Chapter 42 Falling

1.1K 38 26
                                    

Rea's POV

Tahimik lang si Drake na nakikinig sa sinasabi ni Keith. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, panay kasi ang pagsinghap niya tapos tumitingin sa akin si Keith.

Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Siguro ang pagbubuntis ni Candice at ang pagbabalik ni Trisha.

Speaking of the bitch..gumanda lang ng konti ang arte na. Napamura ako sa isip ko ng maalala kung paano magalit si Drake kanina. Ito kasing palakang 'to ang daming minahal kaya dami kong karibal.

"Anong sinabi ni Trisha sayo?" Bulong ni Jess sa akin. Abala kasi sila sa kwentuhan kaya si Jess lang ang kausap ko.

"Yun..bitch daw ako."

"What??"

"Hay naku hayaan na natin. Hindi pa yata nakapag move on. Napaka bitter e mas maganda naman ako sa kanya." Mula sa pagkanganga ay natawa si Jess.

"Apir!" Aniya sa akin. Sumunod naman ako saka nagtawanan.

"Alam mo, dati gusto ko si Trisha..yun nga kasi mabait."

"Mabait? Kung iyon mabait, wala ng masama sa mundo." Umirap ako na ikinatawa niya.

Totoo naman di ba? Ang bastos kaya at ang arte. Nakakapagtaka kung ano ang nagustuhan ni Drake do'n.

"Mabait naman iyon, Ate. Hindi ko alam ngayon.."

"Oh kunwari mabait siya, tapos? Ituloy ang kwento." gusto ko talagang malaman ang nangyari sa kanilang dalawa. Pahapyaw lang kasing ka kwento ni Keith sa akin.

"I was there when kuya proposed to her." Sinimsim niya ang juice sa kanyang harapan. Nakuha  naman nito ang atensiyon ko. Halos hindi ko malunok ang spaghetti na nasa bibig ko.

"I saw how kuya broke into pieces. I saw how he was hurt. He was miserable that time. Hindi lang kay Trisha, pati na kay Ate Candice.. Kaya ng umalis siya, halos halughugin naming ang buong Cebu. Wala kaming connection sa kanya, pinutol niya lahat. Pati nga saving account niya at lahat ng credit card wala siyang ginamit kahit isa..yun pala nagtrabaho siya bilang ordinaryong empleyado."

Ganoon pala ang nangyari. And that is the end of the story. No, that's the beginning of Drake-Rea love story..and they live happily ever after.

Pinilig ko ang iniisip ko. Nakakaloka! Feeling princess lang, 'no?

"Yeah, no matter how long it takes, true love is always worth the wait, ika nga. And now, you two are happy." Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa akin. "I know, how much you love him. Hindi mo naman siya iiwan, di ba ate?" Napainom ulit ako ng juice ng wala sa oras.

Tumikhim ako kahit wala naming bara na nakaharang sa lalamunan ko. "Kasi kapag iniwan mo rin siya..baka hindi na niya kakayanin.."

_______

Nakauwi kami sa bahay ng hindi man lang nag-uusap. Pagkarating namin ay siya ring pagdating nina Wayne. Mabuti na lang hindi sila lasing talaga. Naglakad si Drake ng di man lang ako pinansin. Napanguso ako, ang gulo niya. Sino ba talaga ang mahal niya?

Naalala ko na naman ang sinabi ni Jessica. Parang nakokonsensiya ako. Magdarasal ako araw-araw matapos ang pagpapanggap naming ito. Ayokong dumami ang pagkakasala ko baka sunduin ako ni tagasundo. Nakakatakot.

"Sa isang sulyap mo..ay nabihag ako.." Kanta ni Wayne habang inaakyat siya ni Harry na kanina pa nanggagalaiti sa kanya.

Hinabol ko naman si Drake paakyat kaso dumiretso siya sa bathroom. Kainis talaga.

Hindi kaya titigil na kami sa pagpapanggap kasi andiyan na si Trisha? Halos mapamura ako sa nainip. Hindi pwede iyon kailangan ko pa ng pera at hindi ako papayag na ganun na lang.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now