Chapter 26 Gift

1K 39 37
                                    

Drake's POV

Matapos ang pasabog ni kuya Justine ay umalis ako ng bahay. Nagpakalayo ako at pumunta ng Maynila. Pinutol ko lahat ng connection na meron sa kanila . Tanging si Keith lang ang nakakaalam ng number ko maging kung nasaan ako. Lahat ng credit cards maging savings na binigay sa akin ni papa ay hindi ko ginamit. Pati nga sasakyan ko iniwan ko. Ayoko ng mga bagay na galing sa kanila.

Sa unang buwan mahirap, lahat yata na apply-an ko na. Hanggang sa nakapasok ako sa Montecillo's company. I became cold to everyone. Hindi ako nakipagkaibigan kahit kanino sa mga officemates ko. Sinubukan nila akong isali sa grupo kaso ako ang nagbigay ng limitasyon kung hanggang saan lang sila pwede.

"Buddy! They worried about you! What would I tell to them?" Napapakit ako ng mariin habang kausap ko siya.

"Tell them I'm dead!" I said then turned off my phone.

Nasa sulok ang aking deck kaya di nila ako naririnig pero ang mga kasamahan ko ay sobrang ingay lalo na si Diego at Madam Rosa na pinagpapantasyahan ang boss namin.

Two years ago ng bigla siyang nawala. Ang balita ay tumakas si Michael sa mismong engagement party niya sa kanyang girlfriend. Napangisi ako ng maalala iyon. Ang swerte nga niya mahal siya ng girlfriend niya pero siya pa ang nang-iwan. Ngayon bumalik siya, ang nakakapagtaka ay nagkabalikan sila ng fiancé niya.

"Good morning everyone!" Bati ni Diego, ang baklang supervisor namin.

"Good morning Madam!" Sabi ng mga ka office mates ko.

"Oh by the way we have a new member in our team. Ganda, come here." Maarteng sabi nito.

Lumapit ang babae sa tabi niya. "She is Mira-ano nga kasi ulit name mo Ganda?"

"Hello! I'm Miracle Mary Dela Cruz just call me Mira. I'm twenty one years old. I hope na magiging friends lahat tayo." Sabi nito na nakangiti.

"Ineng tinanong ko lang kung anong pangalan mo ang dami mong sinabi." Sabi ni Diego Nagsitawanan naman lahat ng officemates ko

"Sorry, excited lang." Ngumiti ito sa katabi niya. As I looked at her, may something sa kanya na kakaiba. Iyong ngiti niya parang nang-aakit. She's pretty. Hanggang doon lang yun wala ng special sa kanya.

Sa tagal ko dito sa trabaho ay nakasanayan ko na. Sanay na rin mga kasama ko sa akin. Kapag nagtatawanan sila ako lang ang hindi. Siguro immune na sila na ganito ako.

Habang tumatagal ay lalo kong nakilala si Mira. Parang may kung ano sa kanya. Parang gusto ko siyang protektahan. Hindi ko alam kung para saan.

Halos araw araw binabalitaan ako ni Keith sa mga nangyayari sa bahay. Sina Candice at Kuya Just daw ay nagbakasyon sa Amerika. As if I care.

Palagi kaming magkasama ni Mira. One time nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak ayaw naman niyang sabihin. Dahil palagi kaming magkasama ay nagugustuhan ko na siya. Ilang ulit kong minumura ang sarili ko. Dalawang beses na akong nasaktan pero heto hindi pa rin nagsasawa ang puso ko na masaktan ulit. Sinubukan ko namang lumayo eh, kaso ang hirap pala.

Aaminin ko naging masaya ako sa trabaho ko. Yung bang hindi ko kailangan ng tulong nila. Panatag din ang loob ko dahil hindi ako nasasaktan kapag nakikita ko sila. Naging proud ako kase kaya kong tumayo sa sarili kong paa.

Alam ko na may crush sa akin ang isang office mate ko, si Jaxine. Kahit na ganoon hindi ko pinansin. Ayokong masaktan at ayoko rin manakit. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto.

"Drake, bakit ang sungit mo?" Nakangusong sabi ni Mira. Kahit na nasusungitan ko na siya hindi pa rin ito tumigil na makipagkaibigansa akin. Simula no'n natuto na akong makipagkwento sa mga kasama ko. Madalas nakikisakay na ako sa mga jokes nila.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now