Chapter 13 Quickie

1.1K 47 54
                                    

Rea's POV

Matapos naming kumain ay dumeretso kami sa sala nila. Buti pa sila may aircon kahit siguro linisan mo ang buong bahay hindi ka pagpapawisan dahil sa lakas ng aircon. O mas tamang sabihin na tatlong araw bago malinisan ang bahay nila sa sobrang laki. Nagkikita kita pa kaya sila dito?

Habang nakatingala ako ay namamangha talaga ako sa mga nakikita ko. May chandelier pa sila. Gusto ko tuloy kantahin iyon.

Umupo sina Tita Henry at Tita Trina sa magkatabing isahang upuan. Sina Candice at Justine naman ay magkatabi. Nakayakap pa rin si Justine sa bewang ni Candice. Nakikita ko na sweet si Candice kay Justine kaya alam kong mahal niya talaga ito.

Sina Keith, Harry , at Wayne ay magkakatabi na umupo sa carpet. Nagbibiruan sila at nagtatawanan. Umupo ako sa sofa katabi si Candice saka naman tumabi sa akin si Drake.

This is it. Magsisimula na talaga ang pagiging sinungaling ko.

"So...paano kayo nagkakilala ni Drake?" Tumikhim si Drake matapos itanong iyon ni Tito Henry.

"Ay! Ganito po iyon.." ako naman ay nag imagine kung paano nga kami nagkita. Nakangiti pa ako habang nagku-kwento.

Naglalakad ako sa parking lot para sumakay ng kotse ko ng may humablot sa aking bag. Nagsisigaw ako dahil mahalaga ang nasa laman ng bag na iyon. "Tulong!" Sigaw ko.

Pinagtitinginan ako pero walang tumulong sa akin. Nahagilap ng mata ko ang gwapong lalaki na kakalabas lang sa kotse niya. "Magnanakaw! Tulong!" Sigaw ko na naman. Nagmadali niya akong nilapitan dahil sa pagwawala ko.

Napanganga pa ang lalaki ng makita ako ng malapitan. Siguro nagandahan siya sa akin kaya natulala siya. Kinaway ko ang aking kamay sa harapan niya para lang magising siya sa pagiging bato.

"Pogi mamaya kaya mabighani habulin mo muna yung bad guy!"

"What happened?" He asked. Basta tinuro ko lang ang tumatakbong magnanakaw saka niya iyon hinabol. Sumunod naman ako sa kanya. Nang mahabol niya ang magnanakaw ay sinuntok niya ito.

Napapa 'wow' ako sa galing niyang makipagsuntukan. Halos tulala ako ng ibalik niya sa akin ang bag. "Miss?" Aniya. Doon pa lang ako nagising kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Dahil sa taranta ko ay nahulog ang bag ko kaya tumilapon ang laman niya. Tinulungan niya akong mamulot saka binalik sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Then he asked me to go out. Hanggang sa naging malapit kami sa isa't-isa at ligawan ako.

"Tapos iyon..sinagot ko na siya..ang sweet 'no?" Nakangiti kong sabi sa kanila. Tahimik lang silang nakikinig sa amin. Si Wayne ay napangiwi pa nga. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

"Hindi ganyan ang nangyari. Nung nahulog ang bag mo inaway mo ako kasi nga natilapon ang gamit mo. Imbes na magpasalamat ka ay nanermon ka. Hindi naman importante ang laman ng bag mo." Singit ni Drake.

"Ano bang laman ng bag niya?" Ani Jess.

"Ah-eh...sandwich." Kinagat ko ang labi ko. Natawa naman sila sa sinabi ko. Narinig ko pa nga sina Wayne at Keith na nagbubulungan.

"Pero salamat sa egg sandwich ko dahil niyaya ako ng date ni Drake."

"Anong ako? Ikaw ang nagyaya kinukulit mo nga ako." Aniya sabay ng pagkunot ng noo.

Itong mokong na ito ipapahiya pa ako!

"Ay hindi! Di ba nga niyaya mo ako sa malapit na resto?"

"Ah..ikaw ang nagyaya tapos sinabi mo na may manliligaw ka. May ari ng punerarya, 'di ba?" Pinanlakihan niya ako ng mata at nagngitngit na sa galit. Binibigyan niya ako ng warning.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now