Chapter 9 The Contract

1K 44 42
                                    

Rea's POV

Nakahanda na lahat ng gamit ko papunta ng Cebu nang tumawag si Drake. Sabi niya magkikita na lang sa kanto. Binuhat ko ang back pack ko. Sabi niya sa akin 'wag na akong magdadala ng maraming damit kaya good for three days lang ang dinala ko.

Lumabas na ako ng apartment. Bumungad sa akin ang maingay na paligid.

"Good morning Rea!" Bati ni Mang Leo sa akin. Wala itong damit habang hawak ang isang tasa ng kape.

"Good morning Mang Leo. Wala yatang klase ngayon?" Tanong ko.

"Wala, e. Wala ng pambili ng alak." Sagot niya sa akin ng nakangisi.

"Ah sige po. Sana naman pagbalik ko wala ng tumatagay ah."

"Ay parang sinabi mo na ring wala ng korapsyon sa Pilipinas ineng!" Sabat ni Aling Ising na kausap si Aling Becca. Napailing na lang ako sa kanila. Kelan kaya magbabago ang Pilipinas?

Naglakad na ako papunta ng kanto. Wala si Bryan dahil may trabaho siya. Si Aya naman ay may emergency sa bahay. Nakakalungkot man pero kailangan ko na silang iwan.

Pagkarating sa masikip na kanto ay walang humpay sa pag-ring ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello."

"Where the hell are you?" Iyon ang bungad niya sa akin. Napangiwi na lang ako sa kasungitan nito.

"Ayan na po nakikita na kita!" Pinatay ko ang cellphone kahit na nagsasalita pa siya. Tumakbo ako para agad nakarating ng kinaroroonan niya. Nakasakay ito ng kotse. Hindi na ako sinenyasan basta sumakay na lang ako.

"Happy morning!" Ngiti ko sa kanya. Dapat goodvibes lagi. Simulan sa umaga para maghapon na maganda ang blessings.

"You're late." Masungit na saad niya na hindi ako tinitingnan.

Ang gwapo pa naman nito. Bagong ligo siya. Naka fitted white shirt siya at khaki shorts. Naka rubber shoes siya na may tatak na tsek. Hindi ko alam kung anong brand iyon. Marami akong nakikitang ganito sa bangketa na tinitinda ni Eva.

Ibig sabihin ay nagpupunta din sa Quiapo si Drake para mamili? Pinilig ko ang aking ulo sa mga naiisip.

"Saan tayo?" Tanong ko. Hindi ito nagsalita. Ano pa nga ba ang aasahan ko?

"Anong oras tayo aalis?" No comment again.

"Ngayon na ba ang training natin?" No comment again and again.

"Kelan ka magsasalita?" He glared.

Kung estudyante lang ito nabatukan ko na. Kanina pa ako tanong ng tanong wala man lang sagot.

"Okay fine. Sungit." Bulong ko. Pinanood ko na lang ang mga nadadaanan sa paligid.

Napakatahimik naman. Hindi siya nagsasalita. Ako naman kating kati ng magsalita. Gusto ko na talagang magtanong kaso pipi itong kausap ko.

After twenty minutes ay huminto kami sa isang hotel. Hindi niya ako kinausap saka siya dumeretso ng hotel. Hinabol ko siya hanggang makarating kami ng elevator.

Jusko! Ito na ba yung time na ibibigay ko ang virgin coconut oil ko?

Kinakabahan ako. Tahimik kami sa loob at walang nagsasalita. Nakaharap ako sa pinto ng elevator na parang salamin lang. Nakikita ko tuloy ang bulto niya roon. Napalunok ako.

Lord, kayo na po ang bahala. Yummy naman siya pwede na siguro siya.

Huminto kami sa 18th floor. Lumabas ito at hindi ako hinintay.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now