But yesterday was a miracle when Amira came up to her office, sitting down on the visitor chair with a smile. For what? Just to ask her for an advice about Matthew. What Matthew's favorites? Chu chu! Ang plastic but at the end ay nakisimpatya naman siya sa kapatid niya at sinabi niyang huwag si Matthew, iba na lang, dahil masasaktan lang ito kay Matthew. Para nga ba talaga kay Amira ang payo niyang iyon o para sa kanya? Napakababaero talaga ng lalaking 'yon. Silang dalawang magkapatid pa talaga ang tutuhugin. Ang sarap lang itali sa kawayan ng hubo't hubad at ipagahasa kay Russo. Napailing at napangiti na lang siya sa huling naisip. Paniguradong matutuwa ang baklita kapag iyon ang nangyari. Pero mabuti na lang at hindi talaga siya nagpadala sa pambobola nito. Kamuntik-muntikan na niyang sabihing mahal pa niya ito at laking pasasalamat niya at nakapagpigil siya. Sa loob ng isang linggong pagsasama nila nito sa sariling bahay niya ay lalong tumindi ang pagmamahal niya para sa dating katipan at ngayon ay pilit niyang sinusupil at pinaniniwala ang sariling hindi niya ito mahal.

"Si Matthew," bulong ni Russo.

Naibaling niya ang tingin sa direksiyon kung saan nakatuon ang mata ni Russo. Matthew was standing few meters away from them as he stared at her. Hindi niya inaasahan na nandito ito ngayon. Hindi rin kasi sila nag-usap nito mula pa kahapon dahil sa inis niya rito. Pero natural na nandito ito. Mga business associate ang dadalo sa mga ganitong pagtitipon. At ang alam niya pupunta rin dito ngayon si Andra at Preyh kasama ang mga asawa nito, pero mukhang wala pa ang mga kaibigan niya.

As their eyes met her heart was pounding crazily inside her chest all of a sudden. Ganito pa rin talaga katindi ang epekto ni Matthew sa kanya. Para siyang isang teenager na nakita ang crush sa sobrang pagkabog ng dibdib niya. She was mesmerized by his look. He was extremely good looking in his black tuxedo. Matthew exudes confidence and it makes him more handsome. Noon pa man ay ganito na ito. Nakilala siya ng maraming tao dahil kay Matthew. She was renowned for having an extremely hot boyfriend. Most of the girls feel envious on her and they have probably wished they could be in her place. Sana lang ito ngayon ang nasa tabi niya at siya ay nasa tabi nito habang nakaabrisete. Bumama ang mata niya sa braso ni Matthew habang nagpapantasya na nakahawak siya doon at wala sa loob na napangiti. Pero ang ngiting iyon ay biglang nawala nang makitang may mahigpit na nakakapit dito, lalo na nang mapagsino niya ang nakakapit sa braso nito.

Sa isang iglap ay biglang nanikip ang diddib niya. The extreme speed beating of her heart didn't slow, but now for some different reason. Bigla ang pagragasa ng masamang alaala sa nakaraan nila ni Matthew na ayaw na ayaw niya nang binabalikan pa. Akala niya hindi na niya makikita pa ang babaeng sumira ng relasyon nila ni Matthew. Ngayon ay makikita niyang muli si Vivienne na kasama si Matthew. Matagal siyang walang balita sa hinayupak na babaeng ito. Hindi rin niya nanaisin na ipagtanong pa kung saang lupalop ito nagtungo.

"Holy Mary, mother of GAWD!! He is simply delicious!" Russo giggled. Doon siya nag-iwas ng tingin. Parang gusto na niyang tumakbo palabas. May lumapit na isang babae sa kanila. It was an event organizer.

"De Silva family?" tanong nito sa kanila.

"Yes," si Mr. De Silva ang sumagot.

"Your reservations are waiting for you?" the girl politely pointed at the direction where of the said place at mukhang sa pinakaunahan ang table nila malapit sa platform.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon