BOOK 2- Chapter 38

929 14 1
                                    

CHAPTER 38

"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? O kailangan mo ako dahil mahal mo ako?"




Inintertwine ko ang kamay ko sa kamay ni Damon na nakayakap sa tiyan ko. Nanonood kami ng isang horror movie at mamaya ay romcom naman. And yes, magmo-movie marathon kaming dalawa. Umorder pa siya ng pizza at kumuha ng mga pagkain sa baba dahil dito. After namin manood ay tatawag kami sa Pilipinas at kakamustahin sila doon.

"Kung ikaw, bubuhayin mo din ba ako gaya ng ginawa ni Frank kay Zoe?" Tanong ko kay Damon habang nakahawak pa rin sa kamay niya.

"Hindi..."

Napaharap ako sa kanya. "Ano?"

"Kasi naman ayokong maging kagaya ka ni Zoe na papatay ng tao o mababaliw ng ganun. I would rather die with you than see you hurting everyone." Hinalikan niya ako sa noo.

Napangiti ako.

"Bakit nakangiti ka lang?" Tanong niya.

"'Yang mga hirit mo kasi..." Tumawa ako.

"Hirit? Totoo 'yon!"

Tinawanan ko na lang siya.

Napapasigaw ako sa gulat nang dahil sa palabas na 'to samantalang si Damon parang walang pakiramdam. Ni hindi siya nagugulat o natatakot. Kung minsan, kapag alam niyang nakakagulat ang susunod na scene, siya mismo ang sisigaw at manggugulat sa akin. Kung may sakit lang ako sa puso, patay na ako kanina pa.

"Wala namang nakakatakot!" Sabi niya.

"Wala daw! Tapos ikaw gagatungan mo pa pagiging magugulatin ko!" Inirapan ko siya.

"Ang cute mo kasi panoorin magulat at matakot, bhie."

"So, ako lang pala pinapanood mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo..." Tawa niya.

"Ewan ko sayo..."

Natahimik kami bigla. Nilingon ko siya at binasa ang mga mata. Nakikipagtitigan din siya sa akin. Sa bawat titig niya sa akin, palagi niyang pinaparating sa akin na ako lang ang babaeng mahal niya, minamahal, at mamahalin. At sa lahat ng titig niya, hinding hindi ako magsasawa.

Tandang tanda ko pa kung paano kami unang magkita. Ni hindi ko inisip na parang storya sa libro ang magiging love story ko. Pero hinding hindi ako magsasawa na magpasalamat na kay Damon ko ishe-share ang love story ko.

"Okay lang naman kasi magpakita ng tunay na nararamdaman." Sabi ko.

"Hangga't kaya ko, gusto kong pigilan. Hangga't kaya ko, ayokong mag-isip ng masama."

Niyakap ko siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at ang paghigpit ng kanyang yakap.

"Just promise me, hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari." Aniya.

"Walang dahilan para iwan kita..."

"I love you, Gibrielle..." Hinalikan niya ulit ang ulo ko.

"I love you, too." Nagkatitigan kami saka naistorbo ng isang katok.

Biglang sinubsob ni Damon ang kanyang mukha sa leeg ko. "Walang tao, tulog." Bulong niya kaya nakiliti ako.

"Anong walang tao pero may tulog?" Tawa ko.

"Basta." Tawa rin niya.

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. "Sandali, Damon! May kumakatok e!" Sabi ko.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Where stories live. Discover now