Chapter 1 Drake Ramirez Villarama

2.8K 64 38
                                    

Drake's Pov

Abala akong nakatutok sa tambak na papeles sa aking harapan. Ang daming dapat gawin at di ko alam kung may time pa akong huminga. Dahil sa dami ng iniisip nagkamali ako ng pagpirma sa isang papeles.

I cursed silently. Binagsak ko ang ballpen sa mesa. Sumandal ako sa swivel chair. I closed my eyes while massaging my forehead. Suddenly, I heard the phone ringing. I open my eyes and stretch my arms to answer the phone call.

"Hello, yes papasukin mo." Sabi ko sa secretary ko na si Eula. Nakasandal pa rin ako sa upuan at hinintay na pumasok ang kulugo.

"Hey Mr. Villarama!" Sigaw ng walang hiyang bestfriend ko. I give him a death glare and he just chuckled.

"How many times I told you na wag mong babanggitin ang pangalang iyan?" I creased my brow while looking at him.

To my surprise, he gave a bark of laughter. Sa inis ko kinuha ko ang black folder sa mesa ko at binato sa kanya.

"Woohhh!! Easy Budz!" Natatawa pa rin ito na umupo sa vacant chair infront of my table. Feel na feel talaga nito dahil itinaas pa ang dalawang paa sa kabilang upuan.

"Bakit hindi mo pa tanggapin na part na ng buhay mo ang pagiging Villarama? Budz, aminin mo o hindi yan ang dugong nananalaytay sayo." Mahabang lintaya niya sa harapan ko.

He has a point. Kahit na ayoko wala na akong magagawa dahil Villarama's Company ako nagtatrabaho.

Mahirap tanggapin pero kailangan lunukin na isa akong Villarama. Kahit na illegitimate son ako part pa rin ako ng family.

Ang akala ko matatakasan ko ang madilim na nakaraan. Nagpakalayo ako at namuhay mag-isa bilang ako. Bilang ordinaryong tao. Within three years nakaya ko.

Naging masaya akong nagtrabaho sa Montecillo's Company dahil walang may alam ng pagkatao ko. Tinanggap nila kung ano ako. Akala ko habang buhay magagalit sa aking pamilya. I thought matatakasan ko ang nakaraaan dahil ayokong kinakaawaan nila, ayoko ng masaktan, ayoko ng maging talunan, ayoko ng niloloko at higit sa lahat...ayoko ng magmahal.

But everything changed when I met her. Si Mira. Ayoko ng magmahal dahil lagi na lang akong nasasaktan pero di ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa kanya. She taught me how to accept the reality. She made me realized that I need to face the problem. Naipamulat niya sa akin ang kahalagahan ng pamilya.

Hindi man ako ang pinili niya, alam kong masaya siya sa piling ni Michael kaya masaya na ako doon.

Another heartbreak.

Pang-ilang heartbreak ko na ba yon? First? Second? Third? Fourth? I don't know. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nasaktan kaya ayoko ng ma-inlove.

"Huy!" He snapped. Hinampas ba naman ako ng folder ng kulugong kaharap ko.

"Anong problema mo?" I hissed.

Nakakasakit na ng ulo tong bestfriend ko na ito. Kung di ko lang ito mahal matagal ko ng pina-salvage. We were friends since elementary. Hanggang nakapagtapos ay lagi kaming magkasama. Lagi ko siyang karamay kapag may problema ako. Madalas umiinom kami lalo na kapag problema sa puso.

Nang umalis ako ay siya lang ang nakakaalam ng kinaroroonan ko. Namiss ko siya kahit na magkaiba kami ng ugali. Napaka-babaero. Samantalang ako wagas kung magmahal pero bigo pa rin sa pag-ibig.

"Eh kanina ka pa kasi tulala diyan Drake Ramirez Villarama." Nakangisi niyang sabi. Napasimangot ako sa sinabi niya. Alam na alam niya kung paano ako asarin.

"At anong gusto mong mangyari Keith Perez? " Tanong ko sa kanya.

"Find another girl." Sukat sa sinabi niyang iyon ay napaayos ako ng upo at akmang babatuhin siya ng ballpen.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now