Chapter 28 Kiss

1.1K 36 18
                                    

Drake's POV

We kissed. Damn, we kissed. Really? Naestatwa ako habang magkadikit ang labi namin. Nanlaki ang mata ko maging siya. Tanging naririnig ko lang ang pagbayo ng aking puso na parang masakit at lalabas ng anumang oras. Si Rea? Nahalikan ko si Rea? Isa ba itong malaking joke?

Nang matauhan ako ay nabitawan ko siya dahilan para bumagsak na siya ng tuluyan sa sahig. Narinig ko siyang umungol, ako naman ay napatayo at napatingala sa buwan. Fuck. Shit. Damn. Lahat ng mura ay nasabi ko na. Bakit ganito? What is happening to me? May nararamdaman na ba ako para sa kanya? No. It's a big NO.

Umungol ulit si Rea saka tumagilid at bumaluktot. She's sleep like an angel. Hindi sana siya nabalian ng buto sa pagkakabagsak. Umupo ako para matignan siya. Napangiti ako ng naghihilik na naman siya. Yes, she's pretty. She's incredible. Yung tipong mapapasaya ka niya. Kahit sino siguro ay magugustuhan siya.

Napapilig ako ng ulo. Gusto ko na ba siya? Maybe, I like her because of what she is. Hanggang do'n lang iyon. Bumuntong hininga ako saka na siya binuhat ulit. This time ay hinigpitan ko na ang pagkakabuhat baka kasi maihulog ko na siya at mahalikan.

Mahalikan..damn. Makatulog sana ako sa nangyari.

Pagkarating sa kwarto ay inayos ko ang pagkakahiga niya saka na ako nagpalit ng damit saka humiga. Saktong pagkahiga ko pa lang ay yumakap na siya sa bewang ko. Pinatong pa niya ang kanyang hita sa hita ko. Napalingon ako sa kanya. Bahagyang nakabuka ang kanyang bibig habang naghihilik ng mahina. Hindi ko alam pero napangiti ako na ganito kami.

Pinatong ko ang kanyang ulo sa aking dibdib saka siya nilapit ng konti. Lalo naman niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Dati ay naiirita ako kapag ganito kami, madalas itulak ko siya. Minsan naman tinatakpan ko ang bibig para matahimik ang bibig niya sa kakahilik but now..I like when she hug me. I love her scent. Pati paghihilik niya ay gustong gusto ko. Hindi siya si Rea kung hindi siya naghihilik at malikot sa kama.

MASAKIT ang ulo ko ng imulat ang aking mata. Anong oras na ba? Nangawit ang kamay ko kaya ng igalaw ko ay gumalaw din ang katabi ko. Nagulo ang buhok nito dahil sa kalikutan. Nakayakap pa rin siya sa akin habang nakapatong ang isang paa sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin saka tumungo sa bathroom. After that ay bumaba na ako. Tahimik sa bahay malamang tulog pa silang lahat. Nadatnan ko si manang sa kusina na nagluluto ng almusal. I smile a little bit ang hug her at the back. Napatalon pa ito sa gulat.

"I miss you, manang." I said then kiss her cheek.

"Naku ikaw talagang bata ka. Hala, upo ka na doon at malapit ng matapos ito." Kinalas ko ang yakap ko sa kanya saka sumandal sa bar counter. Pinapanood ko siya habang nagsasalin ng crumbled egg sa frying pan.

Si manang ang una kong nakasundo dito sa bahay ng bago pa lang ako dito. Madalas niya akong makitang mag-isa at palagi akong kinakausap. Siya rin ang una kong nasabihan ng sama ng loob ng piliin ni Candice si kuya. Lahat ng problema ko sa love siya ang nakakaalam. I treated her as my second mom.

"Gusto ko siya." Putol niya sa paglalakbay ng utak ko. Nilingon ko siya ng nagtataka.

"Who?" I asked.

"Si Rea. Napakabuting bata. Sa lahat ng minahal mo siya ang gusto ko." Tumigil siya saglit saka pinatay ang kalan. "Mababait lahat ng babae mo pero iba si Rea. Alam ko mahal ka niya." Tumaas ang sulok ng bibig ko. So, she believed that all of this is true? Napaniwala siya ni Rea? Okay, she's a good actress.

Tumango ako saka nagsalin ng tubig para uminom. Tahimik lang si manang habang pinagmamasdan ako. I don't know why she's staring at me like this. "At alam ko gusto mo na siya." Bigla akong napaubo sa iniinom kong tubig.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now