Chapter 37 Stay

999 34 10
                                    

Drake's POV

Nagsimula na ang seremonya habang kami ni Rea ay nakaupo lang sa gilid. Isa isa ng pumasok ang mga ninong at ninong maging ang mga brides maid at abay sa kasal.

Habang pinapanood ko ang mga pumapasok ay tumunog ang isang kanta. Napamura ako doon. Habang kinakanta iyon ay bumukas ng malawak ang pintuan at doon iniluwa ang babaeng nakasuot ng wedding gown na kulay puti. Ang mukha nito ay natatabunan ng belo. Kahit na natatabunan iyon ay di maitago ang ngiti nito.

Ang ngiti niyang minsan na pinangarap kong ako ang nginingitian.

Ang ganda talaga niya kahit saang anggulo. I missed her. I missed her smile. Her eyes. Her moves. Her everything.

Ngayong nakikita ko siya napapangiti ako kasi alam ko na ikakasal na siya sa taong mahal niya. Wala na bitterness o pain na nararamdaman sa puso ko.

Habang pinapanood ko siya palapit sa taong mahal niya ay kinakalabit ako ng katabi ko. Nawala ang pag-iisip ko sa taong dati kong mahal.

"What?" Tanong ko sa kanya. Nilagay niya ang isang kamay niya sa gilid ng bibig saka lumapit at bumulong.

"Ano yung sinasabi mo kanina? Bitin, e." Umiling ako. Muntik ko ng masabi na naiinis ako dahil napansin siya ni Michael.

"Ano nga?" Siniko niya ako sa tagiliran. Abala ako sa panonood, siya naman ay abala sa pagtatanong sa akin.

"Wala nga." Iritadong sabi ko.

Natahimik siya saglit kaya nagpatuloy ako sa panonood na ngayon ay nasa altar na si Mira kasama si Michael. Akala ko ay titigil na siya pero kumalabit na naman ito.

"What?" Medyo tumaas ang boses ko kaya napalingon ang katabi namin.

"Gutom na ako." Aniya.

Naalala ko na kanina pa pala siya di kumakain. Hindi kami nakapag almusal dahil nagmamadali kami. Kapag hindi ko siya pinansin ngayon ay siguradong mag-aalburuto ito.

Tumayo na ako saka hinawakan ang kamay niya. Nakita ko ang silay ng ngiti sa labi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nahuhumaling ako sa kanyang ngiti. Gusto nakikita ko siyang laging nakangiti.

Lumabas kami para maghanap ng makakain. Hindi pa nga tapos ang seremonya ay nagugutom na siya. Pagkalabas namin ay namataan ko sa di kalayuan ang tindera ng fishball.

"Yun oh! Fishball!" Sabi niya saka ako hinila papalapit doon.

Pagkarating doon ay agad siyang kumuha ng stick at baso para tumusok na. Pinapanood ko lang siya habang nakangisi kay manong.

Kumakanta pa ito habang tumutusok. Halos mapuno niya ang disposable cup. Mukhang gutom nga siya.

"Paborito mo?" Tanong ko.

"Hindi."

"Sabagay lahat naman kinakain mo kaya di halata kung anong paborito mo." Sabi ko.

Tinagilid niya ang kanyang tingin para makita ako. "Meron akong di kinakain kaya." Tumigil siya sa pagtusok saka ako pinanood habang tumutusok.

"Carbonara." Aniya.

"Masarap naman yun ah." Wika ko.

Umiling siya sa akin. " Ayoko nandidiri ako. Parang bulate." Sagot niya. Napangiwi ako. Itong taong to may hindi pala kinakain.

Pagkatapos ko tumusok ng fishball at kwek kwek ay nilagyan ko na ng sauce. Siya naman ay maanghang na sauce at nilagyan ng konting suka.

Dati bibingka ang pagkain namin na kasama ko siya ngayon naman street foods. Weird man pero masaya.

The Best Pretending RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon