Chapter 34 Text

1.1K 31 23
                                    


Rea's POV

Kanina pa kami nakaahon ni Drake matapos ng halikan namin. We kissed many times. Once, twice, thrice? Hindi apat yata pero pinipilit niya lima daw. Ewan ko ba sa kanya.

Matapos kasi no'n ay bigla na lang siya nag walkout. Kanina ko pa siya hinahanap hindi ko makita. Nakapagbihis na ako para pag-alis namin mamaya ay ready ako.

Nagpunta ako sa kubo para hanapin siya doon pero wala siya. Tanging sina Wayne at Keith na kumakanta ang nakita ko. Sa sulok ay si Harry na nakapikit ang mata.

"Nakita niyo ba si Drake?" Tanong ko kaya tumigil saglit sa pagbirit si Wayne. Promise, nakakabasag pinggan ang boses niya. Si Harry naman ay napamulat ng mata.

"Si Drake? Ay oo!" Sagot ni Wayne. "Tumalon ng dagat. Tigok na yon." Aniya saka humalakhak. Binatukan ko naman siya sa inis.

"This song is donated by Rea Dimapilis." Humalakhak si Wayne. Binatukan naman siya ni Keith na nasa tabi niya.

"Dedicated, gago!" Umirap na lang ako sa kanila.

Kesa mabaliw ako lalo sa kakatanong sa kanila ay iniwan ko sila para hanapin siya. Hinanap ko siya sa dalampasigan halos kalahating oras na rin akong naghahanap sa kanya. Uuwi na kami mamaya di ko pa siya mahanap!

"Hindi kaya totoo ang sinabi ni Wayne? Eh ba't di siya umiiyak lakas pa ng tawa?" Kinati ko ang aking ilong saka luminga sa paligid.

"Nasaan ka na ba?" Nakapameywang ako saka naisipan naglakad na naman.

Nakailang puno ng niyog na ako pero di ko pa rin siya mahanap. Nauubusan na ako ng pasensiya sa taong iyon! Ayoko na. Balik na ako do'n. Kumuha ako ng bwelo para tumalikod ng nahagilap ng mata ko ang pamilyar na bulto ng lalaki.

Nakatayo ito mula sa di kalayuan habang pinapanood ang sunset. Magulo ang buhok nito at nasisinagan ng araw ang mukha kaya lalong na emphasize ang tangos ng ilong nito. Nakapamulsa siya habang naka white t-shirt, blue dark blue shorts at top sider. It's always him. He can handle himself kahit anong suot.

Pak na pak.

Mabagal ang hakbang ko habang nasa kanya ang buong atensyon. Nakita ko pa siyang yumuko saka tumingala ulit. Bawat galaw niya gusto kong mapanood. Naaadik na yata ako sa kanya.

"Keroppi!" Tawag ko ng di makatiis. Ngumiti ako sa kanya ng nilingon niya ako, siya naman ay nakasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.

Tumakbo ako palapit, siya naman ay napaatras kaya napanguso ako.

"Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko. Tumango siya saka umiwas ng tingin sa akin.

Problema nito? Nawala ang dila? Nakakaloka.

"Let's go." Aniya saka ako nilampasan. Hinila ko ang braso niya kaya tumigil siya.

"Huy! May problema ka ba sa akin?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ito na parang nahihirapan na.

"Wala."

"Meron eh. Ano yon?" Umigting ang bagang niya at mahigpit na naglapat ang labi niya. Hindi niya ako matingnan ng diretso sa mata, ako naman ay panay huli sa titig niya kaso bigo ako.

"It's nothing..I'm just..tired." Bulong niya.

"Meron, e. Naku Keroppi isang buwan na kitang kasama at alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Lumalaki yang butas ng ilong mo oh!" Turo ko sa kanyang ilong. Nanliit naman ang mata niya sa akin sa inis niya. Napanguso ulit ako. Pinapatawa lang ayaw pa rin. Sungit na naman may dalaw na naman yata.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now