Chapter 36 His Friends

1K 33 4
                                    

Rea's POV

"Ready?" Tanong ni Drake sa akin. Luluwas kami ng Maynila ngayon dahil wedding day daw ng pinakamamahal niya. Siguro talagang martyr itong taong 'to.

Sinong matinong tao na gustong makita na ikinakasal sa iba ang babaeng mahal niya, di ba? Siguro nagpasaksak ito ng isang galong anesthesia para maging manhid. 

Iniwasan ko siya maghapon dahil sa nabasa ko sa facebook. Paano naman kasi hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako at nagkunwaring walang alam, kasi sa part ni Drake hindi naman totoo iyon eh. Kunwari lang para mapaniwala niya mga kakilala niya na talagang mahal niya ako.

Nasa eroplano na kami at hindi ako mapakali. Takot nga kasi ako sa tutubing malaki.

"Drake...wala pa ba tayo?" Tanong ko habang nakapikit.

"Huh? Hindi pa nga tayo nakakalipad, e." Aniya.

Humigpit ang hawak ko sa upuan. Pakiramdam ko iduduwal ko ang isang kabang kanin na nakain ko sa loob ng isang buwan.

"L-lumilipad na ba tayo?" Pasimple kong tanong. Tinapunan niya ako ng masamang tingin pero wala akong pakealam. Takot ako ngayon at yun ang dapat kong pagtuonan ng pansin.

"May pakpak ba tayo? Tss." Aniya.

Naramdaman ko ang unti unting paggalaw ng eroplano, hudyat iyon na paalis na kami. Lalong humigpit ang hawak ko sa upuan sabay pikit.

"Lord, patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko at gagawin ko pa. Sorry Lord! Sorry sorry sorry!" Sigaw ko.

Hinila ko ang kamay niya at iyon ang pinanggigilan ko. Wala akong pakialam kung mabali man ang buto sa kamay niya! Nakakahilo kaya, feeling ko lalabas ang sikmura ko.

"Ayoko pang mamatay!" Sabi ko. Bahala na kung naririnig ako ng mga kasamang pasahero. Narinig ko ang tawa ni Drake na parang nag-e-enjoy sa nangyayari kaya sinapak ko siya.

Nakatingin ako sa kanya at natatawa pa rin siya. Pagsasabihan  ko sana kaso nakaramdam ako ng hilo. Napapikit ako ng mariin umiikot nag paningin ko. Habang nakapikit ako naramdaman ko ang pag-alalay ni Drake sa akin papunta sa balikat niya. Niyakap niya ang isang kamay sa aking bewang.

"Sleep. Mamaya nasa Manila na tayo." Kahit na takot ako ay humigpit ang yakap ko sa tiyan niya. Pumikit ako ng mariin hanggang sa bumibigay na ang aking mata.

Pagkalapag ng plane ay dumiretso kami sa isang five star hotel. Mukhang sosyal kasi sa harapan pa lang ay bongga na.

Nahihilo pa ako habang nakasandal sa puno malapit sa hotel. Alam ko namumutla ako ngayon, malamang nawalan ako dugo sa mukha.

"Takot talaga ako sa tutubing malaki." Nanghihinang sabi ko. Narinig ko naman ang tawa niya  sa aking gilid.

"Bagay nga ang pangalang tutubi sayo." Ngumuso siya habang nagningning ang mata. Umirap ako. Pasalamat siya at hindi pa ako maka get over sa hilo ko.

Nagpalinga linga ako habang siya naman ay abala sa pakikipag-usap sa receptionist. Malawak ang lobby ng hotel halos singlaki na ng buong barangay namin. Chos.

"Room for two, miss." Dinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang ang babae ay panay pa cute. Pasimple pa nitong nilagay sa likod ng tenga ang ilang takas na buhok saka kinagat ang labi niya.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng inis sa babaeng nasa harapan ko. Sarap sabunutan at ipakain sa buwaya.

"Okay, sir." Nag puppy eyes pa ang haliparot. Nagsikuan pa silang dalawa ng katabi niya at halatang kinikilig din.

The Best Pretending Roleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن