TINANGHALI ng gising si Reghie. Late na rin kasi siyang nakatulog kagabi kakaisip sa tungkol sa kung ano ang pag-uusapan nila ni Mr. Salcedo. Kung puwede nga lang sanang hatakin ang oras para mas mabilis na sumapit ang alas tres ay ginawa na niya. Agad siyang nagtungo sa kusina nang wala siyang makitang kahit isang tao sa loob ng kabahayan. Napangiti siya nang pagbukas niya ng pinto at mabungaran si Matthew na abalang nagluluto. Tanging boxer short at apron lang ang suot nito. Shaks! He has a perfect and sexy ass and back. His muscles flex with every movement he made at kasabay n'on ay napapalunok siya. Kahit siguro magdamag niya itong pagmasdan, she will never get tired of watching him.

How lucky she was to have him, a very rare one of a kind. He's a selfless man, a kind of man who lives to please those he cares most about. A great and loving son, lover and father. He might once be a jerk but he had totally turned into a changed man from the day he met her. She made a mistake when she accused him of being a bastard. He is not a bastard and never been a bastard to her. Bukod sa magagandang katangian nito sa pag-uugali ay nakakahimatay pa ang kakisigan nito. Women will instantly get wet at the sight of him. Once his gaze astrides on you, making you lose your breath away. Just a simple touch from him, definitely your knees will beg to wobble. And by his sensual touch, ugh! Bigti na! Dahil mararating mo na ang pinto ng ikapitong langit. His hands were all good, too good to condone her insides.

At sorry na lang ang mga babaeng may pagnanasa kay Matthew dahil siya ang mahal nito at simula ngayon ay ipagdadamot na niya ito. Babasagin niya talaga ang pagmumukha ng sino man ang sumubok na lumandi sa mahal niya.

Pero teka nga lang. Bakit nga ba ito ang nagluluto? At nasaan ang mga tao dito? Marahang pumasok si Reghie sa kusina, maingat niyang isinara ang pinto para hindi makagawa ng ingay. Patingkayad siyang lumapit kay Matthew at biglang pinaikot ang mga braso sa baywang nito.

"Bakit ikaw ang nagluluto?" Matthew looked back over his shoulder, placing a quick kiss on her forehead.

"Good morning. I was planning to bring you a breakfast in bed kaso gising ka na," anito at muling ibinalik ang tingin sa niluluto.

She tightened her arms around him. "Hmm.. so sweet. Nasaan pala ang mga tao dito?"

"Aling Gina and Jona went to church with Aling Emma and Ate Sally. Si Mateo, sinundo ni mommy, and Stephannie coaxed Russo to take her to the mall for shopping." Linggo nga pala ngayon at nakagawian na nila ang pagsisimba. Nawala sa isip niya sa dami ng kanyang iniisip.

"Mabuti at pumayag ang baklang 'yon."

"Ayaw nga eh. Tinakot ni Stephanie na ibabalandara niya ang hubad na katawan sa harap ni Russo kapag hindi siya sinamahan mag-shopping." Natatawang kuwento ni Matthew na ikinatawa rin niya.

Hindi rin niya ma-imagine kung paano si Russo sa kama. Pero naniniwala siyang may brusko-side si Russo sa kaibuturan ng pagkatao nitong kayang pakawalan ni Stephannie. Nahuli niya minsang napapalunok ang gaga at napapatitig ito kapag suwabeng pinaindayog na ni Stephannie ang may kalakihang pang-upo nito na tanging negligee ang suot. Stephannie was determined in seducing Russo, and she believes Stephanie will be succeeded.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!