Chapter 6 The Proposal

1.1K 48 67
                                    

Rea's Pov

Nakakainis na ang kumag na ito ah. Ano bang problema niya at pilit akong sinakay sa kotse niya? Hindi naman kaya ako kikidnapin nito?

"Sunget, wala akong pambayad mahirap lang kami." Sabi ko nilingon niya at ang sama ng tingin.

Tusukin ko yang mata mo, eh.

"Huy, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko na naman. Hindi siya sumagot deadma lang ito. Isa na lang matatamaan na ito sakin.

"Sunget, parang awa mo na wala akong pera wala naman tutubos sakin dito at walang--aray!!" Kung di ba naman nuknukan ng sama ng ugali ang kumag na ito biglang nagpreno nauntog tuloy ako sa upuan. Nasa likuran kaya ako wala akong seatbelt no!

"H-hi ate hehe ang ganda mo. Ate pwedeng sabihin mo sa asawa mo na ibaba na ako." Tumingin ako sa babaeng kasama niya na kanina pa nakangisi sa amin.

Hawak ko pa rin ang aking noo na nauntog kanina.

"What?" O ayan na naman yang what niya. Sinilip niya ako sa salamin sa taas.

"Wag kang sasabat sa usapan namin ng asawa mo masama ang sumingit sa usapan. Kalalaking tao tsismoso di maganda yan ah."

"SHUT UP!" Hala galit na niyan? Galit na nga lakas ng sigaw eh. Namumula na nga sa galit oh. Itong asawa naman tawa ng tawa. Baliw siguro niloloko na nga ng asawa sumama pa sa pagkidnap sa akin.

"Magsasalita ako kung kelan ko gusto. Basta mo na lang ako sinakay dito natural magagalit ako malay ko ba kung kikidnapin mo ako o kaya ibebenta ako atay at bato ko. Naku 'wag mong gagawin iyan subukan mo lang!" Hindi ko talaga makontrol ang sarili ko sa bwisit na lalaking ito.

"Kapag di ka tumigil hahalikan kita!" Inis na sigaw niya. Bigla itong nagpreno ulit at nauntog na naman ako. Lumingon siya at binigyan ako ng nakamamatay na tingin.

"Edi halikan peste!" Ganting sigaw ko. Lalo siyang nagalit. Ang kasama naman niya ay pinipigilang mapangiti. Inayos ko ang nagulong bangs ko dahil sa biglaang pagpreno.

Hahalikan lang pala. Wait hahalikan? Ano daw?

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Napalakas ang tawa ng asawa niya. Sinamaan niya ng tingin ang asawa. Biglang natahimik ang babae sa nakakamatay na tingin ni Sungit.

"Kiss? Sabi ko na rapist ka eh. Ayaw mo pang aminin kanina pakiss kiss kapang nalalaman diyan. Ikaw naman baliw na babae bakit di mo pigilan iyang asawa mo nangangati yata bakit di mo ikiss ng hindi ako ang napapagtripan." Sermon ko sa babae sabay turo kay Mr. Sungit.

"SHUT YOUR FUCKING MOUTH!!! " Hala dumagundong ang boses niya sa loob ng kotse. Nakakatakot ka na loko ka. Waaaa mama tulong!

Wala naman akong ginawang masama para parusahan ng ganito. Kahapon, oo meron akong kasalanan pero ngayon wala pa naman ah!

"Lord, patawarin niyo po ako sa mga nagawa kong kasalanan kahapon. Sorry ko kung nagsinungaling ako ng isang daang beses kahapon. Sorry kung nilait ko si Apung Caring. Sorry kung hindi ako nakaligo kaninang umaga." Bulong ko habang nakapikit.

Baka patayin na ako ng dalawang ito at hindi makahingi ng tawad kay Lord. Ayokong mapunta sa impyerno mainit do'n.

Tumawa ng malakas ang asawa ng lalaki. Wala pa rin akong pakialam.

"Mahabaging Maria nagpupuno ka ng grasya-" Natigilan na naman ako ng magpreno si sungit.

"Ano ba? Talagang papatayin mo ako? Aba bugbog na ang sarili ko sa kakauntog mo, ah!" Inis na sigaw ko.

Halos dumagundong ang boses ko sa loob ng kotse. I don't care kung mabasag ang eardrums nila at lumabas ng tutuli sa tenga nila!

"Kapag hindi ka tumigil talagang malilintikan ka na!" Madiing sabi niya habang matalim na nakatitig sa akin. Bigla naman akong natakot sa paraan ng pagtitig niya.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now