Prologue

2.9K 51 30
                                    

They say that the end of love is not the end of life, it should be the beginning of understanding that love leaves for a reason, but also leaves with a lesson. Siguro nga tama iyon. Pero mahirap intindihin. Simula ng mabigo ako sa love pakiramdam ko katapusan na ng lahat at takot magpatuloy sa buhay.

If you want to forget something or someone, never hate it, or never hate her. Lahat ng bagay na nakasakit sayo kalimutan mo.. pero bakit ang hirap? Bakit masakit? Bakit galit ako sa mundo at sa kanila? Bakit di ko matanggap na talunan ako?

Ang daya kasi ng pag-ibig. Hahayaan kang magmahal ng sobra tapos di ka kayang sagipin pag nahulog ka ng lubusan.

I was once hurt by someone I really love. I don't want to give up even if it hurts. But one day I did, asking myself why?

Pagod na akong magmahal ng taong di naman para sayo.

Anong kailangan kong gawin para ipakita sa lahat okay lang ako? Na kaya ko ng harapin silang lahat?

Life is so unfair right? Ang daming masaya kasi nakita nila ang meant to be nila. Natatagpuan nila ang destiny nila. Pero mas marami ang taong bitter at taong luhaan dahil sa pag-ibig na di naman pwedeng maging kanila. Kailangan lang talaga ng acceptance. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Oo, masarap magmahal pero mahirap masaktan. Kung sino pa ang seryoso sa pagmamahal ay siya pang laging iniiwan. Kung sino ang nagmahal ng totoo ay siyang laging sinasaktan.

Sinikap kong takasan ang sakit at hirap para tumayo sa sarili kong paa pero sa huli babalik din sa pinanggalingan mo.

At ngayon , bumalik ako sa nakaraan...

Bumalik ang sakit na dulot ng pagmamahal.

Kailan kaya yung time na ako naman ang una higit sa kanila? Darating pa ba yung araw na may taong magmamahal sa akin na ako ang pinipili kaysa sa iba?

Kailangan kong maging matalino at matapang sa pagharap sa kanila. Ayoko ng ipakitang mahina ako. Ayoko ng malaman nila na nasasaktan pa rin ako sa ginawa nila.

Ayoko ng maloko ulit. Sapat na ang nangyari at napagdaanang sakit para ipamulat sa akin na wag maging tanga.

Isa lang ang naiisip ko para wag akong kaawaan at ipakitang kaya kong ngumiti sa kabila ng lahat...I need to pretend. I need to pretend that I'm okay.

This is the best way to show everyone that their lost, not mine.

I need to find someone to pretend as my girlfriend..

I need to find someone as best actress in a pretending role.

Ako si Drake...

At ito ang kuwento ng buhay ko.



The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now