DALAWANG linggo na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang mga nakakagulantang na pangyayari sa buhay ni Reghie. Ang daming nagulat sa mga kaganapan sa totoong pagkatao niya. Ang pamilya Del Prado, sina Vivienne at Kade, maging ang mga kaibigan niya ay hindi makapaniwala. Maihahambing daw sa isang teleserye ang buhay niya. Akala rin ni Reghie ay kapatid niya si Vivienne at Kade pero hindi pala. Ampon lang si Vivienne at Kade. Noong akalain ni Camellia na patay na ang sariling anak, sobrang kalungkutan ang kinaharap nito na dumating pa sa punto na parang gusto na nitong sumuko sa buhay. Until she had met Vivienne and Kade. Si Camellia ay isa sa mga benefactor ng isang ampunan dito sa Pilipinas — Angel's home. Minsan ay nagpadala ng mga larawan kay Camellia ang charity home na ini-sponsoran nito. Nakita nito ang larawan ni Vivienne habang karga ni Kade. Vivienne was 3-year-old while Kade was 8-year-old. Nakaramdam ito ng awa sa bata. Naalala ni Camellia ang sariling anak. Nagtungo ito ng Pilipinas para ampunin si Vivienne. Kasama nitong inampon si Kade na dapat ay si Vivienne lang. Umiiyak daw kasi si Vivienne kapag kinukuha ito kay Kade kaya pati si Kade ay inampon na rin lang.

Sila naman ni Amira ay hindi pa rin gan'ong nag-uusap. Medyo may ilangan pa rin pero at least ay hindi na sila nagbabangayan. Hindi na siya nito tinatarayan. Alam niyang darating ang araw na magiging maayos ang lahat sa kanila. One step at the time. She doesn't want to rush the things between them. Nagkakapaan pa silang magkapatid ng loob. Minsan ay niyaya niya itong mag-lunch at pumapayag naman ito. Alam niyang willing si Amira na mag-reconcile silang magkapatid. Ang tungkol naman sa kanyang mga magulang; Tingin niya ay wala na talagang patutunguhan. She heard her father talking with their family lawyer. Pinapaasikaso nito ang divorce papers na kakailanganin. Sa San Francisco kinasal ang mga magulang niya kaya madali lang ang proseso ng paghihiwalay ng dalawa. Nalulungkot siya sa mangyayari sa parents niya pero ang daddy na niya ang nagdesisyon. Nangako naman ang daddy niya sa kanyang mommy na hindi ito aalisan ng karapatan sa kompanya, pero hindi niya alam kung papayag si Almira sa divorce na nais ng kanyang ama. Hindi na rin nakatira si Enrique sa sariling bahay.

"Hi, sis," genuine na bati ni Vivienne kay Reghie pagpasok nila ng bahay. Humalik pa ang dalaga sa pisngi niya. Tanggap naman ni Vivienne ang tungkol sa kanya. Humingi na rin ito ng tawad sa mga nagawa nito at ngayon ay maayos na sila ng dalaga. Magkakaroon ng maliit na salo-salo sa bahay ni Camellia. Kinuha ni Vivienne si Mateo at nagtungo sa may kitchen.

Isang linggo na rin silang nagkasama ng kanyang tunay na ina at madali naman silang nakapagpalagayan ng loob. Nag-stay siya ng isang linggo sa bahay ng kanyang mommy. Kulang pa nga 'yon at gusto pa sana nilang mag-bonding kaya nga lang ay sobra na ang pagmamakaawa ni Matthew na kung pwede na silang bumalik ni Mateo sa bahay nila. Araw-araw rin silang pinupuntahan ni Matthew sa bahay ng kanyang mommy. Bumalik na lang siya dahil kapag nagpapang-abot si Kade at Matthew ay mukhang magsusuntukan lagi.

"Hi, Redge!" Masiglang bati ni Kade kay Reghie habang patakbong bumababa ng hagdan. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng magkabilaang halik sa pisngi bago mahigpit na niyakap.

"Dammit, Kade! Puwede bang 'wag mong hinahalikan at niyayakap si Reghie!" Pabulyaw na sita ni Matthew sa binata.

"She's my sister. Puwede bang 'wag kang malisyoso," depensa ni Kade.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!