Chapter 41 Ex

1K 33 8
                                    

Rea's POV

"Damn! Congrat's dude!" Unang nakabawi si Walter sa pagkakatulala.

Sinara ko ang bibig ko, hindi ko alam ang sasabihin. I'm happy for them, they love each other. But, how about the feelings of Drake? Hindi ko kasi alam ang nasa loob niya. Hindi siya nagsasalita kung anong iniisip niya at nararamdaman. Kung pwede nga lang maglagay ng CCTV sa kanyang katawan para malaman ang nasa loob niya.

"Nadali mo, dude! MVP of the year. Shooter eh?" Humalakhak si Wayne.

Isa isa kaming nagpakita ng pagbati. Happiness is visible all over their faces. Pinakahuling bumati si Drake. Normal lang ang reaksyon nila. Mukha kami lang talaga ni Drake ang di maka get over sa binalita ng dalawa.

"Congrat's." Matabang niyang sabi.

Nagpapasalamat ako na nagpanggap kami. Kung noon nito na encounter ni Drake, I'm sure he's living like a hell. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit..oo nga naman, baka maawa sila sa kanya kung nagkataon.

Gusto ko siyang puntahan para yakapin at sabihing okay lang yan, may iba pa naman. Gusto ko siyang patawanin sa oras na ito. Kaso may pumipigil sa akin. Ang mukha niya. Ang ekspresyon niya. Parang kinukurot ang puso ko.

Hindi na pinansin ng kasama namin si Drake dahil alam nila nakapagmove on na siya. Dumating si Keith, may bitbit itong ilang bote ng alak. Magsusunog na naman sila ng baga.

Nabigla pa siya ng ibalita ni Wayne na buntis si Candice. Ang daldal talaga.

"Dude, hot news for today..Candice is pregnant and this asshole is going to be a daddy O, soon!" Tinuro pa niya si Justine. Sinapak siya ni Justine kahit natatawa sa sinabi ng kapatid.

"Really?" Iyan ang reaksyon niya saka binalingan si Drake. Well, kaming dalawa lang naman kasi ang nakakaalam ng totoo.

Kinuha ni Drake ang isang bote saka iyon nilagok. Napangiwi ako. Maglalasing na naman.

"Ilang months na?" Masayang tanong ni Jess. Abala sila sa tawanan, kahit si Justine ay nakikitawa na kina Kean at Wayne. Kami naman ay nag-uusap kumbaga girl talk.

"Two." Sagot nito.

"Kumusta naman yung feeling? Sabi nila mahirap daw." Singit ko.

"Sinabi mo pa! Ang hirap at feeling ko inaantok ako lagi. Buti nga dalawang beses pa lang akong nagsuka." Aniya.

"Ang sarap siguro sa feeling na magiging mommy ka na no?" Pasimple pang tinignan ni Jess ang hindi pa halatang umbok ng tiyan ni Candice.

Nakahawak si Walter sa sandalan  ng silya ni Jess saka lumapit sa tenga nito at may binulong. Bigla na lang namula ang pisngi ni Jess saka sinapak si Walter, tawa ng tawa naman ang isa.

Nagsimula na silang mag-inuman habang ako ay nagugutom na naman. Busog pa lang ako kanina ngayon gutom na naman. Abala sila a kwentuhan at tawanan habang umiinom. Lumapit si Keith kay Drake saka siya bumubulong. Masinsinang pag-uusap na naman kaya ako na lang ang bumaba.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina at kumuha ng pinggan saka nilagyan ng spaghetti. Balak kong sa taas na lang kumain. Papalabas na ko ng namataan ko ang ice cream na hawak ng batang lalaki.

"Saan galing yan?" Tinuro niya ang isang katulong na kumukuha sa freezer. Napangiti ako at humingi sa katulong.

"Lalalalala.." Kanta ko habang naglalakad para umakyat na. Dahil nakatingin ako sa aking chocolate ice cream ay di ko napansin ang pagbangga sa isang babae.

Napaangat ako ng tingin ng makita ang isang babae na napakaganda! Hanggang balikat ang buhok nito na kulay kalawang. Naka make up ito habang nakasuot ng floral white spaghetti strap dress. Tinernuhan pa niya ito ng super high heels sandals.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now