Chapter 47 Beginning

1.1K 34 20
                                    

Drake's POV

"Bud, you okay?" Tinapik ako ni Keith sa balikat matapos iwan ni Rea sa bar para sumama kay Kean.

Nagtagis ang bagang ko habang umuulit ang eksenang magkayakap sila. Sinabi niyang sasama siya kay Kean dahil marami rin siyang pera. Fuck! Puro pera ang nasa isip niya!

I don't mind about the money. I can give the money, fame, and  luxury that she wants as long as she stays with me. I can give the world to her.

Nagkamali ako.

Yes,  I lied. I told her that I don't love her but damn..para akong pinatay ng sabihin niyang hindi niya ako minahal at sasama siya kay Kean. Hindi ko maiwasang masaktan ng makita siyang umiiyak. I didn't mean to tell those fucking words to her. Agad kong pinagsisihan iyon. Alam ko mali ako doon.

Hindi ko na masabi kasi tumalikod na siya saka ko nakita kung paano siya sumama kay Kean. Iniwan na naman ako. Nasaktan na naman.

"Nakakarami ka na." Awat ni Keith sa akin. Lumayo ako sa mga kapatid ko dahil ayokong malaman nila ang problema. Nasa bar stool kami habang sila ay nagkakasiyahan.

"I tell you this because youre my best friend..my buddy...Excuse me for the word. I mean sorry but not sorry. ISA KANG MALAKING TANGA, BUD." Aniya habang umiiling.

I know. I'm a jerk.

Tinungga ko ulit ang tequila na hawak ko. Halo halo na ang ininom ko pero wala pa rin epekto para maging manhid puso ko.

"Imagine, sinong tangang babae ang mananatili sa tabi mo kung harap harapan mong pinipili ang ex mo? Siyempre masakit iyon ni hindi mo tinanong kung anong nangyari?"

"Hindi ko siya kinakampihan. Kita mo naman ginawa ko pagkatapos, di ba?" Umiling siya na parang disappointed.

Hindi ako kumibo habang panay siya ng pangaral sa akin. Wala na akong pakialam kung mukha akong baliw ngayon sa harapan ng iba. I regret it. Sinaktan ko siya. Nasaktan ako. Ang pinakamasakit ay ang makitang nasaktan siya dahil sa akin.

"Yung mukha niya kanina, bud. Sarap mong suntukin." Naiinis na sabi niya. Naiinis siya pero di niya ako maiwan iwan dito.

"Sana ginawa mo. Hindi ko siya pwedeng mahalin, bud." Humilig ako sa counter na nandoon saka pinipikit ang mata.

Naalala ko ang mukha niya na umiiyak. Ang mata niyang puno ng galit sa akin. Ang mata niyang puno ng sakit dahil sa akin.

Fuck!

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang galit sa sarili ko. Anong nagawa ko?

"At bakit?" Binalingan ko si Keith na ngayon ay puno ng pagkairita ang mukha sa akin. Hindi ako kumibo sa tanong niya.

"She loves you. You love her. Then, it ends with pretending shit again. You told that you don't love her. She told you the same lies. Ano ba to? Naglolokohan ba tayo?"

Humingi pa ako ng isang whiskey habang nanenermon si Keith sa tabi ko. Alam ko na mali ako kaya nga naglalasing ako di ba?

"Drake, you should talk to her. Baka nagkukulong na sa kwarto yon at umiiyak."

"No."

"Yes. Just go and tell how much you love her."

"No."

"Baliw ka ba? Ano bang problema mo at ayaw mong aminin sa kanya? Ngayon ka lang nagmahal ulit, bud."

"Natatakot ako.." Nabasag ang boses ko ng hindi sinasadya. Di ko mapigil ang emosyon ko.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now