Chapter 7 Suitor

1.1K 49 49
                                    

Drake's POV

"Pwedeng mag-advance?"

Hindi ko ine-expect ang sasabihin niyang 'yon. Akala ko may problema.

"Ano, kailangan ko lang. Ayaw mo nun di na ako makakaurong." Dugtong niya. Iniisip niya siguro na hindi ako papayag. Nilunok nito ang pagkain sa bibig tapos pinunasan ang bibig gamit ang kamay.

Wala talagang manners.

"Okay. Mamaya magwi-withraw ako." Sabi ko at tumusok ng fish fillet.

"Hindi i-deposit mo sa account ko." Akalain mo may ipon pala ito sa banko. Matalino naman pala ito at marunong sa buhay. Alam ko na magiging kapani paniwala ang gagawin namin.

"Sure." Sabi ko habang patuloy sa pagsubo.

Ilang minuto na kaming kumakain, siya naman ay walang palya sa pagsasalita. Napaka ingay nito at masayahin din. Tapos na akong kumain siya naman ay hindi pa tapos. Tinikman niya lahat ng order. Hindi lang tinikman, kinain lahat ng putahe na nasa mesa.

"Drake, ayaw mo ng kumain?" Umiling ako.

"Akin na to ha? Naku madaming nagugutom ngayon sayang ang pagkaing binigay ng Diyos." Sabi niya habang kinukuha niya ang plato ko at nilipat ang pagkain ko sa plato niya

What the hell? Kakainin niya ang tira ko?

"Uhm.. sarap talaga!" Nakangiting sabi niya habang pinagpatuloy ang pagsubo. Take note tirang pagkain ko ang kinain niya.

Hindi ako makapagsalita habang kumakain siya. Parang ngayon lang nakakain, hindi na nahiya. Sarap na sarap siya at walang kaarte arte. Sa gawi niyang iyon ay naalala ko si Mira. Matakaw din siya pero hindi tumataba. Wala din siyang arte sa katawan. Totoo siya..kahit kanino ay hindi siya takot ipakita ang totoong siya.

Pagkatapos niyang kumain dumighay pa siya ng napakalakas. Parang baka lang.

"Hehe sorry nabusog ako ng sobra." Sabi niya ng nakangiti. Akala ko mahihiya siya hindi pala.

"Obvious naman." Sagot ko na lang.

Katatapos niya lang kumain at nagpapahinga siya. Mukhang hindi na makahinga sa sobrang busog. Kumuha siya ng toothpick at tinatanggal ang dumi sa ngipin niya. Hindi man lang tumalikod at pinakita pa sakin ang ginagawa niya.

"Kelan tayo magsisimula?" Tanong niya sa akin.

"Bukas pupunta na tayo ng Cebu." Sabi ko.

"Cebu? As in capital C-E-B-U?" Tanong niya na nanlalaki ang mga mata. Napasigaw pa nga ito kaya nakuha ang atensiyon ng katabi namin.

"Doon ako nakatira. Wag kang mag-alala three months lang naman. By the way, para malinaw ang lahat..may boyfriend ka ba o asawa?" Tanong ko para naman makasigurong walang sabit sa plano namin. Mahirap na may asawa pala ito makasuhan pa ako.

"Ay sus! Ikaw ha para paraan kapa. Sabi ko na type mo ako, e." Nakangising sabi niya.

Anong sabi niya? Crush ko siya ? Psh. Mangarap siya.

"Tinatanong ko lang para hindi komplikado!" Nakakainis na ang babaeng to masyadong feeling maganda hindi naman kagandahan.

"Okay di ka naman galit niyan no?" Aniya. Tinaasan ako ng kilay habang nakahalukipkip sa kinauupuan.

"Basta sagutin mo na lang.." Luminga naman siya sa paligid at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Sumunod naman ako. Inilapit ko ang ulo ko sa kanya at bumulong.

"Atin atin lang to ah.. sikretong malupit ito. Meron akong boyfriend hihi.." Sabi niya na natatawa. Kung first time mo itong makikita parang siyang siraulo.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now