Chapter 12 His Family

1K 44 41
                                    

"Ang cute naman ng endearment niyo ha. Very unique." Candice's said.

"Endearment..alam ko yan. Tawagan ng magdyowa. Oh di ba alam ko?"Ngumisi ako. Natawa na naman sila sa akin.

Ginawa akong clown ha. Girlfriend ba o clown ang pinasukan ko dito?

"We continue our chatting at inside." Ani Harry. Tumango naman sila tapos tumalikod na.

"Wait.." Bulong ni Drake sa akin. Pinulot niya ang sapatos ko na hinubad ko kanina dahil sa pag-akyat sa bayabas. Nakalimutan kong nakatapakan pala ako. Lumapit siya sa akin at lumuhod.

"Huy, a-anong ginagawa mo?" Huminto rin ang mga kasama namin. Tanging si Harry lang ang pumasok. Siguro gutom na.

Marahan niyang kinuha ang paa ko saka pinunasan ang talampakan ko gamit ang kanyang panyo. Muntik na akong matumba ng hawakan niya ang aking paa. Inabot niya ang isa kong kamay saka pinahawak sa kanyang balikat.  Siguro namumula na ako sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung nahihiya ako o natutuwa sa ginawa niya.

Natawa ako ng punasan niya ang talampakan ko gamit ang kanyang panyo. "N-nakikiliti ako." Sabi ko habang natatawa. Iniwas ko pa ang paa ko sa kanya, siya naman ay napahawak ng mahigpit para hindi niya mabitawan ang aking paa.

"Don't move." Nakasimangot niyang utos. Sinuot niya ang puting sapatos sa akin. Mataman ko siyang tinitigan ng ginagawa niya iyon. Para akong parinsesa. Parang ako si Cinderella. Napatingala siya sa akin ng maisuot na isang sapatos sa akin. Nakita ko pa siyang nakatitig sa aking hita na lumantad ng kaunti sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.

Nang ibaba niya iyon ay ang isa na naman ang kinuha niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay nakayuko sa aking paa. Pakiramdam ko lumundag ang puso ko sa ginawa niya. Inayos ko ang buhok ko na nagulo sa pagkakayuko. Pinatong niya ang paa ko sa hita niya para abutin ang sapatos saka na iyon pinasuot.

Hindi ko alam pero parang may mali sa akin. Parang naging abnormal ang feeling ko sa araw na ito. Napatingin na naman siya sa hita ko kaya binaba ko na ang aking paa. Tumingala siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. There's something in his that I can't resist. I don't know what it is but I think it's not good.

"Ikakasal na yan. Ikakasal na yan!" Sigaw ni Keith. Sumipol si Leewayne habang nanonood sa amin. Si Justine ay nakaakbay kay Candice na nakangiti. Ganoon din si Candice. Hindi ko alam kung totoong ngiti iyon.

"No. Honeymoon na yan! Honeymoon na yan!" Pumapalakpak na sigaw ni Leewayne. Binatukan siya ni Justine kaya natawa ako kahit na awkward masyado.

Masyadong vulgar pinagsasabi nila. Parang yung mga kasamahan ko lang sa iskwater. Yun nga lang gwapo kasi ang mga ito kaya nahihiya ako ng konti.

"Shall we?" Pukaw ni Drake sa panonood ko sa mga kasama namin. Inabot niya ang kamay ko saka pinagsiklop niya ang kamay namin.

"Ayieh! Kinikilig si Drakey!" Tukso ni Leewayne. Umakto na ito na parang kinikilig. Seryoso, normal ba ito? Sayang naman siya ang gwapo pa naman.

"Just fuck your mouth, Wayne!" Inis na sabi ni Drake. Natawa na lang sila sa inasal nito.

"Ipabendisyon mo nga yang bibig mo. Makasalanan, e." Anas ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay tapos nagpatuloy sa paglalakad papasok ng bahay. Nakita ko naman si Wayne na nakangisi sa amin.

Tumigil sa paglalakad si Leewayne saka kami hinarap. Mukhang may sasabihin siya kaya nauna na sina Candice at Justine sa loob. Sinenyasan niya si Drake para lumapit.

"Do you want to know about the procedure of baby making?" Bulong niya na ikinabigla ko. Seryoso? May gano'n bang procedure na parang nagluluto lang? Habang nakatulala ako ay nakita ko na lang na binatukan ni Drake si Leewayne. Humalakhak la ang mokong sa nangyari.

The Best Pretending RoleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora