Chapter 21 Ringtone

1.1K 44 33
                                    

Drake's POV

Pauwi na ako matapos ang pinapagawa ni papa sa opisina. Iniwan ko na sina Kuya sa kumpanya. Binasa ko pa ang text kanina ni Rea.

From Engot:

Yey! Ngumiti siya. Gwapo oh, hihi...pasalubong ko ah . :)

Napangiti ako sa simpleng text niya. Isip bata talaga. Malapit na ako sa bahay ng mapadaan ako sa daanan na nagtitinda ng bibingka at puto bumbong. Sigurado magugustuhan ito ni Rea, mahilig kasi siyang kumain. Hindi ka talaga mapapahiya sa kanya pagdating sa pagkain.

Pagkapark ko sa garahe ay bumaba na ako bitbit ang pasalubong ko sa kanya. Nasa labas pa lang ako ay dinig ko na ang ingay sa loob.

"Hey! Stop it!" Sigaw ni Wayne. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang nangyayari sa loob? Kesa mag-isip pa ay dumeretso na ako sa loob.

Pagkabukas ko palang ng pinto ay tumambad sa akin ang mukha ni Wayne na nakatayo malapit sa hagdan samantalang si Rea ay hawak sa kamay si Wayne.

Hell. What happened? Bakit ganito ang feeling ko? I want to punch Wayne directly on his face!

Pareho pa silang natigilan at humarap sa akin. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Rea saka binitawan ang kamay ni Wayne.

"Keroppi!" Salubong niya saka ako niyakap. Hindi naman ako kumibo o gumalaw man lang. Namataan ko naman si Wayne na lukot ang mukha at halos hindi na maipinta.

"Thank you Lord! Buti dumating ka na kundi nadatnan niyo akong wala na sa katinuan dito." Bulalas niya.

Matagal ka ng baliw, Wayne. Ayaw mo lang aminin.

"Uy! Akin to?" Kinuha niya ang hawak kong palstic. "Thank you!" Aniya saka na tumuloy sa kusina na parang wala kami sa harapan niya. Ang lapad ng ngiti nito, parang gusto ko lagi siyang ibili ng pasalubong.

"Bro, your girlfriend is different..kakaiba..exotic.." Ani Wayne habang umiiling. Hindi ko na siya pinansin, pinuntahan ko na lang si Rea sa kusina. Pagkarating do'n ay kumakain na siya ng bibingka.

"Ang sarap! Gusto mo?" Inalok niya ako sa kanyang hawak. Dumaan si Manang Celia nang nakangiti sa amin. Minsan naiisip ko na hindi na kami nagpapanggap..para natural na lang ang lahat.

Tumabi ako sa kanya saka pinanood siyang kumakain. Hindi mawala ang ngiti nito. Ewan ko pero gusto ko ang ngiti niya..

"Keroppi, minsan pasyal tayo sa gabi bili tayo ng balot." Kumunot ang noo ko. Oo nga pala..mas gusto niya ang simpleng bagay kesa mag-effort ka ng todo. Ganun lang siya , e. Napakasimple.

Pagkatapos niyang kumain ay dumeretso na siya sa taas. Ako naman ay naiwan sa baba dahil kausap ko sina Kuya. Madilim sa labas at napakatahimik.

"Pasyal tayo sa weekend para naman malibang si Rea. Hindi mo pa siya napapasyal dito sa Cebu, Drake." Ani Kuya Harry. Tumango lang ako. Sumandal ako sa sofa saka pumikit.

"Sayang nga wala si Candice.." Dinig kong sabi ni Kuya.

"Bro, nakapag move on ka na bang talaga? " Napamulat ako ng mata saka ko nakitang siniko ni Kuya Harry si Wayne.

"Matagal na 'yon...isa pa may nagsabi sa akin na, kung mahal mo kailangan mo siyang isuko at tanggapin na maligaya siya sa iba." Naalala ko lang ang sinabi ni Rea sa akin. Fuck! Nagiging makata na rin ako.

"Hugot. Lalim no'n. Pumapag-ibig na si Mighty Thorn Drake Villarama." Humalakhak si Wayne kahit wala namang nakakatawa.

Natigil lang kami sa kwentuhan ng nagring ang cellphone ko.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now