"Uubusin lang yang dextrose mo. Tapos isa pa. Baka mamayang gabi. Makakalabas ka na rin."

"Good. Ayoko kasi dito." Sabi ni Julie at luminga linga pa sa paligid.

"Not too fast, babe. You have to stay here. Yon ang sabi ng doktor mo. Kaya wag na matigas ang ulo." Sabi nito at umupo ulit sa katabing upuan ng kama ni Julie.

"Yung bills. Uwi ka sa bahay. Nandon yung wallet ko sa drawer sa kwarto." Utos ni Julie kay Moe.

"It's settled, honey. Okay na. Nabayaran ko na."

"Hah!? Sht. Nakakahiya. Hayaan mo, babayaran ko sayo pag uwi natin sa bahay." Nahihiyang sabi ni Julie. Kaya napatawa si Elmo.

"Babe. Calm down, it's alright. What's mine is yours too and what's yours is mine. Wag mo isipin yung pera. It's nothing." Sabi nito at hinawakan ang isang kamay ni Julie.

"E kahit na. Kasalanan ko na nga bakit ako naospital. Pinag alala kita. Tapos ngayon, ikaw pa nagbayad ng bills ko. Nakakahiya, babe."

"Tsk. Ganito nalang. Isipin mo nalang, ang kapalit nito. Pag kailangan ko ng tulong mo, nandito ka para sakin. Yun nalang." 

"E hindi ko ba talaga pwede bayaran?" Pangungulit nito.

"Hahaha. Hindi talaga babe. Ano ka ba. Wala nga yon." Sabi pa ni Elmo.

Julie never fails to amaze him. Sobrang bait pala nito. Akala nya kasi dati ay distant ito sa mga tao at hindi marunong makipag joke o maging playful and he is very lucky dahil nakikita nya ang side ni Julie na pasaway at makulit. Kabaligtaran ng una nyang pagkakakilala dito sa school.

"Nginingiti mo?" Tanong ni Julie.

"Nako Elmo ha. Ikaw kaya magpadoktor. Para kang baliw jan."

"Wala natutuwa lang ako."

"Natutuwa ka na nandito ako sa ospital!?" Pagsusungit ni Julie na nagpatawa nanaman kay Elmo.

"Hindi yon. Natutuwa ako kasi naalala ko dati na sobrang sungit mo. Yung tipong palapit pa lang ako sayo. Sinusungitan mo na ko. Tapos ngayon, nakikita ko ang kulit kulit mo." Sabi ni Elmo.

"E ikaw kasi non. Napakabwisit mo. Lagi mo ko inaasar tapos mas magaling ka pa sakin sa school. Sinong hindi maiinis don?"

"Julie. We're not in competition. Nasa real life tayo. Dapat hindi ka nakikipag compete saakin kasi magkakampi na tayo." Sabi naman ni Elmo.

"Talaga? Magkakampi na tayo? Tutulungan mo ko sa ibang hindi ko maintindihan sa law?"

"Oo naman. Tsaka may hindi ka ba naiintindihan don? Mahina ka lang sa communication. Hindi kasi matalim ang dila mo. Yun lang naman ang nakikita kong problema."

"E baka makasakit ako eh."

"Ganon talaga. You have to hurt someone para malaman mo ang totoo. Minsan kasi hangga't hindi nasasaktan ang isang tao, hindi ito mag oopen up sayo. What I mean is. Parte ito ng trabaho natin."

"You have to train me, Attorney Magalona." Sabi ni Julie na natatawa.

"Of course, I will. Kailangan gumraduate tayong dalawa na may flying colors at sisiguraduhin ko Attorney San Jose na pagtungtong mo sa korte? Pagpasok mo lang? Kikilabutan na silang lahat."

"Talaga? Gusto ko yon. Hahaha. So kelan ang start ng training ko?"

"Iniisip mo agad ang training? Magpagaling ka muna at hwag ka ng magpapasaway sa mga kinakain mo para tuloy tuloy tayo. Matigas kasi ulo mo e."

"Grabe ka naman. Matagal na rin kasi akong hindi nakakakain ng shrimp. Na excite ako kanina. Tapos yung gwapo ko pang boyfriend ang nagluto. Sino ba naman ang aayaw don?" Pambobola ni Julie kay Elmo. Baka sakaling lumusot.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon