"ANO na naman ang problema?" tanong ng kanyang amang si Enrique  De Silva nang maabutan sila ng kanyang mommy na nagtatalo sa loob ng kanyang opisina.

Nagsimula na siyang magtrabaho sa kompanya nila. Kinabukasan din pagkatapos nang pagtatalo nila ni Amira ay nag-report na siya. Ang dating opisina niya pa rin ang ginamit niya at inilagay siya sa creative department bilang creative director.

"Pagsabihan mo 'yan! Alam mo bang pinahiya niya si Amira at sinaktan sa harap pa mismo ni Mr. Del Prado!" Galit na wika ni Almira ang pinakamabait na ina sa buong galaxy — kabaliktaran.

"Hindi naman gagawin ni Regina 'yon. Baka sobra na naman ang sumbong ni Amira." Napangiti siya sa pagtatangol sa kanya ng kanyang daddy. Her dad is the best father on earth at totoo 'yon. Nakakalungkot lang na hindi niya ito tunay na ama. Sana lang anak na lang siya nito at si Almira na lang ang stepmother niya. She could have wished?

Galit na galit ang mommy niyang lumabas ng opisina. Lumapit siya sa kanyang ama at ibinuka naman nito ang mga bisig at buong higpit siyang yumakap dito.

"I wouldn't ask you about the dispute that happened between you and Amira. Tingin ko alam ko na ang dahilan kung bakit nagalit na naman sa 'yo ang kapatid mo." May pagtataka niyang tiningala ang ama saka bumitaw sa pagkakayakap dito.

"Ayaw mo ba talagang sa bahay tumira? Para naman makasama ko ang apo ko."

Umupo ang daddy niya visitor's chair at siya naman ay katapat nito. Mas nais kasi niyang tumira sa bahay niya para makaiwas sa gulo. Ngayon ngang hindi sila nakatira sa iisang bubong ng kapatid niya ay nagkakabanggaan na sila. What more if they live under the same roof.

"Are you willing to be our referee?" Marahang natawa ang kanyang ama.

"Kailan kaya kayo maghaharap ng kapatid mong hindi nagbabangayan?"

Wala nga siyang natatandaan na nagkasundo man lang sila ng kapatid niya. Mula pagkabata palang nila ay mainit na ang ulo sa kanya ng kapatid niya. Sa tuwing uuwi naman ito sa Pilipinas, at sa pananaliti nito ng isang linggo ay hindi rin sila nagba-bonding talaga. Sinubukan niyang hulihin ang loob nito pero wala talaga eh. Kaya hindi na niya pinilit pa.

"Ewan ko, dad. Mabait naman ako diba? Pero bakit kaya hindi ako gusto ni Amira? Even mom. Is it because I'm a bastard?"

"Don't say that. Mahal ka ng mommy mo."

"Hindi ko po nararamdaman, dad. Minsan iniisip ko po. Hindi kaya ako talaga ang anak mo at si Amira ang anak sa labas. Parehas kasi tayong mabait eh." Tumawa ang daddy niya.

"Anak naman talaga kita."

Umiling siya. "I'm not your flesh and blood. Pati po sa papel pinagkait pa sa 'kin," hindi niya maibukbli ang magdaramdam. Hinawakan ng daddy niya ang kanyang kamay.

"Hindi doon nasusukat ang pagiging mag-ama. For me, you are my precious daughter."

"Haist! Stop this dramatic scene, dad. Baka magkaiyakan pa tayo. By the way, ano po ang sinasabi mong alam mo na ang pinagtalunan namin ni Amira?" pag-iiba niya sa usapan dahil ayaw niya rin talaga ng kadramahan. Hindi naman siya manhid para hindi masaktan sa pagtrato sa kanya ng pamilya niya.

"Hmm. She hasn't closed the deal with our biggest client." Lalo naman siyang naguluhan sa tinuran ng kanyang ama.

"What do you mean, dad? Anong kinalaman ko doon?"

"Well, hindi raw nagustuhan ng client ang concept na pre-ni-sent nila. Actually, okay na raw 'yon, mukhang nagustuhan naman daw. Pero kahapon biglang nagbago ang lahat at hindi na raw gusto bigla, kaya hindi raw pumirma ng kontrata."

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!