Chapter 6

194K 4.6K 412

@Amegoko -hi, Cathy, thanks for the support!! 

@RicaMayTulalian --  JohnArnie loves you..

@Vanessamolo - Merry X-Mas!! 

@Destinywarriors  - Baby Rain, sabi mo kakantahan mo ako.  hehe!! Labyha!

Teph and Jona.. Ito na kayo..  Sa ibang nag-ask isama sa story wait lang po.. nakapila kasi.. hehe! Ayaw ko naman kayong gawing kontrabida.. haha!

___

"SO, anong plano mo? Mukhang ayaw kang tigilan ni Matthew ah?" ani Preyh. Kasalukuyan silang nasa silid ni Reghie at nakaupo silang tatlo sa kama. Si Preyh ay katabi niyang nakaupo habang nakasandig sa headboard at si Andra naman ay nakaupo sa harapan nila sa gitna ng kama na animo'y isang serena.

"Ewan ko ba sa gagong 'yon. Nakakapikon na siya. Gusto pa kaming isamang mag-ina sa campaign na 'yan." Naikuwento na niya ang tungkol sa gusto ni Matthew na silang mag-ina ang maging image sa campaign.

"Paano kung malaman niya ang tungkol kay Mateo?" tanong naman ni Andra. Ano nga ba? Ilang saglit siyang nag-isip at natigilan. Hindi siya handa sa bagay na 'yon, pero isa lang ang nasa isip niya at 'yon ay ang hindi bigyan ng karapatan si Matthew.

"Wala siyang karapatan sa anak ko." Kahit na katiting wala itong karapatan sa anak niya. Ni hindi nga nito gustong mabuo noon si Mateo.

"Oh my God!" She snapped her head towards Preyh as she heard Preyh exclaimed. Napaawang ang labi niya nang makita ang bagay na hawak ng kaibigan.

"Ito ba ang nagpapaligaya sa 'yo?" namamanghang tanong ni Preyh habang hawak ang kulay berdeng dildo. Isa itong dildo na hulk ang disenyo.

"Grabe ang laki nito, Redge! Pero mas masarap pa rin ang sari manok kaysa dito," natatawang ani ni Preyh.

"Akin na nga 'yan! Pakialamera ka talaga! Hindi ko 'to ginagamit 'no!" Tumawa nang tumawa si Preyh. Maging si Andra ay natatawa rin pero as usual napakahinhin tumawa. Itong si Preyh ang bulgar bulgar talaga maging sa pagtawa.

Napangisi siya sa biglang naisip. At kapagkwa'y isinalaksak niya sa bunganga ni Preyh ang dildo kaya natigil ito sa pagtawa. Siya naman ngayon ang natawa nang sobra dahil sa itsura nito. Nakasalaksak lang naman sa bibig nito ang malaking dildo. Tinanggal ni Preyh ang dildo sa bibig at 'pwe' nang 'pwe'.

"Ano'ng lasa?" Natatawa niyang tanong.

"Kakagamit lang niyan ni Russo kanina at hindi pa 'yan nahuhugasan."

"Kadiri!!" Hinampas hampas ni Preyh sa braso niya ang dildo. Tawa naman sila nang tawa na halos pumuno sa buong silid.

Hindi naman talaga niya ginamit 'yon kahit kailan. Itong si Russo kasi ang nagbigay sa kanya niyan para naman daw may sexlife siya. Actually, isang set 'yon ng iba't ibang klaseng sex toys — Avenger sex toys. She uses hawkeye and black widow. Those are smallest among the rest. Hindi niya keri ang hulk. It's too huge and she may need double stitches if she'll use it.

"Hi girls." Sabay-sabay nilang naibaling ang kanilang ulo sa gawi ng banyo kung saan nakatayo si Russo na bagong paligo. Nakatapis ito ng tuwalya.

"Gosh, Russo! Ang hot mo talaga," puri ni Preyh dito. Ang hot naman talaga ng bakla niyang kaibigan. Pero ang malanding bakla ay nakabalot ng puting tuwalya ang ulo.

Nagtinginan si Andra at Preyh at nagkangitian. Sabay na lumukso pababa ng kama ang dalawa at tumakbo papunta kay Russo. Agad na hinawakan ni Russo ang tuwalyang nakabalot sa ibabang parte nito nang dambahin ito ng dalawa.

"Aaayy! Mga manyak na babae! Layuan niyo nga ako!" Nawala ang bruskong boses nito at impit na tili ang umalingawngaw sa buong silid.

"Patingin lang kami kung malaki." Pilit na hinahablot ni Andra at Preyh ang tuwalyang tumatakip sa kaselanan ni Russo.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!