Chapter 3 We Meet

1.5K 48 45
                                    

Drake's POV

Nandito na ako sa Maynila. Matapos ang ilang buwan ngayon lang ulit ako nakatuntong dito. Kinuha ko ang phone at tinawagan si Mira.

"Kumusta? " Tanong ko agad. Pero parang busy siya sa kabilang linya. Marahil busy ang mga kasamahan ko dati sa trabaho. Namiss ko tuloy sila.

("Ah Drake mamaya na lang ha? Maraming work eh.")

Di pa ako nakakasagot ay pinatay na niya ang phone. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sir, we need to go." Putol ng secretary sa pagmuni muni ko. Nakangiti si Eula sa akin. Maganda naman ito buti na lang hindi siya naiinlove sa akin. Masyadong mahal nito ang american boyfriend.

"Okay." Tipid kong sagot at sumakay na kami ng kotse papunta sa event.

After fifteen minutes nakarating nakami sa nasabing event. Maraming mga business companies ang kasali dito maging mga baguhan employees.
Sa pagkakaalam ko isa si Michael sa magiging speaker dito. Kapag nagkita kami sigurado magugulat iyon.

Pumasok na ako sa loob at yun nga gaya ng inaasahan puno ang venue.

"This way sir." Guide sa amin ng lalaking assistant. Sumunod naman kami at umupo. Malawak ang venue. Puno ng mesa pero puno na rin ng participants.

"Michael Montecillo!" Tawag ni Mr. Cheng napalingon ako at nakita ko si Michael na paparating. Nakangiti ito sa mga kaharap.

"Kumusta Mr. Cheng?" Nakipagshake hands ito. Natigilan siya ng mahagilap ako ng paningin niya. I smiled at him and he waved at me. Lumapit ito at ngumiti.

"Kumusta? Tagal mong di nagpaparamdam ah. Teka, wag mong sabihing lumipat ka ng ibang company?" Tanong niya.

Alam kong wala pa siyang alam dahil hindi iyon sasabihin ni Mira. Sa kanya lang ako nag-open ng problema ko noon.

"Nice to see you again sir. Drake Ramirez Villarama nga pala." Sabi ko sabay offer ng kamay ko. Bahagya pa siyang nagulat sa pangalan ko sa huli tinanggap niya din ito.

"Welcome to the business industry." He said and gave me a warm welcome smile.

Tama nga ang desisyon ni Mira na piliin siya. She deserved him and I need to accept it. Alam kong di niya pababayaan si Mira. Sa ngayon kailangan kong gawin ang dapat kong hanapin dito sa Maynila after ng seminar na ito.

_______

Reas' POV

"Good morning mga matador!" Bati ko sa mga nag-iinuman sa kanto. Ang aga aga naglalasing. Ang dami talagang batugan sa Pilipinas kaya di umaasenso. Kapag naghihirap kay president Pnoy sinisisi.

"Aba Rea papasok ka na?" Tanong ni Mang Leo na kasalukuyang tumatagay.

"Ay hindi po uuwi na." Obvious naman kasi tinatanong pa.

"Sus! Ikaw talaga Rea pilosopo." Natatawang sabi ni Mang Carlo. Walang damit kaya lumitaw ang gitara niya. Ang payat na kasi nakuha pang maghubad. Alam niyo ba yung feeling macho tapos konting hangin lang matutumba na?

"Mang Carlo, ang macho natin ah." Kunwari puna ko para mahiya ng konti. Pinagmamalaki ang abs kuno niya. Baka abs sa pwet meron.

"Aba oo naman ako pa!" Napose pa ito na kunwari pinapakita ang muscles sa braso niya.

Ngek! Buto't-balat lang nagyabang pa. Bulong ko.

"Ah sige ho una na ako dahan dahan sa pag-inom baka masunog ang baga." Paalala ko sa kanila. Araw-araw kasi laging nag-iinuman. Naglalakad na ako at nilampasan sila ng sumagot si Kuya Freddie.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now