Chapter 5 Find Her

1.2K 46 56
                                    

Rea's POV

"Lola bakit mo ako iniwan huhuhu!" Iyak ako ng iyak sa harapan ng kabaong. Ano ba yan ang pangit ng view.

"Kahapon na-kita pa lang kitang nag to-tong-its sa mga kumare mo b-bakit mo ko iniwan huhuhu." Niyakap ko ang kabaong at tinodo ang pag-iyak. May naririnig akong bulungan mula sa aking likuran kaya alam kong effective ang acting ko.

"Kawawa naman yung babae mahal na mahal pa naman niya yung lola niya." Bulong ng isang babae.

"Oo nga eh. Naku mag-ambag na tayo."

Lumapit sa akin ang babae siyempre todo iyak ako. Kung inaakala niyo lola ko itong nakahiga sa kabaong nagkakamali kayo. Malalaman niyo din mamaya.

"Ineng heto ang ambag namin." Sabay abot sa isandaang piso.

"Naku s-slamat po..pagpalain kayo ng Diyos huhu.." Ang galing ko talaga. Paniwala sa drama ko. Umalis na ang dalawang babae at pasimple kong nilagay sa bag ang pera.

Kanina pa ako nakaupo dito sa harapan ng kabaong. Halos namemorize ko na ang hitsura ni lola kaso kailangan eh. Nabilang ko na din ang nunal niya sa mukha. Meron pa yatang pimple si lola sa gilid ng ilong eh. Maghapon ko na kasi siyang nakikita.

Medyo pango pala itong si lola. Malapad din ang noo saka medyo mahaba ang baba niya.

"Siguro lola nung bata ka madalas kang madapa no? Kasi naging flat ang ilong mo." Bulong ko habang kaharap si Lola.

"Joke lang lola. Hindi ka ba nangangawit diyan? Libre pong tumawa." Pangungumbinsi ko sa patay.

Engot ka talaga dyosang Rea. Hindi naman magsasalita ang patay!

Piniling ko ang aking ulo dahil inaantok na ako. Nilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid para malibang naman.

May tatlong mesa ang nakalagay tapos nagsusugal ang mga nakikipaglamay. Marami na rin ang mga tao. Kanya kanya silang kumpol na para bang nag-e-enjoy sa panonood.

Ang totoong kamag-anak ay nasa tabi ng pasugalan. Yung isa ngang anak kasama sa nagsusugal.

Grabe gutom na ako. Wala ba akong juice, cupcake , saka butong pakwan habang umiiyak ako dito? Luminga ako pero wala talagang nag-o-offer ng makakain sa akin. Kumakalam na talaga sikmura ko.

Shemay! Namaga na ang mata ko sa kakaiyak. Baka madehydrate ako neto. Kanya kanyang business ang mga nandito.

Meron mga nagsusugal, nagsasakla, ang iba nakikinood lang tapos kapag nanalo ang kasama hihingi ng balato. Ganyan kasi ginagawa ko sa probinsiya namin eh. Nakikinood ako tapos hihingi ng balato.

Meron din namang naghihintay lang ng miryenda. Siguro walang pambili ng pagkain kaya nakikikain. May nakita din ako na panay ang bulungan. Alam ko na ang topic ng mga tsismosang ito. Kapag ang mga tao nagkita at nagbubulungan ibig sabihin tsismis ang pinag-uusapan.

"Pahinga muna ako lola ah. Wag mo akong multuhin. Trabaho lang walang personalan." Sabi ko habang nakaharap sa kabaong. Mahirap na baka multuhin ako takot pa naman ako sa mumu. Umayos ako ng upo dahil nangangawit na ako.

"Rea may paparating iyak ka na dali." Bulong ni Shaira, ang apo ni lola. Hindi ko man lang napansing nakalapit na pala siya sa akin.

"Lola! B-bakit mo kami iniwan huhuhu.." Ayan na nagsimula na naman ang luha ko. Ang galing ko talaga haha.

"Kahapon lang.... inaalisan mo palang ng kuto si Neneng..b-bakit lola? Huhu." Pinagpatuloy ko ang aking pag-arte.

Sa mundong ito boses ang puhunan, pera ang labanan.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now