"Narinig ko! Narinig ko ang usapan nyo nila JL! Ang sabi mo boyfriend ni Julie si Justine!"

"Tangina mo ka. Nakakalalaki ka na ah!" Singit ni JL.

Lumingon naman si Elmo kay Julie na umiiyak. "Umalis nga muna kayo! Alis!"

"Ipagtatanggol mo pa yan!? Akala mo ka santo! E isa ka rin sa sumira kay Julie Anne!" Sigaw pa ni Leah.

"Tangina mo talaga. Hindi ka talaga lulubay!?" Sigaw naman ni Nash.

"TAMA NA! TUMIGIL NA KAYO!" Sabi ni Julie at umalis na sa crowd.

Agad naman syang sinundan ni Elmo. 
"Julie." Pigil ni Elmo sakanya pero hinarap sya ni Julie.

"Totoo ba?"

"Na ano?"

Pinunsan ni Julie ang luhang nanggaling sa mata nya. "Totoo ba na inisip mo na kami ni Kuya Justine?"

Nagulat si Elmo sa tanong ni Julie. "TOTOO BA!?" Sigaw nito habang umiiyak.

"J..julie" Sabi nito at bumuntong hininga at mahinang tumango. "Oo." Halos pabulong nyang sabi.

Na siyang mas lalong dumurog kay Julie. "Ikaw ba may gawa non?"

"Hindi!"

"Kung hindi ikaw. Sino!? Ha!? Yung mga pictures! Yun yung time na bago pa maging tayo! Magsabi ka nga ng totoo! Kaya mo ba ginustong maging tayo dahil gusto mong pabagsakin ako!?"

Nasasaktan si Elmo sa nakikita nya at mas lalo sya nasaktan sa sinabi ni Julie.

"Hindi. Julie. Hindi ko gagawin yon. Oo, inisip ko na kayo ni Justine. Kasi hindi ko alam, Jules. Hindi ko alam na magkapatid kayo. Wala akong kinalaman don."

*Pak

Sinampal sya ni Julie. "Tapos na tayo. Salamat ha? You won. Nasira mo ko." Sabi ni Julie at umalis na.

Ganon lang kabilis? Isip isip ni Elmo. Hindi sya papayag. Kailangan nya patunayan kay Julie na malinis ang kunsensya nya at sisiguraduhin nya na magbabayad ang may gawa non kay Julie.

Nakita nya ang dalaga na dali daling sumakay sa kotse nito at pinaharurot ang sasakyan.

Nananalangin naman si Elmo na sana walang mangyaring hindi maganda kay Julie.

He tried calling Julie pero hindi ito sumasagot. Kaya binuntutan nya ang kotse nito.

Sunod sunod syang bumusina para pahintuin si Julie pero hindi ito humihinto nasa 100 kph na ang takbo ng kotse nya at malayo pa rin si Julie. Sa tingin nya ay mas mataas pa sa 100 kph ang takbo ng sasakyan nito. Kaya napagdesisyonan nyang bagalan na ang kotse nya dahil habang nakikita sya nito na humahabol ay mas lalo lang nitong pinapaharurot ang sasakyan.

Nag plaser sya sa right side para mag shoulder. He tried calling Nash.

Dialling Nash

"Dude? Are you okay? Si Jules?" Napahilamos sa mukha si Elmo.

"Yung mga pictures? Nalinis nyo na ba?" Not minding Nash' question.

"Nililinis na ni JL. Nasaan ka?"

"I tried following her, Nash. Pero hindi ko nahabol." Frustrated na sabi nya. Ayaw na nya. Ayaw nyang may mawala nanamang mahal nya sakanya.

"Ha? Asaan ka exactly? Pupuntahan kita." Sabi nito

"Wag na. Kaya ko to. Pupunta ko sa condo nya mamaya. Kumusta d'yan? Lumamig na ba?"

"Hindi dude. Usap usapan pa din si Julie dito sa university. Hindi na nga namin alam paano pa pipigilan yung pagkalat ng balita. Napapaaway na rin kami ni JL dahil sa mga sinasabi ng mga tao about sakanya."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon