Chapter 57 Moment

540 13 8
                                    

Sa tagal kong nawala sa mundo ng wattpad nakalimutan ko na yung plot ng story. Pati nga character nakalimutan ko na yung iba hehe. Patawarin niyo po ako sa mga susunod na eksena. Trabaho lang.

------
SPG

Rea's Pov

Noon sigurado ako sa plano ko sa buhay. Una, mapagamot si Kira. Pangalawa, mabayaran ang utang namin na mas mataas pa sa bumbunan ko. Third, maiahon ko sa kahirapan pamilya ko. Fourth, makabili ng bahay at sasakyan. And so on. Ang dami kong pangarap para sa pamilya ko. Hindi kasama sa listahan ko ang mainlove.

Who had thought that this is the happiest day of my life. Ikakasal ako sa lalaking mahal na mahal ako.

"Rea, oh my! You're so pretty!" Bulalas ni Candice na hugis bilog ang bibig. Ngumisi ako habang nakaharap sa malaking salamin at nakaupo sa silya.

Nilapitan niya ako saka niyakap. Nanatiling nakakatitig siya sa akin sa repleksyon ko sa salamin. Ngumiti siya kaya ganon din ginawa ko. Medyo malaki na ang umbok ng tiyan niya.  Sa susunod na taon na daw sila ikakasal. Dapat ngayong taon kaso itong si Drakey nakipag-away sa kapatid. Tutal daw inagaw sa kanya lahat kahit yung kasal lang daw ang ibalato sa kanya. Hanep di ba? Parang bata lang kung makiusap sa petsa.

Takot siyang maagaw ako ng iba. Paano naman kasi nag-uumapaw ang kagandahan ko. Kaya yun ayaw paawat ng lolo niyo.

"Ate! Ready na kayo? We're late na!" Tawag ni Jess mula sa pintuan. She's really pretty on her off shouldered pink gown. Kulot ang buhok nito hanggang balikat. Si Candice kase hindi na pwede dahil malaki na rin ang tiyan pero naka pink dress din. Yun nga lang pambuntis ang suot.

"Okay! Wait. Ganda ko talaga!" Sabi ko pa ng isang sulyap sa salamin. Tumayo na ako saka na bumaba kasama si Jess.

Wala na ang mga boys. Ang alam ko ay nauna na sila sa simbahan. Simple wedding gown lang naman ang suot ko. Ang sabi ko kasi kay Drake wag ng masyadong mahal. Gusto ko ipunin na lang namin iyon para sa magiging pamilya namin.

Habang nasa biyahe ay panay ang kanta ko. Natatawa na nga si Jessica pero hindi ko pinansin. I'm so excited. Ilang oras na lang magiging Villarama na ako. Hindi ako makakapayag na lumabas ng simbahang Dimapilis pa rin apelyido ko. Ang pangit kaya parang dilis.

Pagkarating sa simbahan ay nagmamadali akong bumaba. Napagalitan pa ako ni Jessica.

"Excited much, ate?  Pwede bang dalagang Pilipina kahit konti?" Ayan tumaas na ang BP ng lola niyo. Kailangan niya ang gamot ni Walter para bumalik sa normal.

"Andito na ang bride!" Sigaw ng baklang wedding coordinator namin. Infairness kay bakla naka dress pa ha. Nakascarf pang kulay violet. Nagmukha tuloy barney. Kala mo naman kasama sa entourage.

Nagsiayos ang mga bisita. Ako naman sapilitang pinasok ni Jess sa loob ng bridal car. "Utang na loob ate. Wag ka munang lumabas. Atat lang . Diyan ka lang wag ka munang lalabas hanggat walang pasabi." Tumango ako na parang bata saka na siya umalis. Siya kasi ang made of honor.

Ako naman di mapakali dito sa loob. Kinakabahan na pinagpapawisan. "Manong, nauutot ako." Tumawa si manong sa akin.

"Ganon talaga pag kinakasal ma'am. Pwede pa po kayong mag backout." Aniya.

"Naku naman manong. Ayoko nga. Gwapo kaya yung asawa ko. Saka mayaman pa. Pinaglihi lang sa sama ng loob pero makukuha naman sa lambing. May abs pa." Humagikgik ako. Si manong nakigaya. Para ngang baboy kung tumawa.

"Oy, Rheatot feeling mo reyna ka? Ipagbubukas pa talaga ng pinto?" Sumimangot ako kay Wayne ng buksan ang pinto ng kotse.

"Reyna naman talaga ako. Bakit may reklamo ka? Magiging ate mo na ako kaya umayos ka." Pagtataray ko. Naku nasisira talaga face ko. Inunat ko ng konti ang kilay ko. Baka magkawrinkles ako. It's my wedding day di ako pwedeng pumangit.

The Best Pretending RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon