Chapter 40 Restaurant

1K 32 18
                                    

Rea's POV

"Ang laki!" Bulalas ko ng makita sa aking harapan ang main branch ng Villarama's Restaurant. Dalawang palapag ito kaya halatang malaki.

Pumasok si Drake sa loob matapos siyang batiin ng guard. "Good morning kuya!" Masiglang sabi ko kay kuya.

"Good morning ma'am!" Sabi nito.

Pumasok ako sa loob at halos mamangha ako sa nakita, kakaibang estilo saka mukhang sosyal ang kumakain dito. Maganda ang atmosphere. White color ang pintura. May naka sabit na mga paintings na mukhang mamahalin. Ang mesa at upuan ay kulay black. Sa gitnang mesa ay may fresh flowers na nakalagay sa vase.

Sa kaliwang bahagi ng resto ay nandoon ang counter kung nasaan ang mga crew na kumukuha ng order. May isang pinto sa likod nito. Mukhang nandoon ang kusina nila.

Umakyat si Drake sa hagdan kung nasaan ang ikalawang palapag. Pinagtitinginan pa kami ng mga empleyado habang nagbubulungan. Siguro pinag-uusapan nila kung gaano ako kaganda.

"Ilang branch meron kayo?" Tanong ko habang naglalakad siya papunta sa itaas. Nasa likuran niya lang ako.

"Seven." Matabang na sagot nito.

"Pito?? Ang dami! Pwede humingi ng isa?" Huminto siya sa pag-akyat saka ako nilingon. Nakatingala ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito na para bang may mali akong nasabi.

"Kung makahingi ka para nanghingi ka lang ng kendi ah." Umirap ito saka nagpatuloy sa paghakbang.

Napanguso ako habang sumusunod sa kanya. May dalaw na naman ang taong 'to, hirap ispellengin.

Pagkarating sa taas ay may maliit na hallway saka tumambad ang marami pang mesa. Kahit pala dito sa taas may kumakain.

"Daming customer ah. Pati dito may nakaupo." Puna ko.

Lumiko siya bandang kanan ni hindi namin nadaanan ang mga mesa na nandoon.

"For reservation area, most of the time couples choose this place for privacy. Isa pa, maganda ang view lalo na pag gabi." Sagot niya sa akin.

Binuksan niya ang isa pang pinto doon saka tumambad sa akin ang maliwanag na kwarto. Pumasok siya sumunod naman ako. Nadatnan ko sa loob si Harry habang nakaupo sa mahabang mesa.

Parang kwarto din ito. May mahabang mesa at silya. May sofa sa gilid at tv. May isa pang maliit na pintuan na hula ko ay bathroon.

"Dude." Tawag ni Drake kaya naagaw ang atensyon ni Harry.

Hindi man lang ito natinag, nanatiling nakakunot ang noo sa amin. Naka long sleeve ito na nakatupi hanggang siko sa black slacks.

Tumayo siya saka kami nilapitan. Umupo si Drake sa sofa. Ako naman ay sa mesa tumuloy.

"You're two minutes late." Malamig na sabi niya.

"Wow naman Harry. Tindi mo ah. Alam ko na motto mo, Time is Gold." Umirap ito sa akin.

Sungit.

"Shall we start now?" Tanong ni Drake.

Tumango ito saka may tinawagan sa phone si Harry. Ilang minuto lang ay may pumasok at bitbit ang mga lalagyan na hindi na kailangan hulaan kung ano ang laman.

Malayo pa lang ay naaamoy ko na ang bangong hatid ng pagkain na nakahapag. Tinanggal ng mga waiter ang takip na halos mapuno ang mesa. Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa umuusok na manok.

Damn! Ang sarap!

"Brent you can go. Margo stay." Utos ni Harry sa matigas na tinig. Napaangat ako ng tingin sa tinawag niyang Margo.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now