Chapter 1 - we met again

208K 5.3K 500

I dedicated this to you arlyncasunuran, advance happy birthday.

____

"CONGRATS!" Masiglang bati ni Andra sa kaibigang si Preyh at nagyakap ang dalawa.

Ika-tatlumpu't apat na taong kaarawan ni Aiken Jimenez ngayon at kasabay na in-announce ni Preyh ang muling pagdadalang tao nito. Masayang-masaya si Aiken nang pagbukas nito ng kahon ng isang mamahaling relo na regalo ng asawa ay isang pregnancy test ang laman na may positive result.

Sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang bukod tanging walang asawa. Thirty-four years old na siya pero single pa rin siya, pero masaya naman siya sa pagiging single. Naging kaibigan na rin talaga nila si Aiken dahil kay Andra at Preyh. Si Andra ang bestfriend nito na asawa naman ng kaibigan niyang si Iñigo. Tumayo si Matthew at binati si Aiken.

"Congrats dude!" Nagkamay ang dalawa at nagbanggaan ng balikat na karaniwang ginagawa ng mga kalalakihan sa tuwing babatiin ang isa't isa. Muli siyang umupo at si Iñigo naman ang bumati kay Aiken. Dalawa na ang anak ni Aiken at ngayon ay madadagdagan uli. Si Iñigo at Andra naman ay may dalawang anak - isang lalaki at isang babae.

Umupo ang mag-asawa na magkatabi. Si Iñigo naman ay katabi niya at katabi nito ang butihing asawa na akala mo ay bagong kasal lagi kung maglambingan. Sa tuwing naalala niya ang dating Iñigo hindi talaga siya makapaniwala na magiging ganito ito kalambing sa isang babae. Isang playboy at walang pakialam sa nakakasamang babae, ngayon kulang na lang halikan ang paa ng asawa 'wag lang umalis sa tabi niya.

Siya naman ay walang girlfriend pero maraming babaeng nagnanais masilo ang puso niya. Natapos ang limang taong relasyon nila ni Regina McAllister nang umalis na lang itong walang paalam. Nagtungo lang siya sa California noon para sa isang business conference na dinaluhan niya, hindi niya makontak si Reghie at pagbalik niya ng Pilipinas ay wala na ito. Inisip niya na baka ang naging dahilan nang pag-alis nito ay noong makita sila ni Vivienne sa opisina niya dahil 'yon lang naman ang maaaring maging dahilan nito. At ayon nga kay Andra ay 'yon nga ang dahilan ni Reghie. Gago daw siya at manloloko.

"Hey hey! Congrats, Precious Gift Jimenez for another blessing!" Naputol ang daloy ng kanyang isip nang marinig ang isang pamilyar na boses. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya na halos ilang taon niya nang hindi na-e-experience.

"Oh my God! Reghie!" Narinig niyang tili ni Andra at Preyh.

Napalunok siya pero hindi niya maigalaw ang ulo niya para tignan ito. Ano na kaya ang itsura nito ngayon? Maganda pa rin ba katulad ng dati? Shit! Fuck! Bakit parang nagwawala ang puso niya sa loob ng kanyang ribcage. Naramdaman niyang siniko siya ni Iñigo sa tagiliran at doon siya lumingon para tignan si Iñigo pero hindi na niya nagawa pang tignan ang kaibigan nang mapako ang mata niya sa napakadang babae na tumatawa habang nakikipag-usap sa dalawang kaibigan nito.

Shit! She's still beautiful, parang mas gumanda pa nga.

Tumigil sa pagtawa si Reghie nang magtama ang mata nila, ngumiti ito sa kanya at muling ibinaling ang atensiyon sa dalawang kaibigan. Binati nito ang mga magulang ni Preyh na nasa kalapit lang nilang mesa bago naglakad ang tatlo sa ukupado nilang mesa.

Binati nito ang lahat ng kasama nila sa mesa. Humalik ito sa pisngi ni Aiken at sumunod kay Iñigo. Ang mabilis na tibok ng puso niya kanina ay parang lalong bumilis at lumakas nang lumapit sa kanya si Reghie, lalo na nang dahan-dahan itong umuklo. Napaawang ang labi niya nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya. A saccharine smile appeared on her lips that made him froze at kapagkwan ay idinikit ang pisngi sa pisngi niya.

"How are you, my bastrad ex?" bulong nito sa tainga niya pero hindi gan'on kahina dahil mukhang narinig ng lahat dahil nagtawanan ang mga ito. Ang gamit na pabango nito ay dati pa rin - ang paborito nitong Calvin Klein Enternity.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!