." Pagpapaumanhin ni Elmo habang inaakay si Julie sa banyo.

Umiling naman ito. "Not your fault. Kaya ko na dito. Igawa mo nalang ako ng coffee, ayoko din kumain."

"S..sure ka?"

Tumango naman si Julie. Pagkalabas ni Elmo ng banyo ay tila pinarurusahan sya sa dami ng kanyang sinuka.

"Deymn. Di na talaga ako iinom." Mahinang sabi nya.

Nang matiyak nya na naisuka na nya lahat ay dumiretso sya sa sink at kinuha ang toothbrush nya. Nandidiri sya sa bibig nya dahil nga kakasuka lang nya.

"Love? Okay ka na?" Tanong ni Elmo. Nagmumog sya saglit.

"Wait lang!" She yelled at pinunasan ang bibig pagkatapos.

Lumabas sya ng banyo at dumiretso sa kusina.

"Moe? Have you seen my phone?" Tanong ni Julie kay Elmo na nagkakape.

"Ha? Wala sa bed side table?"

"Wala eh." Iritang sabi ni Julie. Ang kalat pa naman ng condo nya ngayon.

"Oh easy. Hanapin natin. Magkape ka muna." Sabi ni Elmo kay Julie.

"Saan ko kaya nilagay yon?" Mahinang sabi ni Julie habang iniisip kung saan nya ibinaba ang telepono nya.

"Hindi na ko nagluto ah. Ayaw mo naman kumain eh."

"Ayoko talaga kumain pag nakainom ako. Isusuka ko lang ulit."

Natawa naman si Elmo. "Alright." Sabi ni Elmo.

"Nakakaasar. Ngayon pa nawala ang cellphone ko."

"Hanapin ko na kaya?" Tanong ni Elmo.

"Mamaya na. Pag naglinis tayo lalabas din yon." Sabi ni Julie at nag umpisa ng magkape.

"Nga pala. May nakausap na daw si Mama na judge. Kahit next week daw pwede na tayo ikasal don." Sabi ni Elmo kay Julie.

Napaisip naman si Julie. "Next week? E next week ang graduation ah?"

"Yeah. Next week, monday. Ang graduation. We can go to the judge on wednesday if that's okay with you. Sorry ha. Civil lang muna kasal natin."
"It's alright. Ang mahalaga, madala ko na apelyido mo." Nakangising sabi ni Julie.

"I will call Daddy Nathan and Kuya Justine later to inform him about sa kasal. Yung damit naman daw sabi ni Mommy, color white na formal dress lang e okay na. Tapos yung reception, magpapareserve na ko sa resto. Yun ang first plan ko."

Tumango tango naman si Julie. "O sige. Sabihan ko din si Maqui. Hanggang ngayon kasi di pa rin kami nag uusap. Ayoko naman mawala sya sa kasal ko. Tsaka hindi pa nya alam na ikakasal ako no."

"Nakausap ko si Maqui kahapon. Hinahanap ka nga nya eh."

"Hinahanap!? Talaga!?" Gulat na gulat na tanong ni Julie. Ang buong akala nya ay sinapian na ito ng masamang espiritu at hindi na sya kailanman hahanapin eh.

"Oo. Kahapon sa school. Hindi ko alam kung bakit eh." Kunwaring sabi ni Elmo. Pero ang totoo ay alam na ni Maqui na ikakasal sila.

"Babe. Pwede patawag? Tawagan ko lang si Maqui."

"Ha? Mamaya na. Lowbat ako eh." Pagdadahilan ni Elmo. 

"Aish. Sige na nga. Saglitin nalang natin sa Adilet mamaya. Panigurado nandon yon."

"Ayaw mo ba mag mall? Para sa damit mo?"

"Damit ko?"

Tumango tango si Elmo. "Sa kasal natin."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon