Chapter 27 Wrong Move

1.1K 36 30
                                    

Rea's POV

Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin mula sa bakuran. Sana pala nagsuot ako ng jacket. Niyakap ko ang aking sarili habang abala sila sa loob ako naman ay nagmuni muni sa labas. I miss my family. Kumusta na kaya sila? Ngayon ko lang sila hindi makakasama sa pasko. Kinuha ko ang cellphone saka sila tinawagan. Tatlong ring bago nila ito sinagot.

"Hello! Ate!" Masiglang bati ni Khira. Napangiti ako. Umupo ako sa upuang bato sa garden saka pinanood ang nagkikislapang christmas lights.

"K-kumusta na kayo?" Pinilit kong maging masaya kahit na naiiyak na ako. Pagkarinig ko palang sa boses niya maging ni kuya ay parang gusto ko ng umuwi.

"Mabuti naman! Ate, bakit di ka umuwi? Miss ka naming--kuya ano ba? Akin na yan!" Dinig kong sigaw ni Khira. Natawa ako habang naiiyak sa kanila. Namiss ko talaga ang kakulitan nila.

"Si mama?" Matagal na walang sumagot marahil inabot kay mama ang cellphone.

"Anak!"

"Ma! Miss ko na k-kayo..kumusta na po?" Pinunasan ko ang luha sa aking mata. Nanginig ang boses ko habang naririnig ko silang maingay. Maging si papa ay naririnig ko ng sumisingit sa usapan. Naka loudspeaker yata kaya naririnig nila lahat.

"Merry Christmas po. Uhm, yung pinadala ko natanggap niyo na po ba?"

"Oo. Salamat anak. Malaking tulong ito." Sagot ni nanay na mukhang naiiyak na rin.

"Kapatid salamat sa sapatos!" Sigaw ni Kuya Xander. Ang iingay nila sobra.

"Sige po Ma, Merry Christmas po. " Pinunasan ko ang tumakas na luha na nasa pisngi ko.

"Ingat ka diyan anak ha?" Sumakit ang aking lalamunan. Napapapikit ako habang naririnig ang boses nila.

"Opo. Kayo din. Love you!' Sabi ko saka nagmulat ng mata.

"I love you , too!" Sabay sabay nilang sabi bago pinatay ang linya.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti sa kawalan. Konting sakripisyo lang naman ito. Kapag naipon ko ang sweldo sa akin ni Drake uuwi na ako sa amin. Naalala ko madalas akong pagalitan ni mama noon kasi nga ayaw niya akong mawalay sa kanila. Napilitan akong lumuwas ng Maynila dahil na rin sa hirap ng buhay. Kailangan kasi ni Khira ng regular na gamutan. May butas ang puso niya kaya kailangan ko ng makahanap ng malaking halaga. Marami rin kaming utang dahil na rin sa sakit niya, idagdag pa si papa na lagging umiinom ng alak at nagsasabong kaya nabaon kami sa utang.

Habang nagmamasid ako sa kabuuan ng garden ay naramdaman ko ang pagpatong ng isang bagay sa magkabilang balikat ko. Napatingala ako at dun ko nakita ang mukha ni Drake na nakatunghay sa akin.

"U-uy, ikaw pala." Sabi ko. Niyakap ko ang jacket na bigay niya. Gentleman pa rin pala ang mokong. Uminit ang pakiramdam ko dahil sa binigay niya.

"Malamig dito sa labas." Bulong niya na dinig ko naman.

Hindi ako sumagot sa kanya saka tumingin ulit sa langit. Mas marami ang bituin ngayon di gaya kagabi.

"Rea.." Binalingan ko siya na nakatayo pa rin.

"Hmm."

"P-parang gusto kong mamasyal sa labas at kumain ng...bibingka?" Aniya. Kumunot ang noo ko saka napangiti pagkatapos. Kahit na nagtataka ako ay hindi na ako nagtanong pa sa kanya. Susulitin ko moment na ito. Isa pa, malungkot ako ngayon kailangan ko ng kausap.

"Libri mo ako?" Ngumisi ako. Napanguso siya sa akin.

Ang cute!

"Ano pa nga ba?" Aniya. Tumayo na ako ng may ngiti saka na siya hinila.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now